- 7 -

732 11 0
                                    

Bye... San Vicente

Narinig kong may kumatok sa aming pintuan. Di ako makagalaw, tinitigan ko lamang iyon mula sa aking pagkakaupo, di ko kayang buksan. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas dahil sa takot ko....

"Ms. Francine?.... tao po.. Ms. Francine...." Napalunok ako sa narinig ko, kahit na magalang na boses ang narinig kong tumatawag sa akin pakiramdam ko padin ay kamatayan ko na...

Nakailang katok pa ito bago ako nanginginig na tumayo mula sa aking pagkakaupo.

Inilang hakbang ko ang pagitan ko at ng pintuan. Nakatayo na ako ngayon sa harap ng pinto. Lumunok ako.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko inangat ang aking kamay para abutin ang pintuan. Lumunok pa ako ng ilang beses, nanginginig talaga ang mga kamay ko, hindi,.. hindi lang kamay ko, pati ang buong katawan ko...

Pinilit kong magpakatatag matapos kong muling huminga ng malalim at ibuga ito sa ere at binuksan ang pintuan.

"Magandang hapon po..." magalang na bati sa akin ng isang malaking mama na hindi ko kilala at kahit kailan ay di ko pa nakikita. May itsura ito, mga nasa edad ng higit sa trenta pero may matipunong katawan ito at morenong balat may taas na nasa lampas 5"5. Nakapolo ito ng puti, na nakapagdagdag pa lalo sa mukang kagalang-galang na itsura nito.

"A-a-ano p-po an-g ka-ilangan ni-la?" utal kong tanong dito ng di ko lumbusang binuksan ang pintuan.

"Kayo po ba si Ms. Francine? Pinapasundo na po kasi kayo sa akin ni Sir...." Mahinang sabi nito ng mapagtanto nyang madami ng tao ang nakikiusyoso sa mga bisita ko....

Saka ko lamang nakita ang isang kulay itim, maganda at malaking kotse sa tapat ng bakuran namin na may tatak na HAMMER at ang dalawang mukang body guard nito.

"Pa-pasok po kayo." Yaya ko dito ng mapansin ko na mukha naman itong mabait na tao.

Ngumiti ito at pumanhik. Naiwan ang dalawang kasama nito sa labas sa gilid ng kotseng dala ng mga ito.

"Pinapasundo na po kayo ni Sir... Ms. Francine..." Bungad agad nito sa akin matapos na umupo.

"Pero bukas pa po ang usapan namin sir...." Mahinahong sagot ko dito. Ganito na ba kalibog ang Don para hindi makapag hintay? Sabi ko sa isipan ko halos wala na ngang dalawangput apat na oras at matatapos na ang araw na ito e.

"Pasensya na po... pero ang sabi po ni Sir ay wag daw po kaming babalik sa mansion ng hindi po namin kayo kasama...." Natigagal ako sa sinabi nya. So baka malintikan pa ang mga taong ito pag di pa ako sumama? Ganon ba? Madadamay pa sila sa sitwasyon na ito? Madadamay pa sila sa galit ng baliw na Don na iyon??

"Pero po kasi-----" Napayuko ako, " Hindi po alam ng ina ko na ngayon nyo ako susunduin, baka magalala po sila sa akin...."

"Wag po kayo mag alala Ms. Francine, ang kasama po naminbay doon na din po dumiretso sa ospital para ipaalam sa kanila ang sitwasyon..." Ngumiti ito sa akin at lalo akong naguluhan.

"Ibig nyong sabihin ay malamang na kasama na nila ina ang mga kasamahan ninyo?" nanlaki ang matako dahil sa gulat.

Marahan itong tumango. Lalo akong nalungkot dahil alam kong alam na ni ina na aalis na ako, na kukunin na ako ng Don.

Natulala ako ng ilang segundo...." Sandali lang po aayusin ko lamang po ang mga gamit ko...." Paalam ko dito at tumayo na ako sa aking pagkakaupo paghakbang ko pa lamang ay pinigilan na nya ako.

"Ms. Francine, sabi po ni Sir ay wag na daw po kayong mag abala na magdala ng mga gamit nyo." Takang nilingon ko ito.

"At bakit?" Iritableng tanong ko dito. Alam kong mansion ang bahay ng Don pero hindi naman basura ang mga gamit ko na pwedeng makadagdag sa mga patapon na gamit sa mansion.

"Kasama po iyon sa bilin sa amin ni Sir.... Ms. Francine...." Magalang padin ang mga pahayag nito kaya parang di ko ito kayang bastusin.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka ako tumango.

"Kukunin ko lang ang mga pinakaimportanteng gamit ko..." Tumango ito saka na lamang ako kumilos para kunin ang mga importanteng gamit ko.

Tulala ako habang lulan ako ng magarang sasakyan na ito, nginig ang katawan ko sa takot na ilang minuto nalang ay makikita ko na ang Don at ang mga malademonyong ngiti nito sa akin na nagpapangilabot sa buong sistema ko...

Di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit... matutuwa dahil nasusuportahan ang pangangailangan ni ama sa ospital at baka mag buhay mayaman ako sa mansion o magagalit dahil wala na akong kawala sa desisyon na pinili ko.

Laking taka ko ng napansin kong lumabas na kami sa bayan ng San Vicente, hindi ito ang daan patungo sa mansion ng Don, daan ito patungo sa may bayan kung saan ang ospital ni ama , natuwa ako dahil ang akala ko ay dadaan kami sa ospital bago manlang ako masira... bago manlang masira ang sarili ko....

"Saan po ba tayo tutungo?" Takang tanong ko dito.

"Sa Maynila po Ms. Francine..." Sagot nya na nagpanganga sa akin...

Matagal ko ng pangarap na makarating sa Maynila pero hindi sa ganitong sitwasyon, sa sitwanyon na kailangan kong iwan ang buhay ko sa bayang ito para sa mga sakripisyo. Iiwan ko ang mga magulang ko dito at ako doon ay unti-unting masisira sa piling ng Don... ang usapan namin ng Don ay sa mansion nya ako titira pero wala syang sinabi na ilalayo nya ako sa pamilya ko...

"Pero-----"

"Doon po ang sabi ni Sir, Maam...." Napapikit ako sa inis sa isipin na wala na akong magagawa. Ang usapan namin matapos nyang gawin ang lahat ng parte nya sa usapan namin ay kanya na ako at wala na akong karapatang magreklamo.

Pag-aari na nya ako, nabili na nya ako sa pamamagitan ng pera nya, sa pang aabuso sa mga taong mahihirap....

"Magpahinga na po muna kayo Ms. Francine..masyado pa pong malayo ang byahe. Gigisingin nalang po namin kayo mamaya..." Nakangiting sabi nito sa akin, tahimik lamang ako pero pinilit kong wag matulog kahit na pagod na pagod na talaga ang katawan ko... sa puyat at sa mahabang byahe na ito.

Tahimik lamang akong nakadungaw sa bintana, habang nakikita kong palayo na ako ng palayo sa bayan na kinagisnan ko.

Pinigilan kong umiyak, ayaw kong makita nila na mahina ako, baka isipin nila na madali lang akong mapasuko...ayaw ko...ayaw ko...

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon