- 69 -

669 7 7
                                    

Bumuhos ang luha ko habang naglalakad ako pababa ng stage, nais kong takbuhin ang pwesto ko patungo sa upuan na nilaan para kina kuya Joel.

Excited na akong makalapit doon, pero nawala ang focus ko ng makita ko si Steven.

Nahinto ako sa paglalakad ng makita ko sa baba ng stage si Steven na tahimik na nakaupo habang matamang nakatitig sa akin.

Seryoso ang awra nya. Ang mga mata nyang malalalim na mahirap basahin.

Akmang lalapitan ko na sana sya para sana kausapin man lang pero agad syang bumaling sa cellphone at naging abala na doon, ni hindi na ako binalingan.

"Francine..." Mahinang tawag sa akin ni Nica. NIlingon ko sya ng makabawi ako sa pagkatulala sa lalaking nakita ko. Nilingon nya ang lalaking tinitignan ko kanina at saka ako muling tinignan ng nag aalinlangan.

"Kailangan na nating bumalik sa upuan...." Muling agaw nya sa pansin ko, hinawakan nya ang braso ko para igiya ako sa pwesto namin.

Tumango ako at sumunod na kay Nica, nilingon ko muli si Steven pero hindi na sya nag angat ng tingin sa akin.

Galit sya sa akin.


Hindi ako mapakali sa upuan ko, excited na akong matapos ang event. Dahil sa kagustuhan kong makarating na ako kina Kuya Joel.

" Ok ka lang ba?" Tanong ni Nica sa akin. Ngumiti ako at tumango. Pero ang isip ko ay hindi magkanda ugaga kakaisip sa mga taong nakita ko ngayon.

Kanina pa kasi ako bumabaling sa pwesto nila Kuya Joel.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nya muli.

Ngumiti ako pero lalong nalaglag ang mga luha ko. Tahimik akong humikbi. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni Nica.

Maya pa ay nilingon ko muli si Steven sa unahan. Abala sya sa panonood sa buong event.

Huminga ako ng malalim, at nakagat ko ang labi ko.

"Mahal mo talaga sya ano?" Mapaklang ngumiti si Nica, tinitigan ko naman sya ng mabaling ang atensyon ko sa kanya.

Tumango lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Alam kong mabait na tao si Steven , at ngayon ko lang din sya nakitang na may kasamang ibang babae.. at ikaw yun." Nakuha na nya ang buong atensyon ko dahil doon.

"Sabi nila Dad sa akin ay medyo deadma daw yan sa babae, halos lahat daw ng kasama nyang babae ay mga relatives lang o mga business partners o kaya ay mga kaibigan daw talaga, pero never pang nagpakita ng interest talaga sa isang babae..." Ngumiti sya muli.

"Marami na syang babaeng napaibig sa ganyang ugali nya... pero ni isa ay wala syang pinatulan para makarelasyon. Meron siguro pero mga fling lang at walang seryosong relasyon... kaya natawa ako ng makita ko sya na kinukulit ka sa school... biruin mo ang isang business tycoon na katulad nya ay naghahabol sa isang estudyanteng katulad mo... tinamaan ata ng todo!" Humagikgik sya pero mahina lang. Nangiti ako kahit na nasasaktan ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ko.

"May away sila ni Benj noon pa..." Naging seryoso ang tono at ang mga mata nya.

"May minahal noon si Benj, friend ni Kuya Steven.. nung nagtapat sa kanya ang pinsan ko ay umamin din yung babae na gusto nya si Kuya Steven.." Ngumisi sya.

"Pero si Kuya Steven mismo ang umiwas ng malaman ang nangyari sa dalawa. Dahil sabi nya ay kaibigan lang daw ang turing nya kay Katelyn..." Parang hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero pinilit kong unawain.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon