Chapter Thirty-Seven

675 70 14
                                    

Ang mga huling paalalang iniwan sa akin ni Cluster ay paulit-ulit na bumulong sa loob ng aking utak, sa buo at malinaw na paraan.

"Kilala ka nila. Kung sino ka, ang hitsura mo, ang mga katangian mo. Palagi kang mag-iingat, Dawn . . . sa lahat ng oras."

"Paano?!" bulyaw ko, na wari'y may nakakarinig at magbibigay sa akin ng kasagutan.

Agad ko iyong pinagsisihan. Ilang segundo matapos ang aking pagsigaw ay nakarinig ako ng pagtama ng bala sa isang puno malapit sa akin.

Binilisan ko ang aking takbo, inusisa ang paligid, at napadapa nang bumungad sa akin ang isang kulay puting lalaki.

Hindi ko na tinangka pang tumakas, o pumalag. Nanatili akong nakaluhod, nakatalikod sa kanya.

Hindi siya bumaril, ngunit narinig ko ang tasyado niyang mga yapak papalapit sa akin.

Namayani ang pagkataranta sa aking utak. Napahinto ako sa paghinga. Nais kong sumigaw at humingi ng tulong, ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

Mas mabuti na ito—ang hiwa-hiwalay kami. Tulad ng aming napagkasunduan, sa ganoong paraan lamang namin malilito ang mga humahabol sa amin.

At ngayon, sa kamay ng lalaking ito, kailangan kong lumaban ng ako lamang.

"Huwag kang kikilos!" sigaw niya. Ngunit bago pa man niya ako malapitan ay agad kong inihagis ang aking kamay sa aking likuran kasabay ng aking pagharap.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang aking matamaan ang baril na kanyang hawak, dahlian upang ito'y tumilapon sa isang banda. Sinubukan niya itong kunin ngunit, gamit ang aking lakas, ay agad ko siyang itinulak paatras—inihagis ko ang aking katawan sa kanya kasabay ang isang sigaw.

Lumabas ang hangin sa aking lalamunan sa aming mabigat na pagbagsak. Itinuon ko ang aking atensyon sa baril na ngayon aboy kamay ko na.

Mabilis akong gumulong pakanan, ang aking mga mata'y nakapukaw lamang sa nakalapag na baril.

Ini-unat ko ang aking kamay, at sa oras na akin na itong mahahawakan, bigla akong binawi ng lalaki sa paghila ng aking balikat pababa.

Napapikit ng kusa ang aking mga mata sa pagbagsak ng aking baga sa sahig, at sakit na aking natamo sa aking balikad. Halos mabalian ako ng buto sa pwersang iyon.

At sa muli kong pagdilat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang baril na kanina'y nakapalag lamang at ngayo'y nakatutok na sa akin—sa aking ulo.

Nanigas ang aking mga kalamanan sa gulat . . . at sa takot.

Akala ko'y kanya na akong babarilin, ngunit hindi. Nanatili lamang siya sa kanyang position.

"Huwag, parang awa." Marahan kong ini-angat ang aking mga kamay at ipiniangharang sa aking direksyon ng baril.

Hindi ko sinubukang tignan siya sa mukha, lalo na sa mata. Ngunit pakiramdam ko'y nagulat siya akin, hindi ko alam kung bakit, ngunit tila inuusisa niya ako ng mabuti.

"Sonder!"

Sa aking kalooban, nagulat ako sa digaw ng aking utak, ngunit sa panlabas ay nanatili akong naka-upo, tinatakpang ang mukha sa maaring bala. Ang aking puso'y halos lumabas na sa lakas ng kalabog.

*Teeeeeeet!*

Kapwa kami nagulat sa tunog na iyon, ngunit ang puting lalaki ang higit na nagulat sa aming dalawa. Agad niyang binawi ang pagtutok niya ng baril sa akin, na tila nawala ang lahat ng kanyang atensyon sa akin at nabaling ito sa isang parte ng kanyang pulso.

Ito na ang tamang oras. Inihanda ko ang aking sarili. Papalag ako, hanggat mayroon akong pagkakataon.

Ngunit, nang tila naririnig ang aking utak, ay pinigilan niya ako. "Tumigil ka!" Mabilis niyang dinukot ang isang bagay sa kanyang baywang nang hindi ko inaasahan.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon