WATTY AWARDS 2019 WINNER
(Science Fiction Category)
[The Felon Mark #2]
• COMPLETED
Ang kanilang bansa ay nasa alab na ng pagbabago.
Dawn, na sa pag-aakala'y tuluyan nang magiging payapa ang lahat, ay isa sa mga maaapektuhan ng ilang miste...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N: Hello, guys! Just want to inform you that I added around 1000 words in the last part of the previous Chapter (Chapter 55). Please do check it out. Thank you and stay safe! Lovelots!
-- R
* * *
Tila huminto ang pangyayari sa aking paligid sa tanong na iyon ni Sonder. Sa mga sumunod na segundo, hinayaan kong siya lamang ang nakikita ng aking mga mata.
Marahan kong kinuha ang kanyang mga kamay at ipinatong ito sa aking baywang. Maingat kong inilagay ang aking mga kamay sa kanyang balikat.
"Napaka-ganda mo ngayon, Dawn."
Inusisa ko ang kanyang mga mata, at nagulat akong hindi na nga ito kasing-blangko kumpara sa mga nauna-ngunit sa kabila no'n, hindi ko pa rin napigilan ang kaunting kirot sa aking puso, ang pangungulila. At, mula sa aking damdamin, kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang hindi ko inaasahan. "Kailanman, Sonder . . . hindi kita kinalimutan."
Ang kanyang mukha ay bahagyang bumaba, binawi ang mga tingin. Hindi ko alam kung ano ang epekto ng pagkawala ng kanyang mga alaala, at ang katotohanang Memory Fog ang sanhi ng bagay na iyon ay lubos pang nagpagulo at nagbigay ng sindak sa akin.
Ano nga ba ang pakiramdam ng mawalan ng alaala . . . sa paraang hindi mo kagustuhan? Gaano kasakit ang magkaroon ng malaking kakulangan sa iyong pagkatao na kahit anong pilit mong punan ay hindi mo magawa-at hindi mo alam kung paano?
Namayani ang katahimikan sa amin, at hinyaan ko iyong manatili.
Akala ko'y hindi na siya iimik pa hanggang hindi ako nagsasalita, ngunit laking gulat ko nang muli siyang humarap sa akin at binigyan ako ng malalim na tingin. "Maari mo bang ikwento kung paano tayo nagkakilala?"
Hindi ko lubos mapaniwalaan ang aking mga narinig. Ako'y tila nagyelo sa puntong napahinto na kami sa aming paggalaw.
Lumabas sa aking bibig ang inaasahan kong mga salita, kasabay ang muling pagsibol ng alaalang maingat kong inalagaan sa loob ng mahabang panahon. "Isang gabi habang ako'y tumatakbo para sa aking buhay," marahan kong sambit. "Dumating ka at iniligtas ako."
Ang mukha ni Sonder ay nabalot ng kalituhan, pilit na sinusubukang makaalala. "Nabanggit sa 'kin ng mga Veto na ako'y isang Felon sa bansang Circa . . . at itinuturing na kriminal."
Matinding gulat ang tila humampas sa akin. Itinuturing na kriminal? Iyon ang kanyang nalalaman? Ginusto kong tanungin pa siya sa kung ano ang mga sinabi sa kanya ng mga Veto, ngunit ang Earpiece sa aking tainga ang pumigil sa akin.
Tila ba nabuhol ang aking dila at kinailangan ko munang kumalma bago tuluyang magsalita. "Noon iyon, Sonder. Dahil sa ating sakim na Gobyerno," paglilinaw ko. "Ngunit hindi ka isang kriminal, o maging ako. Wala sa kahit sino sa mga Felon ang naging kriminal."