Chapter Forty

779 68 2
                                    

A/N: Una, ampangit ng pag-edit ko sa kilay ni Everard. Basta imagine-in niyo nalang. Hehe. So, here I am again, updating so late. Hehe. But I guess this is the best chapter I've ever written so far this summer. ^^ Furthermore, I incorporated a short excerpt from somewhere in The Felon Mark. Why, why, and why? Find out. And, oh, enjoy. ^^ <3


*     *     *


Bukas at alerto ang buo naming pakiramdam sa bawat sulok ng paligid.

Maingat. Tahimik. Dahil sa kahit anong oras ay maari muling maulit ang mga nangyari noong kami ay itinakas mula sa pagkakabihag.

Binalikan ko ang mga sinabi sa amin ni Everard ilang minuto lamang ang nakalilipas. "Ang gubat na ito ay binubo ng sampong antas, tinatawag naming Strata. Ang bawat Strata ay may katumbas na katangian, mga katangiang dinesenyo upang pigilan ang mga gustong suungin ang gubat.

"Unang Strata. Tanging pagkapal lamang ng mga halaman at puno ang mayroon. Layunin nitong sindakin ang mga nagtangkang pasukin ang gubat. Mukha itong piligroso, tuso, at mapanganib.

"Sa ikalawang Strata naman umatake ang Otolaric Predator. Isang Engineered Specie na nilikha ng aming pamahalaan. Maliit lamang ito at ang tanging kahinaan ng tao mula rito ay ang kanyang pandinig. Dahil ang Otolaric Predator ay lumilikha ng matalim at mahabang tunog na pakiramdam mo'y napupunit ang iyong utak sa sobrang lakas.

"Ikatlong Strata. Ang Vendrecour. Hindi na iyon lingid sa inyong kaalaman, dahil ang nilalang na iyon ay nilikha ng mga nauna niyo pang pamahalaan, na siyang ginaya ng aming gobyreno at ginamit bilang proteksyon—sa gubat.

"Ang ika-apat na Strata ang isa sa mapanganib na Strata. Doon ninyo naingkwentro ang mga mababangis na at kulay puting unggoy. Sa oras na ikaw ay kanilang madikitan, palaisipan na kung makakaligtas ka pa—liban na lamang kung ito ay mabawian ng buhay." Sa oras na iyon ay naalala ko ang ginawa ni Taran noong nagkaroon kami ng ingkwentro sa mga unggoy na iyon. Akmang susunggaban na ako ng unggoy, ngunit isang putok ang pumigil dito. Ang baril ni Taran. Muli akong nakaramdam ng matinding pasasalamat para sa kanya.

"Ika-lima," patuloy niya. "Ang Electrospot. Iyon ang lubos na susubok sa katatagan ng mga nagbalak na sumunuong. Dahil sa Electrospot, walang kahit na anong uri ng teknolohiya ang maaring makalampas. Sasabog ito, gaya ng nangyari sa mga teknolohiyang dala ninyo."

Alam nila ang lahat sa amin, kamangha-mangha. Lahat ng nangyari sa gubat, alam nila iyon. Maging ang mga nangyari noong kami ay Felon pa lamang.

Hindi ko pa rin maiwasang tanungin sa isip ko kung paano. Pero gaya nga ng sinabi ni Everard, mas maiintindihan ko ito kung sa Rapport ipapaliwanag. Sa ngayon, tutulungan lamang nila kaming makapunta roon, at lahat ng impormasyon patungkol sa misyong iyon lamang ang maari niyang isiwalat.

Nagpatuloy siya sa ika-anim na Strata, kung saan aming natagpuan ang isang malawak at bakanteng lote, kung saan kami ay payapang nagpahinga sa gabi, at kinabukasa'y wala na ang aming mga gamit. "Ang C-Type Engineered Specie," banggit niya. "Mga tusong nilalang na sing laki ng tuta, ngunit halos maihahalintulad sa wangis ng mga unggoy. Wala silang ibang hanggad kung hindi ang magnakaw. Magnakas ng magnakaw." At iyon nga ang nangyari sa amin sa parte ng gubat na iyon.

"Sa sampong Strata, ang pang-pito ang inyong hindi naranas, o nasaksihan. Dahil sa ika-anim kayo ay nadukot ng Rapport Army. Dinala nila kayo sa kanilang kuta, at doon namin kayo iniligtas, sa ika-walong Strata. Kung saan nakatayo ang kanilang kuta na kilala bilang Rapport Security Unit."

Tinanong siya kung ano ang mayroon sa ikapitong Strata na hindi namin nasaksihan. Malakas na hangin, ulan, at kidlat sa gabi, ang kanyang isinagot.

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon