❤️ ❤️ ❤️

1.4K 92 59
                                    

Sa wakaaaas! Natapos ko na ang The Felon Mark Series!!! Guys, magdrama lang ako ng konti (pero napahaba talaga) Hahaha.


BIG THANK YOU, YES YOU!!!

Looking back noong sinisimulan ko palang i-lay out yung story ng The Felon Mark, ang gusto ko talaga ay magkapagsulat ng Trilogy (however, hanggang duology lang ang nangyari, pero, kaya rin sobrang haba ng Living Pawns dahil idinugtong ko na yung dapat na mangyayari sa third novel 'sana', at mas concise na yung story). So back to topic, hahaha. While I'm gradually planning out the story of The Felon Mark and conceptualizing things out, deep within alam kong gusto ko talagang madugtungan yung pinaplano kong story, pero syempre mas nag-focus ako sa pinaka-main goal ko, which is yung makatapos ng 'kahit isa' lang na novel. Kaya ang kagustuhan ko sa Series ay isinantabi ko. Opo, nagbulag-bulagan ako, HAHAHAHA, at nagbingi-bingihan. Matagal kong inalis sa utak ko yung about sa sequel ng The Felon Mark kasi di ko pa nga natatapos mismong TFM eh. Pero nung natapos ko na siya, yung kagustuhan ko sa sequel ay nandoon pa rin. Hindi nawala.

Alam kong siguro dahil masyadong napamahal sa akin yung story, saka alam kong malawak pang istorya yung naghihintay, marami pang mangyayari na worth-telling ba. Pero naisip ko, hindi lang yun yung dahilan. Alam ko na deep within, at kahit saan pa tignan, ang mga Readers ko talaga ang isa sa mga pinaka-nagcontribute sa kagustuhan kong isulat ang sequel na 'to. Ang Living Pawns. Kasi kung walang nagbabasa, baka nga hanggang first book lang ako. Kaya gusto kong sabihin na ang part na 'to ay para talaga sa inyo. Gusto ko kayong pasalamatan, mapa-Active o Silent Reader. Yung makita ko lang yung pag-usad ng numbers of reads sa bawat Chapter na ina-update ko ay sapat na para mamotivate pa akong magpatuloy at mag-improve at galingan pa. Oo ako ang nagsusulat ng kwento, sa utak, puso, at imahenasyon ko nagmumula ang lahat—at sa iba pang mga bagay na tila magic hindi ko alam sa'n nagmumula, hehe—pero kung wala kayo na naging part sa writing journey ko, baka hindi 'to lahat magiging posible. Kaya maraming, maraming salamat sa inyo mga minamahal kong Readers. Napaka-espesyal ninyo sa akin. Kung alam niyo lang kung paano niyo ako napapasaya at na-mo-motivate knowing na 'ooy may nagbabasa sa kwento ko. May nag-aabang'. At minsan pa may mga bigla-bigla akong nababasang comments about sa story. Sobra lang talagang naging kumpleto ang writing journey ko dahil kasama ko kayo, dahil hindi ako nag-iisa. Kaya again and again, maraming salamat sa inyo.

Okay-okay, napa-haba na. Next part na tayo. Hahaha.


WE WON WATTYS AWARD (2019), YES WE!!!

Gusto kong magsorry kung di ako masyadong active nung mga panahong kakapanalo ko palang—at ng Living Pawns, at natin—sa Wattys. Masyado talaga akong lulong sa Engineering Life (at sa ML) that time, hahahaha. Pero still, yung bagay na dati pangarap ko lang, dati hindi ko maisip kung mangyayari ba, ay nangyari na. Nanalo ako sa Wattys, and yung pagkapanalo ko na 'yon ay inaalay ko rin sa inyo guys; mga minamahal kong Readers, and Friends. Kaya naman . . . Cheers! ❤

 Cheers! ❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SPECIAL MENTIONS

Sa part na to may gusto akong pasalamatan dahil sobrang naging parte din sila ng journey ko sa pagsusulat. nyankokunJensenCampbellSpyicaMxGchef. Thank you riin sa pagbabasa niyo sa story ko tas lalo na sa mga feedbacks niyo. Binabasa ko sila lahat and, syempre, as a writer sobrang nakaka-inspire at nakaka-motivate pa lalo magsulat dahil nakakabasa ako ng mga feedbacks (kahit anong feedbacks). Maraming, maraming salamaat! ❤❤❤

- -

Sobrang haba na ng Acknowledgment na 'to, 'di ko rin in-expect. Hahaha. Ayun lang guys. Unlimited thank you sa inyong lahat—sa lahat ng nagbasa, sumubaybay, sumuporta, at naging parte sa paglikha ng Living Pawns!!!

- -

Kung sakaling may mga katanungan kayo, either about Living Pawns, TFM, o kung ano man 'yan. Feel free to ask me, anytime. Sasagutin ko mga yan hangga't makakaya. Kung may tanong lang naman, hehe. And kung sa tingin ko magandang gumawa ng 'FAQs' part, Frequently Asked Questions, doon ko na rin sasagutin ang mga tanong ninyo. Thank you, everyone!!!


GOD BLESS US ALL! STAY SAFE!

TO GOD BE ALL THE GLORY!


-- r (June 11, 2020)


Novels are sections of life. Even though we've reached the ending doesn't mean the story will stop. It won't. The story will go on beyond what words can tell. It will continue to venture the life on its own course as much as we do.

May the stories live forever.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon