Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, tuloy-tuloy lang ang pag aaral ko, ang pagpasok ko. Di din pumalya si Sir sa gabi-gabing tawagan namin sa facebook pero ganon talaga ang gusto nyang set-up namin.
Yung di ko sya nakikita at naririnig pero nakikita at naririnig nya ako...para lang kaming tanga no....pero mula ng unang gabing nagkausap kami non sa screen ay gumaan ang loob ko, nawala medyo ang bigat sa isipan ko na pag-aari na nga nya ako at wala na akong karapatan sa sarili ko.
Pero mula ng nakagaanan ko na sya ng loob pakiramdam ko ay nasa akin ang lahat ng kalayaan sa buhay ko, na pwede kong gamitin ang sarili kong isipan para magdesisyon, pero syempre may mga bagay pa din akong iniiwasan na pwedeng makasira sa relasyon namin ni SIR kung mayroon man.
Sa tuwing pag-uwi ko galing school ay kinukwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa pag-aaral ko, lahat ng nangyari sa klase ko, pero may isang bagay akong di ko masabi sakanya iyon any ang tungkol kay Benjamin.
Hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya at laking pasalamat ko at hindi naman ata yun nakwento sa kanya nila kuya Joel, hindi naman sa naglilihim ako pero mas maganda nadin sigurong ilihim nalamang iyon kasi wala naman aasahan sa akin si Benjamin e, wala syang pag-asa.
Nakatanim na din sa isipan ko na hindi pwedeng masira ng kahit na sino ang pangarap ko at ayaw kong masira ang tiwala sa akin ni Sir....
"Francine....." Tawag ni Veronica sa akin. Abala ako sa pagbabasa ng libro dito sa aking upuan kaya naman inangat ko ang mukha ko para makita ko ang mukha nya na nakadungaw sa akin mula sa upuan sa harapan ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Birthday ko kasi sa Saturday...invite sana kita?" nakangiti nyang sabi sa akin sabay lahad ng isang sobre na wari ko ay invitational card.
Napakagat ako sa labi ko ng tinitigan ko iyon....birthday..party...
"Gabi ba yan?" Agad kong naisip na itanong sa kanya. Tumango naman sya sa akin bilang sagot. Ngumuso tuloy ako dahil doon gabi yon, malamang ay di ako papayagan kahit na subukan ko pang magpaalam.
"Sa bahay lang naman namin ito, kaya naman wag ka magworry dahil tayo lang mga classmates at mga malapit na kaibigan at kamag-anak....sige na please?????" Nagpacute pa ito sa akin, kaya nahiya naman ako para tumanggi pero alam ko naman na hindi ako papayagan..
"Susubukan kong magpaalam a...kasi baka di ako payagan....."
Ngumuso din sya sa akin, na halatang nalungkot sa sagot ko, pero kinuha ko ang card na binibigay nya sa akin.
"O ikaw....pumunta ka juh...." Sabi nya sa katabi kong si Benjamin.
"Titignan ko din..pag pinayagan sya....." Taka akong napalingon sa kanya, nakita ko ang ngiting-ngiti ang mokong at kumindat pa sa akin. Nataasan ko nanaman tuloy ng kilay.
Ngumisi naman si Veronica na parang natutuwa sa amin ni Benjamin.
"O sya...lovers....alis na ako..." Sabay talikod sa amin ni Veronica matapos nyang ilapag sa desk ni Benjamin ang card....umupo agad sya sa unahang bahagi ng room.
"Pwede ka naman pumunta kung gusto mo...." mahinang saad ko.
"Strict ba talaga ang mga parents mo?" Sagot nya na iniiba ang usapan.
"Wala kang paki----"
"ok, so may karapatan din akong mag desisyon kung pupunta ako o hindi din di ba?...." Walang ganang sabi nya ng di ako tinitignan. Nairapan ko nanaman sya, kainis lang a.
"Gusto kong...makapunta ka din doon...hindi yung palagi ka lang school at bahay...." Nilingon ko nanaman sya sa sinabi nya.
"Stalker?" Inis na tanong ko habang mataman ko syang tinitignan.
"Nope." Maikling sagot nya. "Suitor? Ang tawag sa akin?...." Umikot ang mata ko sa pagka-irita ko sa kanya.
"Whatever...." Iritang sabi ko nanaman, at bumaling ako muli sa harapan.
"After school lagi ka agad sinusundo ng driver nyo....o kaya ay mag lilibrary ka muna pero after padin noon ay deretso ka nanaman sa parking para sunduin ka nanaman ng driver nyo.....hindi ka ba naboboring?" Sabay lingon nya sa akin matapos sabihin ang salitang 'boring'. Napalingon nanaman ako.
Natahimik ako sa tanong nya, pero anong gagawin ko kung iyon lamang ang paraan para makamit ko ang pangarap ko.
''Hindi boring ang buhay ko...." Mariing sagot ko sakanya, pero ngumisi lang sya sa akin at muling tumingin sa harapan.
"Mas masaya siguro kung may boyfriend ka...at ako yon...." Ngumiti nanaman sya pero di na ako sinulyapan.
"Ewan ko sayo...."
Buti nalang ay dumating na agad ang Prof namin kaya naman natapos na ang walang kwentang usapan namin ng baliw na ito.
Nang umuwi ako ng gabing iyon ay nilabas ko ang lahat ng gamit ko mula sa bag para naman sa pag gawa ko ng mga assignments ko. Muli kong nakita nag invitation card ni Veronica.
Agad ko iyong binuklat, 7pm so malamang ay gabi na matatapos iyon....napaisip ako kung dapat pa bang ipagpaalam ko pa iyon kahit na alam kong di naman ako papayagan, isa pa ay wala kong damit para sa party na to, so malamang ay di na ako pupunta at sasabihin ko nalang kay Veronica na hindi ako pinayagan, bibili nalang siguro ako ng gift para sa kanya....nahiga tuloy ako sa kama ko dahil sa problema kong ito....nalulungkot ako kasi isa si Veronica sa mga naging close ko sa mga classmates ko kaya baka magtampo sya sa akin. Napanguso ako ng maisip ko iyon....ng biglang tumunog ang cellphone ko sa isang text.
SIR : Busy?
AKO : Assignments?... kaya naman agad akong bumalikwas sa pagkakahiga ko para simulan na ang mga assignments ko.
SIR: Good...can I see you...later?
Takang binasa ko iyon ng may text nanaman sya.
SIR: I mean....sa pc....
Napahinga ako ng malalim. Kala ko pa naman ay makikita ko na sya, pero natakot din ako doon a, kasi kung talagang kikitain nya ako sa ganitong oras ng gabi ay malamang dito nanaman sya sa kwarto ko pupunta di ba....baka kung ano na ang mangyari..baka bumigay na ako....hehehe joke lang.
Pero inaamin ko naman na talagang base sa ilang buwan na lagi kaming magkausap sa screen at cellphones ay magaan na ang loob ko sa kanya at laking pasalamat na talaga ako at hindi na ang Don ang nagmamay-ari sa akin...dahil kung nagkataon malamang ay hindi na ako nakapag aral at baka naging alila nalang ako noon.
Nakatulog na ako sa pag gawa ng assignments ko sa study table ko,di ko nadin pala nareplyan ang text ni Sir kagabi. Kaantok na kasi talaga e. Sobrang ginawang activity kanina at pati na din ang mga groupings namin kanina sa ibang subjects.
Pag gising ko sa umaga ay nagising akong mabigat ang aking likod, nang tignan ko kung bakit ay nakapatong na pala sa akin ang isang kumot...
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...