Para akong tanga pag gising ko kinabukasan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, para akong isang trumpo na paikot-ikot dito sa aking kwarto.
Mamaya na ang sinasabi nyang pag sundo sa akin. Saan kami magkikita? Saan nya ako dadalhin?
At bakit? Bakit white dress? Bakit?!!!
Ayaw ko man pero aaminin ko na, sa sarili ko... natatakot na talaga ako. Mahal ko si Sir noon... ng hindi ko pa nakikilala si Steven.. pero anong magagawa ko, kung sakaling ngayon na maningil si Sir sa lahat ng binigay nya sa akin?
Sana lang nandito si Steven. Yayayain ko talaga sya na muling magtanan... pero wala na din akong lakas ng loob at kapal ng mukha para uliting gawin iyon.
Hindi ko na kayang ulitin ang katangahan at kadesperadahan na ginawa ko noon. Pero anong gagawin ko? Hahayaan ko nalang ba na magkita kami ni Sir ngayon?
Para akong baliw na titig na titig sa cellphone number ni Steven sa phone ko. Tatawagan ko ba sya? Ano ba ang dapat kong gawin? Tatawagan ko ba o hindi?
Sabi nya naman na mahal nya ako di ba?
Na babalik sya? Paano nya ako babalikan kung maunahan sya ni Sir sa akin? Hindi ko alam kung kailan ang sinasabing pagbabalik ni Steven pero sana ngayon na... Sana...Shit!
Kagat-kagat ko ang labi ko habang nagtitipa ng mensahe kay Steven pero maya-maya din ay binubura ko, dahil na din sa hiyang nararamdaman ko. Parang hindi ko yata kayang ilagay sa gulo ng buhay ko si Steven.
Nahiga ako sa kama at malalim na huminga ng ilang beses. Hindi ko na gusto ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko dahil sa kabang nadarama.
Alam ko naman na minahal ko din si Sir, at naging espesyal sya para sa akin.. pero anong gagawin ko? Naguguluhan na ako...
Gusto ko syang makita at makaharap ng personal pero hindi sa ganitong sitwasyon. Nais kong magpasalamat sa lahat ng utang na loob... pero parang hindi ko pa talaga kaya sa ngayon at sa ganitong pagkakataon.
Pinikit ko muli ang aking mga mata at dinama ang sariling damdamin...
Bakit ba ako natatakot na harapin sya? E harmless naman sya di ba?, Alam kong halos nasaktan nya ako noon pero may halong pag iingat pa din naman ang mga haplos at yakap nya sa akin. Ramdam ko naman iyon sa bawat halik nya sa akin.
Matagal ko na syang hindi nakakasama... huli ko syang nakasama noong ilang linggo bago ang graduation ko, ang graduation ko kung saan pinili kong isuot ang jewelry set na binigay nya sa akin noong 18th birthday ko...
Alam kong mali ang suotin ko iyon, pero hindi ko napigilan ang sarili ko noon dahil na din sa gusto kong magpasalamat sa kanya, kahit pa hindi ko gusto ang ibigsabihin ng pagsusuot ko noon... sa kanya na ako... sa oras na gamitin ko iyon... Pero mali bang para sa akin ay isa iyong pagpapasalamat sa pagiging mapagbigay nya sa akin?
Kahit na alam kong hindi talaga iyon ganon.
Napaangat ako sa pagkakahiga ng biglang may kumatok sa aking kwarto! Agad akong napabangon para siguraduhing nakalock ang pinto.
Ilang mahihinang sunod-sunod na katok pa.
Pumikit ako habang nagdarasal na sana ay hindi...
Narinig ko din ang malakas na ugong ng sasakyan na pumarada sa tapat ng aming bakuran. Lalapit sana ako sa bintana para silipin iyon pero...
"Francine... anak..."
Kasabay ng mahihinang katok ni nanay.
"Gising ka na ba?, tanghali na hija..."
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...