Chapter Seventeen

1K 90 17
                                    

PS: Unedited. Feel free to vote and flash some comment, especially yung mga hindi pa nadi-dedicate, dahil bibigyan ko ng dedication. ^^  <3


*    *    *


Ang ingkwentro kong iyon kagabi ay naging ugat upang manatili akong gising sa mga sumunod na oras, habang ang lahat ng aking kasama'y mahimbing nang naka-idlip. Ilang beses kong tinangkang bumagon at lumabas ng silid upang malaman ang nangyari ngunit pinipigilan ako ng aking utak.

Isang malakas na alarma ang gumising sa aming mahimbing na pagkakatulog.

"0500 oras. Mayroon kayong isang oras upang maghanda para sa ikalawang yugto ng pagsubok."

Sa pagsara ng Speaker ay sunod na tumunog ang pintuan at marahang bumaon sa kanang pader. Sa pagbukas nito ay tumambad ang parehong babaeng Trooper na nagdala ng amin ng hapunan kagabi. Maputi, maamong mukha, at kulay olandes na buhok. Napansin ko ang mabilis at palihim niyang pagsulyap sa akin, tulad na lamang ng napansin ko kagabi na akala ko'y guni-guni ko lamang. Nang maipwesto na niya ang mala-magkakapatong na lamesang kariton ay tumalikod na siya at handa nang umalis. Nanatili ang aking mga mata sa kanya at nasiguro ang isang bagay. Kasing edad ko siya.

"Sandali," pigil ko sa Trooper. Huminto siya ngunit hindi humarap sa akin. Naglakad ako sa gitna. Lahat ay nagtataka sa aking ikinilos. "Nagkakilala na ba tayo?" Agad kong pinagsisihan ang aking katanungan. Isa marahil sa alituntunin sa pagiging Trooper ang huwag makipag-usap sa iba, lalo na kung hindi mahalaga at nasa oras ng gampanin.

Ngunit nagulat ako ng humarap siya sa akin. "Kiesa Alba," pakilala niya sa blangkong mga mata. Nagtagpo ang aking kilay. "Ako iyong babaeng payat at muntik nang hindi maka-abot sa Trial. Ako 'yung babaeng iyong tinulungan." Lumutang ng sandali ang aking utak at inalala ang kanyang tinuran.

Nanlaki ang aking mga mata nang malamang siya nga. Napakalayo na ng kanyang wangis kumpara noong una ko siya nakita. Isang buto't balat at nakaka-awang nilalang. Tila napnsin niya ang aking gulat at siya na mismo ang nagsalita. "Habang buhay ko iyong tatanawin na utang na loob, Cheska. Salamat sa iyo." Nagpakawala siya ng matamis na ngisi at tuluyan nanag lumabas ng kuwarto. Sumara ang pinto. Ang lahat ay bahagyang tumingin sa akin dala ang kanilang humahangang ekspresyon at sinimulan nang kumain. Sa unang pagkakataon ay hindi ako nairita nang tawagin niya ang tunay kong pangalan bagamat hindi siya ganoon kalapit sa akin. Marahil, dahil nagkrus ang aming landas noong ako'y si Cheska pa at hindi si Dawn. Tinulungan ko siya bilang Cheska, at nakilala niya ako bilang Cheska.

Bumugso ang aking damdamin sa tuwa. Hindi ko akalaing ang aking tinulungan at isinakripisyo pa ang kapakanan ay magiging isang Trooper.

Umusbong sa aking isipan si Atlas. Iyon din ang araw na kanya akong tinulungan, at araw na siya'y naglaho. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman ang tunay kong pangalan sa mga oras na iyon.

Mabilis na lumipas ang isang oras at ang lahat sa amin ay handa na't hinihintay na lamang ang Trooper na mangangasiwa sa amin.

"Mukha atang ibinagay sa 'yo itong ating uniporme, 'sa tingin mo?" wika ni Taran. Naka-upo ako sa gilid ng aking kama kasama siya. Mga mata sa pintuan.

"Halos wala na ring pinagkaiba sa itim na kasuotan ng Felon," tugon ko. Kulay asul ang aming kasuotan—katulad sa uniporme ng mga Elite Soldier noon. Gaya ng mga kapwa ko babae rito ay bahagyang hapit ang aking damit ngunit magaan ito sa pakiramdam. Nakalabas ang aking braso tulad ng panloob na uniporme ng Felon.

Lumingon ako kay Taran at pinagmasdan siya sa kanyang uniporme. Wala itong pinagkaiba sa aking uniporme maliban sa hindi ito masikip. Gayon pa man ay hindi pa rin maitatanggi ang hubog ng kanyang katawan. Nakalabas rin ang kanyang batak na braso gayon din ang kanyang buto sa kwelyo. "Umayon din sa 'yo ang uniporme," puri ko kasabay ng pagbagsak ng aking tingin sa sahig. Pareho kaming nakasuot ng itim na pantalon at itim na sapatos. At ang mga ito'y napakagaan sa paningin, gayon na rin sa pakiramdam.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon