- 44 -

635 12 1
                                    

Nagising ako dahil sa mga huni ng ibon sa veranda ng..... kwarto?! Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga nung naramdaman ko ang malambot na kama at ang mainit na kumot sa katawan ko. Agad kong sinilip ang aking katawan sa ilalim ng makapal na kumot at nakita kong kumpleto pa naman ang damit ko...

At wala akong katabi... Wala si Steven... di kaya maaga lang syang nagising? At nasa labas na?

Dahan-dahan akong naglakad patungong pintuan at binuksan iyon na sinisiguradong hindi makakagawa ng ingay. Sumilip ako sa maliit na pagkabukas ng pinto...

Parang may humaplos sa puso ko ng makita ko si Steven doon... nagpipilit na ikasya ang katawan sa couch... malaki ang couch pero sa laking bulas nya ay maliit lang ito para sa kanya...

Ibigsabihin ay habang tulog ako kagabi ay binuhat nya ako patungo dito?

Gentleman nga talaga sya... dahil sa pag-iinarte ko kagabi ay mas pinili nyang matulog sa couch kaysa sa kama at binuhat nya pa ako patungo dito kagabi...

Lumabas ako ng kwarto ng tuluyan ko ng buksan ang pintuan, madami ang nagkalat na mga lata ng alak...nasa isang dosena ata ang mga ito...

Grabe pala mag inom ang taong ito... samantalang ako isang beses palang ako nag inom at dalawang lata palang ay nalasing na ako e... ito pa kayang marami?

Agad akong nagtungo sa kusina para silipin ang laman ng ref at makapagluto ng kung ano ang pwede doon.

Nakita ko ang macaroni pasta at mga rekado na pwede sa sopas.. kaya naisip kong magluto ako ng sopas para sa kanya, malamang ay masama ang tama ng ulo nito mamaya... hungover ba...

Matapos kong maisalang ang soup at mailagay ang huling ingredients ay nag-umpisa na akong maglinis ng sala. Habang isa-isa kong dinadampot ang mga lata ay biglang "Fuck!" Kaya napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Steven ng ganon!

Nilingon ko sya, nakita kong payapa syang natutulog... panaginip...

Natapos kong makapagligpit at ang niluluto ko naman ang hinarap ko para tapusin, matapos ko doon ay naramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin kaya ng pag ikot ko par asana tignan sya doon ay laking gulat ko ng magtama ang mga labi namin!

Sa gulat ay napaatras agad ako palayo sakanya siguro ay isang segundo ang tinagal ng pagdidikit ng mga labi naming iyon... Pero mali ata ang ginawa ko dahil muntikan ko ng masagi ang niluto ko buti nalang ay nahawakan agad ni Steven ang baywang ko ang mga braso nya na pumulupot sa akin at kinabig ako pasandal sa malapad at matigas nyang dibdib!!!!

"Oooppss....." Natatawang sabi nya habang ang mukha ko ay subsob na sa dibdib nya...

Mariin akong pumikit dahil sa kaba, ang pagdidikit muli namin ay parang may mga kuryenteng dumaloy mula sa kanya hanggang sa buong sistema ko!!!

"Are you ok?" Malambing nyang tanong ng yumuko sya para makita ang mukha ko , ako naman itong lalong yumuko para itago ang kaba na nadarama ko... habang tumango ng mahinay...

"Sure?" Bahagya niyang nilayo ang sarili nya para makita ang mga mukha ko pero nanatili lang akong nakayuko...

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nya! Ang hayup na to!! Pinagtatawanan lang ako?!

Kaya agad kong tinignan ang mukha nya sabay tawa nanaman nya ng malakas!

"Namumula ka!!!" Sabay tawa nanaman nya ang loko na ito talaga oy! Shit!!

Oo, ramdam ko na talaga kanina pa ang pag iinit ng pisngi ko, dahil sa nagkiss kami ng di sinasadya kanina pero mas lalo atang uminit iyon ng nagdikit pa ang mga katawan namin!!!

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon