- 2 -

1K 16 3
                                    

Bastos

Abala ako sa aking pag aaral ng marinig kong nag uusap sila ama at ina, parang nahihimigan ko sila ng seryoso at pangamba kaya naman kahit na masama ang makinig sa usapan ng mga matanda ay di ko napigilan na idikit ang aking tenga sa pintuan ng kanilang kwarto....

"Paano na man ang pag aaral ng anak natin..."

"Alam ko, kaya nga gusto kong umutang kay Don Henry para makapagtanim muli tayo."

"E kaso masyado ng malaki ang utang natin sa kanya..."

"Alam ko mahal... pero, kasi kailangan kong gawin ito para makapag tanim ulit at makapag bayad sa kanya..." Rinig kong sagot ni ama.

"Pero alam mo naman na tuso ang matandang iyon,..." may pag aalalang sabi ni ina.

"Alam ko...ayaw kong tumigil sa pag aaral ang anak natin Angeline...."

"Pero paano kung lalong lumaki ang utang natin sa kanya at abusuhin nya tayo dahil doon.."

"Pipilitin natin na mabayaran agad sya... dapat ngayon sana tayo makakapag bayad kung di lang napeste ang mga pananim...."

Gigil na sabi ni ama...ibig sabihin ay may utang na kami sa Don na iyon... at mangungutang pa kami ulit, kilala ang Don Henry na isang malaking tuso. May ugali itong mapang abuso.

Abusado ito sa mga taong humihingi ng tulong, imbes na tumulong ito ay ibinabaon pa niya ang mga kababayan sa kahirapan.

Magpapahiram siya ng pera, pero papatungan ng malaking interest, at sisiguraduhin na mababaon sa utang ang mga taong may utang sakanya at hanggang sa makuha na nito ang lupain ng mga maliit na mag sasaka, sa ganong paraan lalo itong yumayaman.

Kaya maraming galit sa taong iyon, pero anong gagawin ng mga mahihirap na tao dito sa amin kung kailangan na nila talaga at wala ng ibang malalapitan?

Pinilit kong makabawi sa lungkot na nararamdaman ko.

Ang malaman na alanganin na ako ay makapag patuloy sa pag aaral sa kolehiyo. Ramdam ko ang lungkot na nadarama ng aking mga magulang pero wala naman akong magagawa. Kinuha ko na ang aking mga gamit at tahimik na pumasok sa aking kwarto.

Pinili kong wag nang makisali sa problema ng mga magulang ko, kilala ko ang aking ama, gagawa sya ng paraan para mapag aral ako ng kolehiyo.

Pangarap nila yon ni Ina, pareho kasi silang biktima ng kahirapan, dahil dito ay di sila nakapagtapos pareho ng high school, kaya pangarap nilang mapagtapos ako para daw maisakatuparan nila sa pamamagitan ko ang lahat ng pangarap nila noon.

Umiiyak ako, naawa ako sa mga magulang ko, may problema na pala sa aming lupa di ko pa alam.
Ganon ba nila ako inaalagaan kaya ayaw nila na ipaalam sa akin ang tungkol dito. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang bagay na iyon para makatulog, pero inabot ng ilang oras bago ako nakatulog... kaya yon, nagising ako ng maga ang mata dahil sa pag iyak at kaunting tulog sa magdamag na nagdaan.

Late akong nagising, dahil nadin sa puyat.

Naligo agad ako para makaramdam ng presko sa katawan, at nag asikaso na ako para sa pagpasok, maaga umalis sila ina at ama para sa bukid, pero siguro para asikasuhin na din ang problema tungkol sa lupa.

Biyernes ngayon, di naman masyadong malaking kawalan kung liliban muna ako sa klase ko at pupunta ako sa aming maliit na palayan na may ilang kilometro ang layo mula dito sa aming kubo.

Alam kong nagdala na sila ina ng pagkain para sa kanila, kaya dinala ko nalang din ang pagkain na hinanda niya para sa akin, doon ko na lamang ito kakainin sa bukid.

Matapos kong mag asikaso sa sarili nag suot ako ng isang palda na hanggang sakong ang haba kulay itim at pinaresan ko ng puting tshirt, kahit na simple lamang ang suot ko para sa isang simpleng probinsyana ay di maikakaila ang aking magandang pangangatawan, ang aking maliit na bewang at may saktong balakang, sakto laki ng dibdib at maputi at makinis na balat at ang taas kong 5"4.

Kaya hindi ako nagtataka na madaming nanliligaw sa akin dahil na din siguro sa sinasabi nilang taglay kong kagandahan.... pero para sa akin ay normal lang ito.

Nag-umpisa na akong maglakad dahil wala din naman sasakyan dito sa amin. Madalang ang may sasakyan dito sa amin, puro pang araro lng at mga kalabaw ang malimit na nasasakyan dito, maalikabok na daan ang sasalubong sa iyo kapag nilakad mo ang mga kalsada , hindi sementado ang daan , may malalaking lubak...pero dahil na din siguro sa sanay na din kaming mga tagarito sa ganitong sistema ng pamumuhay... tanggap na namin ang mga bagay na mayroon kami dito sa aming bayan.

Medyo malayo nadin ang nalalakad ko ng marinig ko na may parating na sasakyan mula sa aking likuran, oo sasakyan malamang may kaya ang mga ito kasi may sasakyan sila...gumilid ako para magbigay daan sa sasakyan.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa aking pang upo.

"Ahhhhhh!!!!!" Napatalon ako paatras at lalong napagilid palayo sa sasakyan, sa sobrang kaba. Napaharap ako sa bintana kung nasaan ang may ari ng kamay na lumapastangan sa aking katawan.

Namula ako sa sobrang galit ng makita ko sya....

Oo, sya...Si Don Henry...Nakangisi ito sa akin na halatang balot ng pagnanasa ang isipan at sa paraan ng pagtingin nito sa akin... kadiri

"Magandang umaga magandang binibini..." bati niya sa akin pero di ko pinansin. "Mahirap sa isang magandang katulad mo ang maglakad sa talahibang lugar gaya nito...kung gusto mo ay maari ka sa amin sumabay..." tinitigan ko sya ng may pagkamuhi, oo galit ako sa kanya...muhing-muhi ako sa taong kaharap ko ngayon, pero ayaw kong isatinig iyon at baka naman magalit sya sa akin at kung ano pa ang gawin nila sa akin dito...totoo ang sinasabi niya, delikado dito kaya mas lalo akong natakot baka gahasain niya ako dito...nakakataaakot at nakakadiri...

Pinilit ko nalang maglakad ng mabilis at deadmahin siya.

Maiyak-iyak ako sa sobrang galit ko, pero di ko ito magawang sigawan para na din sa aking mga magulang at sa aming lupain... lalo akong gumilid at lakad takbo akong nagpatiuna sasasakyan nila.

Nakaramdam ako ng takot ng malingunan ko na sinasabayan pa rin nila ako.

"Sige na sumama kana... sumama kana sakin.." sabi nito sabay tawa habang nakalabas pa din ang braso nito sa kotse para abutin ang katawan ko. Pero pinilit ko padin na mas lalong lumayo sa kalsada para di nya ako maabot.

Ang dami pa din nitong sinasabing kung ano-ano sakin, ano bang tingin sa akin nito, isa akong pokpok?

.
Kilala ang Don sa pagiging babaero, dahil na din siguro sa katotohanan na malibog itong matanda na ito. Kaya mas lalo akong natakot para sa sarili ko, paano kung gahasain nila ko dito at patayin kaya nilang itago ang katotohan sa dami ng pera nila...

"Hindi naman siguro kasama sa pagiikot mo sa akin dito ang gawin ang mga bagay na iyan Don Henry...." Isang may diin na na boses ang narinig kong nagsalita mula sa loob ng kotse.

"A hahaha, ok sige, natuwa lang naman ako dahil sa may nakita akong isang magandang dilag kagaya nya..."

"Wala akong panahon sa mga ganyang bagay, negosyo ang pinunta ko dito, at hindi ang panoorin ang isang katulad mo na nanglalandi ng isang menor de edad..." Rinig kong usapan nila sa loob ng kotse, mahina pero klaro sa pandinig ko ang mga salita ng lalaking di ko makita mula sa labas, siguro dahil na din sa sarado ang salamin sa bintana ng kotse nito, may pakiramdam ako na nasa likod ito nakaupo.

Naramdaman ko nalang na medyo bumilis na ang takbo ng kotse at naiwan na akong nag iisa. Nakahinga na ako ng maluwag dahil doon, pero mas pinili ko nalang na madaliin ang lakad ko para makarating na agad ako sa aming bukid.

Secretly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon