Chapter Fifty-Nine

706 61 61
                                    

A/N: Hello, guys! How's life? hahaha. By the way, thank you sa lahat ng nagbabasa until now. Thank you so much! :) So gusto ko lang kayo i-inform na mayroon na lamang around five chapters for this story, so buckle up! For now, let's all enjoy this chapter. God bless everyone! Lovelots!

-- r

* * *


Nagbalik ako sa gubat ng Relentless Boundary, ngunit ang lugar ay malabo, at kumikinang sa hindi likas na liwanag. At sa tagpong ito, walang ibang pinagtutuunan ang aking atensyon bukod sa malapad na punong ilang metro ang layo sa akin.

Magkakasunod na putok mula sa mga baril ang mahinang umaalingawngaw sa aking tainga, at natagpuan ko ang aking sarili sa napakabilis at tensyonadong takbo.

Ang kalabog ng aking dibdib ay tila nilalamon ang buong lugar, at ang pananabik sa aking damdamin ay patindi nang patindi sa lubos ko pang paglapit sa puno.

"Dalawang hakbang!" Ang tanging umalingawngaw sa aking utak.

Sa kalagitnaan, biglang naalog ang aking paningin. Ang lahat ng kontrol sa aking katawan ay nawala at mabilis akong bumagsak sa lupa.

Sa isang iglap, ang aking emosyon ay lalo pang tumindi. Mula sa pagkataranta, nilamon ito ng matinding gulat, ng sindak . . . ng masidhing takot. Nakatingin ako kay Cluster, sa kanyang mga nanghihinang mata—walang kakayanang tumayo mula sa aming pagbagsak. At nang umabot ang aking kamay sa kanyang mukha, nasaksihan ko ang labis kong panginginig.

Nakapako ang kanyang mga gulat na mata sa akin, ang kanyang mga labi ay nanatiling tikom. Ngunit sa kabila no'n, umalingawngaw sa akin ang kanyang mga naghihingalong salita.

"Alam nila ang patungkol sa atin . . . Mayroon silang hinahanap . . . Kailangan nila iyong makuha bago pa sila maunahan."

Walang ibang laman ang aking damdamin kundi ang matitinding emosyon, paralisado sa bigat, na sa puntong ito, labis-labis ang aking takot na si Cluster ay mawawala.

"Ang babaeng iyon ay ikaw . . . Palagi kang mag-iingat, Dawn—sa lahat ng oras."

Sa pagsara ng kanyang mga mata, tila ba napiga ang aking puso. At sa sumunod na paglutang ng mga segundo, nilamon ng aking sigaw ang buong paligid.

Nag-uunahang hingal ang gumising sa akin. Ang matinding bigat at paninikip sa aking dibdib mula sa aking panaginip ay hindi naglaho hanggang sa aking pagbalik sa realidad.

Iyon ang huli kong pakikipag-usap kay Cluster, mga segundong wala akong magawa sa kanyang kalagayan. Ang isa sa mga matitinding bangungot sa aking buhay na hinihiling kong hindi na sana nangyari.

Ngayo'y alam ko na kung sino ang kanyang mga tinutukoy, at kung kanino ako kailangang mag-ingat. Sa mga Renegade.

Dumaing ako sa sakit, na tila ba napunit ang aking puso. Muling naging sariwa sa aking alaala ang bangungot na iyon, kung paano sinagip ni Cluster ang aking buhay, kung paano niya sinalo ang bala na dapat ay sa akin.

Iningatan niya ako dahil napakalaki ng kanyang tiwala sa akin . . . na handa niyang iwanan ang lahat sa aking mga kamay.

Pumatak ang makapal na luhang namuo nang hindi ko namamalayan. Ang aking lalamunan ay labis na namimilipit. Sa pagkakataong ito, hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili. Hindi ko mapigilang madismaya. Pakiramdam ko'y nabigo ko si Cluster.

"Hindi ka matutulungan ng pag-iyak mo."

Agad akong natauhan sa malalim na boses na iyon. Lumawak ang aking mga mata at agad na bumangon—ngunit hindi iyon naging madali sa akin. Mabigat at bahagyang nahihilo ang aking ulo sa aking pag-angat, na palagay ko'y nawala ang aking malay sa mahabang oras.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon