Chapter Three

2.1K 125 36
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang oras ang itinagal ng usok sa paglamon nito sa paligid. Walang kahit na anong bagay ang aming naaninag pagdungaw kundi kulay pula't kahel lamang. At nang tuluyan na itong maglaho ay panibagong tatlumpong minuto ang aming inilaan bago makalabas ng Dome, iyon ay upang masigurong ligtas na nga ang hangin upang malanghap. Ngunit ang tatlong minutong iyon ay hindi na kasing haba ng aking inaasahan nang makita kong ligtas ang aking kapatid gayon na rin ang dalawa niyang kasama.

"Mukhang napako na ang tingin mo sa kanya, Dawn."

Mabilis na lumipat ang aking atensyon kay Aurora, natauhan. "Dapat lang dahil sinagip niya sina Camelot at Oldeos."

"Iyon lang ba?" Sa kanyang ton't pananalita'y alam kong iba na ang kanyang iniisip, bagay na aking binalewala.

Sa pag-balik ko ng aking tingin sa labas ay pilit ko na lamang inilayo ang aking atensyon sa lalaking nagligtas. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Tila napapalapit na ang dalawang bata sa kanya, bagay na lalong nagpagaan ng aking dibdib.

Bigla ko na lamang napagtantong muli akong tulala nang mabasag na ito dahil sa pag-alingawngaw ng anunsyo. "Isang minuto at bubuksan na ang Elite Dome." Biglang gumaan ang paligid sa aming narinig. "Paalala lamang sa lahat na ihanda ang kanilang mga sarili sa kanilang makikita at huwag basta-basta hahawakan ang mga kritikal." Mabilis na binalot ng pagkalito, gulat at pangamba ang lahat. Anong ibig nilang sabihin? Alam kong ang mga kinatawan ng Gobyerno ay nakita na ang mga maaring iniwan ng trahedya, at ang anunsyong iyon ay nagsasabing hindi ito kaayaaya.

Bago pa man tuluyang humupa ang mga halo-halong damdamin at reaksyon ng mga tao ay nagsimula nang umangat ang mga tarangkahan kasabay ang pagpasok ng likas na simoy ng hangin. Lahat ay napalingon dito, hindi tiyak kung lalabas ba at titignan ang mga nagyari sa di kalayuan o mananatili na lamang dito sa loob.

Hindi ko na hinintay pa ang tulyang pagbukas ng tarangkahan. Dali-dali na akong lumabas mula rito at naluluhang sinalubong si Camelot, sumunod si Oldeos, hanggang sa sa kanila na umikot ang aking atensyon.

"Akala ko, ate, hindi na kami—"

"Shhhh! Ligtas na kayo. Iyon ang mahalaga." Ibinalik ko ang aking yakap sa dalawa ng panandalian.

"Mabuti na lang at iniligtas kami ni kuya Taran." Taran? Agad akong natauhan sa sinabing iyon ni Oldeos.

Aktibong gumala ang aking mga mata sa paligid ngunit wala na yung lalaki kanina. Alam kong wala nang kabuluhan ang nasa isip ko ngunit itinanong ko pa rin iyon. "Nasaan siya?"

Sandaling gumala ang mata ng dalawa at kinumpirmang umalis na siya. Ipinagtataka ko kung bakit? Hindi man lang ba niya naisip na may pamilya itong mga bata na nais siyang pasalamatan? Hindi basta basta ang kanyang ginawa, at ang hindi iyon napasalamatan ay nagbigay sa akin ng hindi makaling na pakiramdam. Sa isang iglap, nang walang kontrol sa aking sarili, agad ko na lamang nasabi sa aking isipan na, hahanapin ko siya.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon