A/N: Hello guys! Please pardon me for updating this late. Sorry talaga. Hehe. Nakaka-adik ang Mobile Legends, grabe. HAHA. Anyway, enjoy this update, I will do my best para makabawi ako. Thank you! :):):) <3
* * *
Napapaligiran kami ng ilang puting lalaki. Ang kanilang mga atensyon ay dumapo sa aking gulat na ekspresyon, na agad din nilang ibinalik sa iba ko pang mga kasamahang hindi pa nagigising, liban sa isang lalaking nakatapat ilang metro ang layo sa akin. Wala siyang pinagkaiba sa kanyang mga kasama, liban lang sa siya ay may pulang mga mata—na aking ikinasindak—at pinaghalong kulay ng gatas at abo ang kasuotan, kung saan berde't kayumanggi naman ang kanyang mga kasama.
Tumayo ako sa palaban na paraan na aking makakaya. "Anong kailangan niyo, ha?" Sinadya kong lakasan ang aking boses, umaasang magawa nitong gisingin ang aking mga kasama.
At nangyari nga. Dahan-dahang nagising sina Aurora at Taran. Pinansin ito ng lahat maliban sa lalaking nakatapat sa akin.
Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang katawan dahilan upang ako'y maging alerto, subalit laking gulat ko nang bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi kami kalaban," daing niya. "Hindi namin kayo sasaktan."
Nanatili akong tahimik, at maging sina Aurora. Iniisip kong lubos kung totoo nga ba ang kanyang sinabi, at sa kanyang mga mata, at sa kanyang mga kasamang nakataas din ang mga kamay, tila sila nga iyong mga lalaking nagligtas sa amin.
Agad nagsalita si Aurora. "Alam niyo, wala nang armas ang natira sa amin simula sa Electrospot, kaya kung gusto ninyo kaming dakpin, gawin niyo na."
Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Anong ginagawa niya?
At bigla na lang kaming binulabog ng isang sigaw. Si Hawk. "Huwag kayong kikilos!"
Maging ako'y hindi siya napansin, ngunit ngayon ay hawak na niya ang isang puting lalaki at ang matalim na kutsilyo'y walang habas na nakatapat sa kanyang leeg. Napalamon ang puting lalaki, ngunit si Hawk, nakakasindak siya, na isang maling galaw lamang ng mga puting lalaki ay mawawalan na sila ng isang kasamahan. Si Cluster. Siya ang tiyak na dahilan sa pagka-agresibo ni Hawk, maging ni Aurora.
Inaasahan ko ang pagpalag ng mga lalaki gamit ang kanilang armas, ngunit hindi iyon ang kanilang ipinakita.
"Nandito kami bilang isang tulong, at hindi banta," paliwanag muli ng lalaking nakatapat sa akin. Siya marahil ang pinakamataas sa kanila. "Isa kami sa mga tumulong sa inyo upang makatakas mula sa pagkakadakip."
Tuluyan nang nagising ang walo pa naming mga kasama, ngunit nagtauloy lamang ang lalaki sa pangumbinsi sa aming hindi sila kalaban.
"Alam kong hindi magiging madali sa inyo ang magtiwala, ngunit umaasa ako na sapat na ang isnag taong ito upang bigyan niyo kami ng pagkakataon," wika ng lalaki. Sandaling katahimikan, at mayamaya, gumilid ang puting lalaki, at sa likuran nito'y lumabas—mula sa matabang puno—ang isang lalaking lubos na naiiba sa kanilang lahat sa hitsura.
"Sonder?" narinig kong sambit ni Aurora. At si Hawk, halos tuluyan niyang makalimutan ang kanyang sitwasyon nang masilayan niya si Sonder. "Dawn, b-buhay si Sonder," wika niya sa gulat at galak, na tila hindi pa niya ito nalaman sa akin kagabi.
Dumapo ang aking tingin kay Hawk at agad siyang sinensyasan. At nang walang pag-aalanagan ay agad niyang binitawan ang puting lalaki.
"Salamat," wika ng lalaking ngayo'y katabi na ni Sonder. Humarap siya rito, at ipinakilala kami sa kanya. "Sonder. Malamang hindi mo sila maalala, ngunit sila ang dati mong mga kasamahan."
BINABASA MO ANG
Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)
Science FictionWATTY AWARDS 2019 WINNER (Science Fiction Category) [The Felon Mark #2] • COMPLETED Ang kanilang bansa ay nasa alab na ng pagbabago. Dawn, na sa pag-aakala'y tuluyan nang magiging payapa ang lahat, ay isa sa mga maaapektuhan ng ilang miste...