"Destiny..." natatawang bulong ng katabi ko kaya naman nalingon ko sya. Deretso ang tingin nya sa harapan pero ang laki ng ngisi nya.
"tsk..." Walang gana kong parinig.
Binigyan kami ng topic ni Sir Dimapili. Ngitngit na ngitngit ako sa isipin na magkapartner kami sa gagawin naming reporting at projects at sabi nito ay hanggang matapos daw ang sem ay kung sino na ang partner ay iyon na din ang sa mga susunod na partner sa ibang topics. Kainis lang...
Matapos kong ayusin ang bag ko ay lumabas na agad ako ng classroom. Wala na akong klase kaya naman pwede na akong umuwi, wala akong ganang kausapin ang partner ko kahit pa nakikita kong yung ibang magkakapartner ay abala na sa pag-uusap para sa mga gagawin sa reporting at projects.
"At saan ka pupunta?" Napalingon ako sa nagsalita, sya nanaman?
Nandito ako ngayon sa parking para antayin sila kuya Joel sa pagsundo sa akin. Inirapan ko sya at saka lumingon sa ibang part ng parking para tignan kung andito na ba sila Kuya Joel.
"Kailangan natin pag-usapan ang projects at reporting natin Ms. Vargas...." Madiing paalala nito sa akin.
"Pwede naman na ipagpabukas....nextweek pa naman ang next class sakanya." Walang gana kong sagot.
"Gusto ko kasi ngayon na..." Nakangisi nyang sabi na kinabigla ko paano ba naman nasa harapan ko na agad sya ay isang dangkal nalang ang pagitang ng mukha namin dahil dumukwang sya ng kaunti.
Napahakbang tuloy ako paatras. Lalo syang nangisi...Natakot ako na baka may makakita sa amin dito, lalo na si kuya Joel at baka makarating pa ito sa Don, baka malagot ako.
"Nakakapagtaka ka...." Sabi nya na kinakunot ng noo ko.
"Kita mo naman na madami sa mga babaeng classmate natin na nangangarap na makapares ko pero lahat sila nabigo ng malaman nilang ikaw ang partner ko..." Tinaasan ko sya ng kilay.
"So what?" tanong ko dito.
"Ikaw kasi...parang di ka naman natuwa na partner tay----"
"True." Putol ko sa sinasabi nya. "Kung gusto ka nilang makapareha pwes ako hindi."
Ngumisi ito lalo at humakbang nanaman palapit sa akin, may naalala ako sa scene na ito a?
Kinabahan ako, ayokong may kung sino nanaman na makalapit sa akin tulad ng ginawa nung lalaki dati sa sapa....
"Tsssss....kaya gusto kitang ma-----"
"Ms. Francine?" Napatalon ako sa sobrang gulat ng nagsalita si Kuya Joel na ilang hakbang nalang ang layo sa amin. Nanlaki ang mata ko pero hindi manlang ito nilingon ng baliw na nasa harapan ko, deretso lang ang mata nya sa mata ko ng ibalik ko dito ang tingin ko.
"excuse...." Sabay lakad ko patagilid para mawala na sya sa harapan ko.
" Take care...future girlfriend..." Isang matamis na ngiti nanaman ang binigay nya sa akin.
Di ko na ito pinansin. Agad akong naglakad patungo kay Kuya Joel, nahiya ako dito baka isipin nila na pinag aaral ako ng Don pero kalandian lang ang inaatupag ko dito. Kainis talaga, nilampasan ko si kuya Joel at naramdaman ko naman na tahimik itong sumunod sa akin.
"Ms. Francine......." Tawag sa akin ni Kuya Joel ng makasakay na kami sa sasakyan, wala ang driver kaya sya ang driver ngayon. Nandito ako sa likurang upuan kaya sa rearview mirror lang kami nagpanagpo ng mga mata, pero di din ito nakatiis at humarap din sa akin.
"Ok lang po ba kayo?" Alalang tanong nito sa akin. Nakita ko naman talaga na nag-aalala ito.
Tumango ako bilang sagot pero di ko magawang tignan sya sa mata, nahihiya ako kaya naman napayuko ako.
"Sorry po kuya Joel.....baka po iniisip nyong naglalandi lang ako dito sa-----"
"Ms. Francine, dalaga ka, kaya naman wala namang kakaiba na ngayon kung may mga nanunuyo sa iyo----"
''Hindi po sya nanunuyo sa akin Kuya Joel...papansin lang po talaga sya....." Paliwanag ko dito. Ngumiti sya at umayos na ng upo para makaalis na kami.
Matapos kong kumain ng kaunti ay nagstay agad ako sa kwarto ko. Nahihiya ako kay Kuya Joel paano kung ipaalam nya ito sa Don, baka mahinto ang pag-aaral ko. Baka isiipin nya na ilang araw palang mula ng nag start ang class ay puro kalandian na agad ang inaatupag ko.
Naiinis na talaga ako sa lalaking iyon, ilang araw na ako nito ginugulo a...kainis lang talaga.
Kahit na madilim na dito sa kwarto ko at ang ilaw nalang mula sa lampshade sa gilid ng kama ko ay may mga mata nanaman akong nararamdaman na nakamasid sa akin. Shocks....siguro naman ay walang multo dito di ba?
Napalunok ako sa naiisip ko, kainis a...ang tanda ko ng ito natatakot pa ako sa mga ganyan...tskkk...
Huminga ako ng malalim at saka ko binuksan muli ang ilaw sa buong kwarto. Nilabas ko ang mga notebook ko at tinignan ko ang topic na binigay sa amin kanina ng prof namin.
Pwede naman na siguro na ako nalang ang gumawa ng para sa akin di ba?
At hayaan ang isang epal na lalaking iyon na gumawa din ng research nya at pagsamahin nalang namin sa huli, wag nga mag-usap para doon. Kainis, isipin palang na mag uusap kami ng matagal ay naiinis na ako nanaman.
"Goodmorning angel...." Sabi ng katabi ko nang umupo ako dito sa dulong upuan sa tabi nya.
Di ko sya pinansin kasi di naman ako ang kinausap nya di ba at wala akong balak na kausapin sya...
Nilabas ko ang notebook ko at ang pen ko. Inabala ko ang sarili ko sa upuan ko para deadmahin lamang sya.
"angel...." Tawag nanaman ng katabi ko, di ko padin sya nililingon, baka di din sya pinapansin ng Angel na tinatawag nya hahahaha...
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakaharap sya sa akin, nag angat ako ng tingin at hinarap ko sya.
Totoo nga...sa akin nga sya nakaharap at nakatingin....ngiting-ngiti nanaman sya...
"Goodmorning angel...." Ngumiti lalo ito kaya nawala ang mga mata nya dahil doon.
"Angel?" Tanong ko sa kanya...Di ko magawang sungitan sya kasi parang ang ganda ng ngiti nya.
Tumango sya bilang sagot sa akin.
"Francine ang name ko....." Mahinahong sabi ko dito, totoo? Ilang araw na kami pumapasok, nakalimutan na nya agad ang name ko? E kahapon lang ay tinawag nya ako sa buong pangalan ko a.
" I know.....pero muka ka kasing anghel..." Lalong nangiti ito sa banat nya...
"So? Kailangan ba na kiligin ako?" Taas kilay kong sabi dito kaya tumawa sya ng mahina at umayos ng upo sumandal sya sa upuan nya,at humarap sa board. Nailing nalang tuloy ako.
"Wag ka mag alala..." Muli ko syang nilingon, taas kilay nanaman ako. "Kikiligin ka din sakin.....kahit di ko sabihin...." Lalong nataas ang kilay ko sa sinabi nya. Kumindat pa sya. Yuck.....
Tumawa nanaman sya ng mahina.
"My future girlfriend...." Bulong nya na hindi ko na pinansin.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...