Chapter Eighteen

923 92 37
                                    



Ang unang araw ng ikalawang yugto ay hindi naging pabor sa akin. Nagawa kong pigilan ang aking pagkahilo at nagpatuloy sa pagsasanay. At sa gabi, hindi ko mapigilang mag-alala sa lagay ni Camelot, at ni Itay. Maging si Inay. Sanay maayos lamang sila sa kabila ng walang hanggang pagbuhos ng ulan.

Nanaginip akong muli . . . kasama si Sonder. Subalit sa pagkakataong iyon, wala ako sa panganib. Nasa bubungan lamang kami. Siya sa aking likuran, ang mga kamay ay nakayakap sa akin, ang kanyang ulo ay magaang nakapatong sa aking blikat. Ang kanyang tenga'y banayad na humahaplos sa aking leeg. Ramdam ko ang naghahalong init ng aming katawan. At doon sumibol ang aking gulat. Nag-alangan akong bigla kung nanaginip ba ako o hindi.

Masyadong totoo ang lahat upang iyo'y maging panaginip. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pandama sa panginip na iyon. At hindi ko iyon nilabanan. Ngunit noong siya'y nagsalita, doon na nawasak ang lahat. Ang kanyang boses ay tila wala sa realidad. Napakalayo. Hindi totoo. Iyon ang puntong natauhan ako na ang lahat ay isa ngang panaginip. At bago tuluyang maglaho ang lahat, binigyan niya ako ng isang hinding-hindi ko makakalimutang paalala.

"Dawn. Huwag kang susuko. Hinihintay kita . . . Hinihintay ka nila."

Naglaho na siya bago pa man tuluyang kumagat sa aking isipan ang kanyang sinabi. Naglaho siya na parang manipis na usok sa malakas na hayo ng hangin.

"Ito ang pinakamahalagang parte ng pagsubok. Ang malaman ang inyong ranggo sa naganap na ikalawang yugto." Nabulabog ako sa aking imahenasyon sa biglaang pagsasalita ng Commander. "Ito ang magdidikta sa inyong pagiging Seeker." Muli siyang nakasuot ng kanyang uniporme, dala-dala ang seryosong ekspresyon at tuwid na tindig.

Nakatayo ako sa dagat ng mga Boluntaryo na pinupuna ang maluwang na Auditroyum sa isang palapag ng gusali. Nangangamba. Ang aking mga kamay ay nanginginig sa pinaka-malimit na paraan. Nanlalambot ang aking mga kasukasuhan. Sa ikalawang araw ng pagsasanaya ay walang naganap na aberya. Maayos ko iyong naitaguyod. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang sabihing makakapasa ako upang sumabak sa iatlong yugto, o maging ganap nang Seeker.

Sa aking tabi ay sina Aurora, Hawk, Cluster, at Atlas. Maging si Taran. Sila rin ay bahagyang kinakabahan sa mga magiging resulta, kita ko iyon sa kanilang mga mata at hindi komportableng paghinga.

"Hindi ko na patatagalin pa at narito na ang inyong mga ranggo." Lumisan ang Commander sa mumunting entablado. Naiwan sa kanyang likuran ang malaking Screen. Sandali akong nag-alangan na ito'y basahin. Sa listahan ng pangalan ay mayroong dumagdag na kulay. Asul at kulay abo.

Sa pinaka-itaas ay ang milking listahan ng kulay berde na sinudan naman ng kulay abo na siyang may pinakamaraming bilang. Sumunod ang asul na kasing sukat ng berde. Pula naman sa pinadulo na malinaw na ang nais iparating.

Sa itaas ng Screen ay nakaimprinta ang sinasagisag ng mga kulay. Berde para sa mga nangungunang sampo na may pinakamataas na ranggo at lalaban sa ika-huling yugto, kulay abo para sa mga pasado na at hindi na kailangan pang sumabak sa ikatlong yugto—sa madaling salita ay mga ganap nang Seeker. Ang kulay asul na listahan ay ang mga makikipagtunggali sa mga nangungunang sampo.

Pula para sa mga hindi nakapasa.

Marahan at nangangapa kong binusisi ang mga pangalan. Nakakarinig na ako ng sari-saring reaksyon sa paligid. May mga natuwa, may mga malalakas na buntong hinga, at mga nagpapalitan ng pagbati.

Sa mga sumunod na listahan ay nakita ko ang pangalan ng aking mga kasama.


T a r a n --- 1 8 --- S l a v e --- R a n k   1 1

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon