Pagkalabas ko ay ngumiti lamang ako sakanya at sumenyas ng 'bye' at tinalikuran na sya doon... Nabigla ako ng may humigit sa palapulsuhan ko at hinarap ako sa kanya...
"Saan ka pupunta?" Iritang tanong nya...
Nangunot naman ang noo ko sa tanong nya at tinaasan ko ng kilay ang lalaking ito... "Elevator? Bababa? Uuwi?...." Puro patanong na sagot ko sa kanya kahit pa ramdam ko ang munting mga kuryenteng dumadaloy mula sa pulso ko paakyat...
"Ihahatid kita..." Salitang nagpanganga nanaman sa akin...kasi hindi tanong ang himig ng pananalita nya...kundi pagdedeklara iyon...
Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil doon, " May sundo ako...Mr.----"
"Steve...call me Steve... kapag labas na sa trabaho..." Masungit na putol nya sa sasabihin ko...saka ako hinila papunta sa kung saan, taliwas sa daan patungong elevator...
"Wait...Steve...may sundo ako....nagpasundo na ako...kay kuya Joel----" Parang umatras ang dila ko ng hinarap nya ako at tinignan gamit ang mga matang nag mamasungit...
"Ihahatid lang naman kita...siguro naman hindi magagalit ang Kuya Joel mo...kung ihahatid naman kita ng maayos at hindi lasing..." Sabay iwas nya sa akin ng tingin kaya naman parang napahiya ako dahil doon...ibigsabihin ay naalala pa nya yung araw na iniwan ko sya sa parkinglot kasama si Benj....
Nagpatianod ako sa gusto nya, mamaya ko na tatawagan si Kuya Joel pag nasa byahe na kami, para naman hindi nakakahiya....
Nakarating kami sa dulong bahagi ng hallway at nakita ko doon ang isang puting pintuan....pinindot nya ang isang maliit na kulay itim na salamin saka iyon bumukas, doon ko napagtantong elevator pala iyon...Taka akong sumunod sa pagpasok nya doon at tahimik na inikot ang mata ko sa buong elevator na iyon. It means may private elevator sya na sya lang ang nakakagamit...dahil napansin kong index nya ang ginamit nya doon...siguro ay finger print ang ginamit nya para bumukas ito...
Tumunog ang elevator hudyat ng paglabas namin doon, laking taka ko ng bumungad agad sa amin ang isang mukhang bagong puting Toyota Celica....
Agad syang lumapit doon at binuksan ang pintuan para sa akin lumapit naman ako doon at pumasok, wala naman na akong magagawa di ba?
Inikot ko ang mata ko sa maliit na lugar na iyon na sa tanya ko ay kaya lang magmaniubra ang isang sasakyan , siguro ay dito talaga ang parking nya at doon lang din ang elevator nya at sya lang ang lahat ng gumagamit doon...
Nang makapasok na sya ay hindi na nya ako tinapunan ng tingin at agad na pinaharurot ang sasakyan palabas ng building...nadaanan namin ang helera ng mga sasakyan sa parkinglot atsaka ko inikot ang ulo ko para alamin kung sakaling makita ko si Kuya Joel o ang sasakyan na palagi nyang ginagamit sa pangsundo sa akin, pero bigo ako kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko pero bago pa ako makatawag ay may nakausap na agad si Steve sa cellphone nya pero sandali lang iyon at agad na pinutol. Matapos nyang may kausapin ay ako naman ang tumawag...kay Kuya Joel...
"Hello po...kuya Joel...."
"Hello po maam...malapit na po kami sa building mo...."
"Pasensya na po...wala napo ako sa building....ihahatid po ako..."
"Nino?"
"Ihahatid po ako ni....." sumulyap ako sa kasama ko....nakita kong tumiimbagang sya at humigpit ang hawak sa manibela..."Ng kaibigan ko po..."
" A ganon po ba...so babalik nalang po kami sa mansion...mag-iingat po kayo maam..."
"Opo...salamat po...ingat din po kayo..." Nakahinga ako ng maluwag ng maputol na ang usapan...
"Saan mo gustong mag-dinner?" Putol nya sa pagmumuni-muni ko mula sa pagkatulala....
Umiling ako ng marahan... "Hindi na...uuwi na----"
"Samahan mo lang naman ako....hindi ba pwede yon?" Nilingon nya ako ng huminto kami dahil sa pulang ilaw ng stoplight.
Kinagat ko ang labi ko...parang di ko kayang hindian sya...pero nakakahiya kay Kuya Joel...Kay Sir....
"Sorry...may naghihintay kasi sa akin----"
"Kakain lang naman tayo....tapos noon ay ihahatid na kita.."
Hindi na ako kumibo, pakiramdam ko kasi kapag inaayawan ko sya pati ako ay nasasaktan...pero di naman siguro sya nsasaktan di ba? Kasi wala namang 'something' sa amin.
Dinala nya ako sa isang di mataong retaurant na nadaanan namin, masyadong tahimik doon at may iilan ding na kumakain. Nailang ako dahil pakiramdam ko ay nagdadate kami, buti nalang ay naka black dress ako na hanggang tuhod at sakto lang ang yakap noon sa katawan ko, at nakapagpahid ako ng kaunting make-up bago ako mag-out kanina, kaya hindi naman masyadong nakakahiya s aAdonis na kasama ko...Kasi pakiramdam ko tong isang to ay hindi na kailangang mag ayos, kasi talagang lilingunin sya ng mga tao lalo na ng mga kababaihan...katulad nalang ngayon...
Hinila nya ang upuan para sa pag-upo ko at saka umupo sa katapat kong upuan....
Hinayaan ko na syang umorder ng kakainin namin, tutal sya naman ang nag-aya, sya din dapat ang magbabayad...hahaha. Tahimik kami ng umalis ang waiter matapos nyang umorder, abala ako sa pagmamasahe ng kamay ko kaya ako nakayuko....at sya naman at sa tantya ko ang matamang nakatitig sa akin...
"Naiilang ka ba sa akin?" Tanong nyang nagpaangat ng mata ko sakanya...
Dahan-dahan akong tumango, hindi ko maikakailang naiilang talaga ko sakanya..
Ang malambing na Steve sa burol....na naghatid sa akin ng gabing iyon...matapos akong mahalikan ni Benj....
Ang Steve na nakita akong lasing habang akay-akay ng isang Benjamin na galing sa condo nito...
"Sorry para sa last time na nagkita tayo...." Mahinang sabi ko ng umiiwas sa kanyang mga mata, "Alam kong ang bastos ng ginawa ko saiyo noon...pero kas----"
"Boyfriend mo ba sya?" Agad kong hinarap ang mga mata nyang nananantya sa isasagot ko, umiling ako at ngumiti ng mapakla...
"Hindi ko sya boyfriend....at hindi kailanman...." Ngumiti ako muli, pero alam kong bakas sa mga mata ko ang lungkot...lungkot hindi dahil sa nanghihinayang ako sa isang tulad ni Benj, kundi lungkot dahil alam kong kung sakaling magmahal ako ng ibang tao ng kahit na sino ay wala na akong karapatan hanggang hindi ako pinapakawalan ni Sir....at ang katototohanan na alam kong nahulog na ang loob ko kay Sir...sa mga panahon na masaya kami palaging nagkwekwentuhan kahit na muka kaming tanga noon dahil nakikita nya ako pero sya hindi ko nakikita...Nalaman ko iyon sa sarili ko ng tumigil na sya sa pakikipag commmunicate sakin matapos ang gabing iyon....ang mainit na gabing iyon...hinahanap na sya noon ng sistema ko na sanay na, na mayroon akong isang kaibigan na hindi ko nakikita pero nakagaanan ko na ng loob...
"Gusto mo ba sya?" Bumalik ang utak ko sa realidad ng nagtanong sya muli, ngumiti ako muli.
"Oo,....I mean....gusto ko si Benjamin bilang kaibigan ko....kasi isa sya sa naging kaibigan ko mula ng dumating ako dito sa Manila..." Sabay kagat ko sa labi ko para maiwasan ang pagpiyok ng boses ko, dahil naalala ko ang rason kung bakit ako napunta dito sa Manila.
Natigil kami dahil sa pagdating ng inorder naming pagkain na nilapag ng waiter doon at ang cellphone ko naman na tumunog, nakita ko ang pangalan ni Benj doon...ngumiti ako kay Steve at nag excuse bago ko sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Hello, where are you?" Malambing na bungad nya sa akin...
"Dinner----"
"With him?"
Tumango ako "Yeah..."
"Nandito ako sa labas ng building ng pinapasukan mo....pero tingin ko ay nahuli na ako..."
"Benj----"
"Take care....bye..." Agad naputol ang usapan namin ng pinatay nya iyon.
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomanceDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...