Chapter Thirty

770 77 23
                                    


Nasa iilang oras lamang ang aking naging tulog. Kagabi ay nahirapan ako. Hindi ko mapigilang isipin ang mga susunod na mangyayari. Natatakot ako, na marahil marami ang umatras sa paglalakbay at bumalik na lamang nang Circa. Ngunit ang lubos na bumagabag sa akin ay ang mga naiwan ko sa Circa: si Camelot, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan gayon na din sa kapatid ni Taran.

Sa paggunita ko kay Gaia ay matalim na kirot ang tumama sa aking dibdib. Hindi ko batid ang kanyang kalagayan, ngunit hindi na rin ako umaasa pang malalaman ko ito mula sa Gobyerno. Siguradong hindi nila nanaising kami ay mabagabag. Tiyak na marahil taliwas man sa kanilang kagustuhan, ay gagawin at gagawin pa rin nila ang lahat mailayo lamang kami sa tunay na sitwasyon ng Circa.

Gumala ang aking isipan sa Circa; ano kaya ang kalagayan ng bansa ngayon?

Hindi ko namalayang nilamon ng ng tanong na iyon ang aking isipan. Kung ano-ano ang mga bumulaga sa aking imahinasyon.

Mga naghihimagsik na misteryo ng panahon: mga kalamidad, trahedya, maging mga panibagong sakit na lubos pang nagpapahirap sa bansa. Marahil marami na ang nagbuwis ng buhay para sa kanilang minamahal. At marahil . . . mayroon nang rayot na nagaganap sa lipunan, tulad na lamang ng aking mga nasaksihan mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Kinilabot ako ng mga nagbabagsikang hangin sa aking imahinasyon, mga madidilim na ulap at naghaharing kulog at kidlat.

Umaga na nang muling dumilat ang aking mga mata.

Bagong gising mula sa mababaw na tulog, subalit ang aking buong katawan at utak ay buhay na buhay, higit pa sa mga nagdaang umaga.

Ngayon na ang pagpili; kung saan ang bawat Seeker ay maaring pumili sa dalawa: magpatuloy, o bumlik sa Circa.

Sa kumpol ng lahat ay tahimik akong nakinig sa nagsasalita sa harapan—isang Seeker na may Earshot at tiyak na inatasan ng Gobyerno upang isiwalat sa bawat isa ang kanilang bagong plano. Trooper Mark.

"Anila'y malayo na ang narating natin at lubos-lubos na ang mga nai-ambag natin sa ating minamahal na bansa," pahayag ng lalaking tagapagsalita. Nanunuyo ang aking lalamunan, o marahil ay guni-guni ko lamang. ". . . tayong lahat ay binibigyan ng Gobyerno ng pagkakataon upang pumili sa dalawa."

Umusbong ang samut-saring reaksyon at bulong-bulungan. Bawat isa'y hindi makapaniwala, ngunit ang mga pumasok sa kanilang isipan ay iba-iba. Sa mukha pa lamang ng ilan ay masasabi ko nang sila ay nakarinig lamang ng napakagandang balita. Ngunit hindi ko sila masisi.

"Ngayon ay kailangan nang pumil ng lahat sa atin," tuloy ng lalaki. "Sa aking kanan ay ang mga nais pang magpatuloy . . . habang sa aking kaliwa naman ang mga nais nang makabalik ng Bansa." Tumingin sa akin si Hawk na nasa aking tabi. Masasabi kong pareho kami ng nararamdaman. Kinakabahan. "Simulan natin sa aking kaliwa. Mangyaring pumunta lamang sa aking kaliwa ang mga taong sang-ayon nang bumalik sa Circa." Malakas ang kanyang boses na bawat pagbigkas ng wika ay rinig na rinig ko.

Sa panandalian ay wala ni isa ang sumagot. Hanggang sa . . . "Nais ko nang bumalik sa bansa." Ang mga mata ay dumako sa babaeng nagsalita. Hindi ko siya kilala, ngunit sa kanyang kanang lee gang marka ng Slave.

Binalanse ko ang aking paghinga. Hanggang sa panibagong Seek rang sumama sa pasya ng nauna. Subalit ang ilan ay mariing pang pinag-iisipan ang lahat.

Agad kong inipon ang aking lakas at boses, saka ito pinakawalan na siyang rinig ng bawat tao sa aming kinatatayuan. "Nais kong magpatuloy!" Ang mga mata'y sunod-sunod na dumako sa akin. Lahat ay nagulat na hindi na tumagal pa ng isang segundo. Naglakad ako sa kanan ng lalaki. "Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng ating ginawang sakripisyo."

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon