Naiiling ako at nangingiti habang naglalakad sa hallway ng hotel.
Ang langyang iyon talaga... puro kalandian ang nalalaman.
Mas pinili kong maglibot. Una kong inikot ang palapag ng hotel na ito. May nakita akong malaking veranda kaya naman naglakad ako patungo doon.
May lalaking nakatayo na nakatalikod sa akin doon habang may kausap sa cellphone. Nakaharap sya sa dagat. Akmang tatalikod na sana ako para bumalik na lang sa unit naming pero nakaikot na sya at nagkaharap na kami..
Parang nanuyo ang lalamunan ko kaya ako napalunok dahil doon...
Kilala ko sya... parang nabigla din sya pero agad syang nakabawi. Ngumiti sya sa akin kahit na nag aalangan... pero ako tulala lamang sa kanya...
"Yes sir... nandito na po ako..." Sabi nya sa kausap sa phone. "Ok po..thanks.." Gustuhin ko mang umalis doon para mawala na ako sa harapan nya ay parang nag ugat ang mga paa ko doon. Ngumiti sya muli sa akin at ako muling napalunok dahil doon.
"Hi..." Nakangiting bati nya sa akin sabay kaway ng kamay nya. Sya iyon... Pero ako nakatulala lang ako sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong igawi sa harapan nya. Ilang taon na mula ng nakita ko sya... ilang beses ko syang nakita noon... kasama ang Don...
"Miss?...." Parang natauhan ako ng maglakad sya palapit sa akin, kaya napaatras ako. Sa wakas ay nakakilos ako.... Parang may luhang namumuo sa mga mata ko. Gusto kong maiyak pero mas pinili kong pigilan iyon.
"Kilala kita...." Mahinang sabi ko sakanya. "Nagkita na tayo noon..." Nangiti sya muli sa akin pero ang mata nya ay seryoso. Tumango sya sa akin.
" Sa ganda mong iyan.... malamang hindi kita makakalimutan...." Ngumiti sya lalo sa akin. "Louie...." Sabay lahad nya sa akin ng kanyang kamay.... hindi ko tinignan iyon nanatili ang mata ko sa kanyang mukha, hindi ko din iyon inabot.
Umiling sya at nangiti muli sa akin. Sabay kamot sa kanyan batok gamit ang kamay nyang hindi ko inabot kanina. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa harapan ng lalaking ito. Nakita ko ang mata nyang lumampas sa akin at narinig kong may tumawag sa akin.
"Francine....kanina pa kita hinaha--" Nahinto si Steven sa pagsasalita ng makita nya ang lalaking nasa harapan ko. Nilingon ko sya ang mabango at bagong ligong si Steven, ang mata nya ay palipat-lipat sa amin dalawa ng lalaki.
" Louie...." Tawag ni Steven sa lalaki kaya ako naman ang palipat-lipat ng tingin sa dalawa.
"Steven...." Nagkamayan ang dalawa sa harapan ko. Sabay baling muli sa akin ni Louie ng tingin na nakangiti.
"Oh... sya nga pala, This is Francine...Francine si Louie.." Ngumiti ako ng pilit at yumuko ng bahagya para sa pagbati.
"Nice to meet you." Ngumiti nanaman sya sa akin. Siguro ay ayaw na nyang maglahad muli ng kamay dahil sa ginawa ko kanina.
"Hmmmm.... Sir.... mauna na po ako, balik lang ako sa kwarto. " Seryoso kong sinabi. Pakiramdam ko ay namutla ako.
"Are you ok?" Nag-aalalang tanong nya. Tumango ako at ngumiti. Nginitian ko din si Louie, at tumango naman sya at si Steven. "Excuse...." Saka ako tahimik at nakayukong naglakad palayo doon.
Nang naglalakad na ako saka ko lang napakawalan ang aking kaba, humugot ako ng malamim na paghinga. Hindi pwedeng nandito siya.... tauhan sya ng Don.... ilang beses ko syang nakita noon sa San Vicente ... sa skwelahan.... sa lupain namin... sa bahay.... sa mansion ng Don..... Hindi pwede....
Maluha-luha akong naglalakad patungo sa kwarto namin. Pagpasok ko doon ay saka ko lang hinayaan na umalpas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan....
Dumiretso ako sa kwarto at nahiga agad sa kama. Doon ako umiyak ng umiyak...
"Francine?..." Malambing na tawag ni Steven ng kumakatok sya sa pintuan ng kwarto. Bakit bumalik agad sya? Hindi pa ako tapos mag-emote... kainis....
"Sandali lang...." Pinunsan ko ang mga luha ko, inayos ko ang sarili ko bago ako tumayo at saka ko sinipat ang aking mukha sa malaking salamin doon. Kitang-kita ang pamumula ng mata ko dahil sa pag-iyak at medyo namamaga din ito.
Nang makalapit na ako sa pintuan ay binuksan ko agad iyon ng kaunti . Ngumiti ako ng tipid pero nagulat ako ng sya na ang nagtulak ng bahagya para lumuwag pa ang pagkakabukas noon.
"Why?" Para syang nag-panic ng makita ang mga mata ko. Agad nyang hinuli ang aking baba para magtagpo ang aming mga mata. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya... Kita ko ang mga mata nyang nagtataka at nag aalala.
"Bakit? OK ka lang?" sabay haplos nya ng daliri sa aking mukha. Langya pakiramdam ko ay dumadaloy ang mga bultahe ng kuryente sa mukha ko pababa.... Tumango ako at pumikit sandali...Bago ko nagawang harapin ang mga mata nyang matamang nakatitig sa akin.
"Si-sir.... ok lang po ako...totoo...." Mahinang sabi ko ng mapagtanto kong nakatitig na sya sa aking mga labi. Para syang natauhan at ngumiti ng mapait... bago binitiwan ang aking baba...
"Gusto mo bang magpadeliver nalang ako dito ng food?" Nag-aalala pa rin ang mga titig nya sa akin. Umiling ako.
"OK lang ako...maligo lang muna ako..." Sabay talikod ko sa kanya..
Kumuha ako ng mga damit sa cabinet. Ang lalaking ito abay pinakaelaman din pala ang mga gamit ko pinasok na din sa loob ng cabinet. Parang nag-init ang aking pisngi ng makita kong pati ang mga undies ko ay nilagay na nya rin doon.
"Sure ka bang ok ka lang?.." Nagaalalang tanong padin nya, naupo sya sa kama at matamang tinitignan ang mga kilos ko. "Kilala mo ba sya?" NIlingon ko sya dahil tanong nyang iyon at hinarap ko ulit ang cabinet.
Alangan akong umiling. " Hindi...."
"Yung totoo?" Nanigas ang katawan ko, dahil sa pagyakap nya sa akin mula sa likuran. Shit! Ang dalawang braso nya na pumulupot sa aking baywang. Ang kanyang hininga ay nasa aking leeg kaya mas lalong nanayo ang mga balahibo ko doon. Ipinatong nya sa aking balikat ang baba nya.... " Nakita ko kung paano mo sya tinitigan kanina..." Sabay hinga nya ng malalim doon na parang nahihirapan. " At kung gaano ka naapektuhan sa presensya nya kanina..." May naramdaman akong init mula sa kanyang katawan. Shit!
"A-alam k-o la-ang na nag-ki---ta n-a ka-mi..." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
"OK..." Mas lalong lumambing ang boses nya at humigpit ang yakap nya.
"Si-si-r...." Sinubukan kong kumilos para mawala kami sa posisyon na ito. " S-Sir Stev-"
"Wait..." Mahinahong sabi nya. "Hayaan mo lang muna ako..." Parang may kumurot sa puso ko ng sinabi nya iyon. Alam kong ang puso ko mismong ito, alam kong may nadarama padin ako sakanya. Ayoko ng ganito kami kalapit, baka bumigay na ang pader na nilagay ko sa puso ko...
Hindi ako pwedeng magmahal ng iba...hindi pwede...
Pero alam ko sa sarili ko matagal na syang tinangi ng puso ko... sya lang... at si Sir?
Si Sir.... lang ang dpaat kong mahalin... wala ng iba...
"Nakakapangselos...." Pinihit nya ako paharap sa kanya. Kaya ang puso ko nagwawala na. May party nanaman sila... sabay yakap muli sa akin ng mahigpit. Nakita ko ang mga mata nyang mapupungay na puno ng damdamin na hindi ko mawari...
"Steve---" Nahinto ako ng halikan nya ako sa aking noo. Mabagal na pagdampi iyon...nanatili ang labi nya sa noo ko. Napapikit ako ng mariin.... Shit ano ba talaga ang gusto nya... Tulala nanaman ako nito... walangya lang...
" Maligo ka na...alam kong gutom kana..." Sabay kurot nya sa aking ilong... at tumalikod.
Diretso syang lumabas ng kwartong iyon at iniwan nanaman akong tulala doon, hayyy...
;PكZ
BINABASA MO ANG
Secretly InLove
RomantizmDukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay inaalipusta lamang ng mga mayayaman, at ginagamit para sa sariling kapakanan. Pilitin mang iwasan ay di magagawa dahil sa pagsubok na kinahara...