Chapter Eleven

1K 99 24
                                    

PS: Sorry for the long wait guys, just been busy these past few days, and will remain busy with the following. I'll manage. Hihi. Feel free to vote and comment your thoughts. I would be happy reading them. :) <3

*   *   *


Hapon matapos ang ingkwentro namin kina Knox ay tinawagan ako ni Aurora at sinabing kailangan niya ng makakasama. Hindi pa sila nagkakaayos ni Hawk mula sa napakaliit na pagtatalo. At paano nila iyon maayos kung hindi sila mag-uusap?

"Hindi man lang ba niya naisip na sa ginawa niya ay maari tayong mawalan ng karapatang maging Seeker at makulong ng liman taon?" Mayroon pa ring pagka-inis sa kanyang boses.

Sinubukan kong magtunog dalisay. "Sa tingin mo ba ay gugustuhin niyang mangyari iyon? Sigurado akong nadala lamang siya ng matinding bugso ng damdamin. Lalo na sa ipinairal ng lalaking 'yon. Si Knox."

Muli kaming nakaupo sa malamig na damo ng Green Lake habang sunod na namalagi ang katahimikan, hanggang sa kinuha ko na ang pagkakataon upang ikuwento sa kanya ang aking pinagdadaanan. Simula sa mga panaganip, sa pagtuklaw no'ng kakaibang nilalang, hanggang sa aking mga ilusyon kay Sonder. Maging ang aking mga hinala na maaring siya'y buhay pa.

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Aurora, hindi dahil sa aking mga panaginip kung hindi dahil sa aking pag-iisip na si Sonder ay buhay pa.

"Dawn. Alam kong hindi naging madali sa iyo na tanggapin ang kanyang pagkawala, pero sa pagdaan ng mga panahon ay nagawa mo iyon. Huwag mo na ulit hahayaan pang bumalik ka sa dati."

"Alam kong hindi nanaisin ni Sonder na ako'y mawasak ng kanyang pagkawala. Ngunit iba iyon sa aking pinagdadaanan ngayon. Hindi ko mapigilang isipin na siya'y buhay pa. Wala akong nasilayang bangkay niya," taliwas ko. Hindi ko namamalayan ngunit naglalaban na ang aking boses. Sa tono'y tila binibigyan ko si Aurora ng walang ibang pagpipilian kung hindi ang sumang-ayon sa akin.

"Wala nga siyang bangkay na ating nasilayan. Pero hindi pa ba sapat ang mga nangyari sa loob ng halos isang taon na nagpapatunay na siya'y wala na?"

"Patawarin mo ako, pero hindi. Marahil ay nabulag lamang ako upang minsang tanggapin ang katotohanang iyon. Na siya'y wala na." Nakaramdam ako ng matinding lumbay sa aking puso sa puntong halos mamuo na ang luha sa aking mga mata.

Sa mga oras na ito, nangungulila ako kay Sonder—bagay na hindi ko akalaing muli kong mararamdaman sa ganitong paraan na umaasa akong siya'y buhay. Parang nitong mga nagdaang pagkakataon lamang ay pilit kong hindi pinaniniwalaan na siya'y buhay pa.

Nanatiling tahimik si Aurora sa sumunod na minuto. Wari'y nag-iisip. Tila mabusising kinikilatis at tinitimbang ang mga bagay sa kanyang utak.

Matapos ang tila walang hanggan ay muli na siyang nagsalita sa napaka-patag na tono. "Napapanaginipan mo siya, at sa iyong mga guni-guni ay iyo siyang nasisilayan . . ." Nagpakawala siya ng hindi ko mawaring ngisi. ". . . Kaya mo iniisip na siya'y buhay pa."

Nagtagpo ang aking mga kilay. Dahil mali siya. "Hindi lang iyon patungkol sa panaginip, Aurora." Nanatili ang kanyang tingin sa malayo. "O maaring iyon nga, dahil naging daan iyon upang aking mahinuhang may posibilidad na siya'y buhay pa hangga't hindi pa natatagpuan ang kanyang katawan."

Ano ang nais mong iparating? Na siya'y buhay pa at kinuha ng mga sikretong tao at dinala sa sikretong lugar? Iyan ang inaasahan kong lalabas sa kanyang mga labi ngunit nanatili lamang siyang muli sa katahimikan. Paano kung ganoon nga? Paano kung kinuha siya ng mga sikretong tao kasama iyong mga Felon na sila ring naglaho matapos ang aming pag-atake sa Elite Dome?

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon