Chapter Forty-Four

992 76 15
                                    

A/N: Sobrang late na naman. Hahaha. Na-writer's block ata ako, o baka masyadong kulang yung mga idea kaya hindi ako makadirediretso. Tapos distracted pa. Hehe. Anyway. I will be dividing the novel into two parts, and this chapter is the finale of the First Part. Enjoyyyyy :):):) Sa next chapter-update ko, Part Two na. Stay tuned. A brave world coming. Hehez. 

*      *      *

Hindi ako tuluyang nawalan ng malay gaya ng aking inakala. Sa nanghihinang katawan at nakapikit na mga mata, nanatiling bukas ang aking aking tainga. Nanatiling aktibo ang aking pandama.

"Manatiling aktibo hangga't makakaya!" alingawngaw ng galit na boses sa wari'y isang telepono. "Parating na ang bagong hukbo upang tumulong."

Nasundan iyon ng isang mabigat na pagbagsak ng katawan.

Pinilit kong labanan ang labis-labis kong panghihina. Pakiramdam ko'y tuluyan na akong mahihimatay, ngunit hindi, na tila nawalan na ng malay ang aking katawan, ng lakas, ngunit hindi ang utak. Alam ko ang nangyayari.

Mayamaya'y magkakasunod na padyak ang aking narinig sa paligid. Ang bagong hukbo ng Rapport Army.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko makontrol ang aking sarili. Hanggang sa isang kamay ang tila nagpaangat sa aking ulo.

Doo'y nagawa kong ibukas ang aking mata sa maikling segundo na aking makakaya.

Asul na liwanag, hanggang sa maaninag ko rito ang isang puting mukha. "Kumpirmado," sambit nito, ngunit napakalabo ng aking paningin upang akin siyang mamukhaan. "Maghanda. Tatlumpong segundo."

Muling nagsara ang aking mga tulikap sa paraang tila hindi ko na ito mabubuksan pang muli.

Agad kong naramdaman ang aking pag-angat, ang pagbuhat sa akin, at ang mabilis naming takbo.

Marahil imahinasyon ko lamang, ngunit p akiramdam ko'y agad akong isinilid sa isang sasakyan, at matapos ang ilang maiikling tunog ay naramdaman ko na ang aming paggalaw.

Ang . . . ang aming paglubog.

"Maghanda, Station One-O-One. Limang minuto."

"Tagumpay tayo."

"Huwag gaanong magsaya. Hindi pa tayo nakakasigurado."

"Kaaya-aya ang kanyang kulay."

Naramdaman ko ang ilang paggalaw sa aking katawan. Sa braso. Binti. Kamay. Pati ang tila pagbaon ng karayum sa aking balat.

* * *

Nang magbalik ang aking malay, kasabay no'n ang tuluyang pagbalik ng buong lakas sa aking katawan. Tila nanggaling lamang ako sa isang mahimbing na tulog.

At agad-agad, ang matinding alerto ay rumagasa sa aking dugo.

Nakahiga ako sa isang napakalambot na kama. Ang puting kisame ay napakalawak hindi ito magkasya sa aking paningin.

Taimtim at kaaya-ayang lubos ang katahimikan—bagay na ngayon ko na lamang muli narasan.

At, tila isang nakabibiglang alarma, agad na bumulong sa aking utak ang ngalan ni Aurora.

"Aurora," ulit ko at agad na bumangon. Nagulat ako't mabilis kong nagawa iyon, ng walang kahirap-hirap.

Bumungad sa akin ang kulay puti at wari'y nagliliwanag na pader ilang metro ang layo sa aking kama. Ngunit ang lubos na pumukaw ng aking atensyon ay ang malaking R na nakatatak sa pinakasentro ng aking paningin.

"Rapport," sambit ko na tila iyon ang nakasulat.

"Renegade." Nagulantang ako sa boses na iyon na siyang agad na humatak ng aking atensyon. "Hindi Rapport," tuloy ng isang babaeng natagpuan kong nakatayo sa aking kanan. Nakangiti siya sa akin, nakatingin gamit ang kulay lilak niyang mga balintataw.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon