Natatakot ka nanaman ba?
"Goodmorning..." Malambing na bati sa akin ni Steven ng imulat ko ang mga mata ko, nakayakap sya sa akin at ganon din ako sa kanya.
Ngumiti ako ng matamis.
"Goodmorning din..."
"I love you.... sweetheart..." Sinserong sabi nya sabay halik sa tungki ng aking ilong.
"I love you too..." Sagot ko habang nananatili ang marami at mumunti nyang mga halik sa aking buong mukha.
"I love you more...." Saka nya sinakop ang labi ko. Mahinay ko naman syang tinulak.
"S--te-vennn...." Tawag kong pag alma sa kanya.
"Why baby?" Sabay halik muli sa ibat-ibang parte ng aking mukha.
"Hindi pa ako ng tu-toothbrush...." Angal ko.
"So?" Ngumisi sya sa akin.
"Anong so ka dyan!" Sabay hampas ko sa dibdib nya. Natawa syang bigla.
"Walang kaso sa akin kahit na hindi kapa nag-tu-toothbrush no...." Natatawa nyang sabi.
"Ayoko! Kadiri ka!" Sabay tulak ko sa kanya.
"Lahat ng nasa iyo.... mahal ko...." Ngumiti nanaman sya pero ang mga mata nya ay seryosong nakadugaw sa akin. "Buong ikaw.... Francine...." Muli nyang sinakop ang labi ko. HIndi na ako umangal, kundi sinagot ko na din ng buong puso ang mga maiinit nyang halik na iginawad sa akin.
"Masakit pa ba?" Sa simpleng tanong nyang iyon ay nag-init ang mukha ko.
Ngumiti ako ng umiling ng alangan, umiwas ako ng tingin sa kanya, pero ang buong mukha ko malamang ay pulang-pula na.
Masarap ang mga sensasyong pinadama nya sa akin kagabi... nakakabaliw... nakakawala sa katinuan...
Pero ang isipin na nakita at nagalaw na nya ang lahat ng sa akin ay nakakahiya. Siguro kung malaman nila ama at ina na may namagitan na sa amin ni Steven at hindi naman kami malamang ay mapatay ni ama si Steven... kung nasa normal na buhay ako... kung...
Pero hindi e, mas gugustuhin kong ibigay ang sarili ko sa taong buong puso kong minamahal kaysa ipangbayad utang lang ito sa taong hindi ko kilala pero pag aari na ako.
Hindi naman sa nagsisisi ako na binigay ko na lahat sa kanya pero nahihiya lang talaga ako. Bakit ba kasi kailangan pa nyang tanungin sa akin yun?
"Ligo na tayo?" Nakangisi nanaman sya sa akin? Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Ano?!" Sabay hampas ko sa kanyang dibdib ng maraming beses pero ang loko ay lalong natawa sa naging reaksyon ko, sinalag na ang braso kong humahampas sa kanya.
" Puro ka kalokohan..." nangingiti kong sabi sa kanya kahit pa nahihiya na talaga ako sa kanya ngayon.
"Hala! Hindi a!" Tumatawa pa ding sagot nya sa akin, hinawakan nya ang mga braso ko at hinalikan ako sa aking labi.
"Puro ka kasi biro!"
"Hindi ako nagbibiro.... totoo... ligo na tayo..." Sumeryoso sya bigla kaya naman parang may kaba akong naramdaman. Napalunok ako ng bara sa lalamunan.
"Mauna ka na... pagtapos mo nalang ako..." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil parang di ko pa kayang sumabay sa kanyang maligo. Ang loko na ito, parang wala ng hiyang nararamdaman sa sarili nya... sa pagitan namin.
"Nahihiya ka pa ba sa akin?" Hinawakan nya ang baba ko para pilitin akong harapin ang mga mata nya pero ako mismo ay kusang umiiwas padin kahit na pilit nya pa din iyong hinuhuli.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...