Chapter Sixty-Eight

1.5K 95 115
                                    

Please read: This must be the much-awaited finale of the novel. And so I solemnly request all the readers to please avoid the spoiler comments. Comments that will reveal the ending. Wala po sanang mga spoiler comment kung saan nakapaloob ang mga nangyari sa ending. Para rin po ito sa kapakanan ng kapwa niyo readers na hindi pa natatapos ang buong kwento.

Thank you for your understanding and cooperation. Sa A/N na ako magdradrama. Hihi

*     *     *

The Final Chapter




Namulat ako sa isang panaginip—isang walang hanggang panaginip.

Hindi ko maalala kung saan nagsimula, maging kung paano, ngunit sa mga oras na ito, walang ibang laman ang aking isipian kundi ang matinding paninikip ng aking dibdib.

Hindi ako makahinga, at hindi maari.

Nasa labas ako ng lubog na Rapport, walang kahit anong espesyal na kasuotan, at desperadong pinapagaspas ang aking mga kamay at paa patungo sa itaas.

Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito, subalit ang Rapport ngayon ay muling nasa malawakang kaguluhan.

Isang dambuhalang istasyon ang dumagundong sa pagsabog, dahilan upang walang kalaban-laban akong tumilapon sa ibang direksyon.

Kailangan kong makarating . . . sa . . . ibawbaw—

Namimilipit ang aking lalamunan, labis na nanikip ang dibdib. Wala na akong magawa upang panatiliin ang hangin sa akin. Hindi ko na kayang pigilan pa ang aking pagkalunod.

Ngunit akin pa ring ipinilit. Hindi ko alintana ang mabagal at tila hindi umusad kong pag-angat.

Kailangan kong maabot ang ibabaw ng karagatang ito, iyon ang tanging isinisigaw ng aking utak. Kailangan.

Hanggang sa hindi ko na kinaya pa.

Naramdaman ko ang paghigop ng aking bibig at ilong sa tubig, kasabay ang tila paghiwalay ng aking utak sa aking katawan. Pinipilit ko pa ring huminga, subalit walang hanggang tubig ang bumabara rito.

Nagdilim ang aking paningin, ang lahat ng lakas sa akin ay tuluyang nawala.

At bago ganap na maglaho ang lahat, may hindi pinalampas ang aking utak.

Hangin!

Mabilis na kumawala ang tubig sa akin, isinuka ang lahat kasabay ang mabibigat na hingal.

Sa bawat hinga ay bayolente ang pagtaas-baba ng aking dibdib. Hanggang sa unti-unti kong mapuna ang sarili kong bigat sa aking likuran. Ang tunog ay marahang narating ang aking isipan.

Mabilis kong natanto ang lahat kasabay sa biglang pagbukas ng aking mga mata.

Liwanag, kalangitan, mga gusali. Ang Circa . . . Kaguluhan sa Circa. Mga pag-sabog. Mga nagwawalang mamamayan.

Mabilis kong iginala ang aking balisang mga mata sa paligid, walang kamalay-malay na sa aking paggawa ay panibagong pagsabog ang magaganap.

Ang gusali ay mabilis nawasak kasabay ang paglamon dito ng dambuhalang apoy. Halos mapunit ang aking puso pagka't ang gusaling iyon ay ang Lighthouse.

Tuwid akong tumingala kung saan nagmula ang pagsabog. Sa kalangitan. Ngunit walang mga sasakyang pandigma—pawang pag-ulan ng mga misil lamang.

"Ate Cheska—"

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon