Chapter Twenty Six

831 87 19
                                    

Sa lugar malapit sa huling kinaroonan ng Vendrecour bago ang pag-atake ay natagpuan namin ang dalawang, sa sinabi ng Gobyerno, ay E-type Bombs. Isang uri ng bomba na kayang huwag paganahin ang kahit na anong bagay na gumagana sa tulong ng elektrisidad at magnetismo. Kahit anong uri ng teknolohiya; ang Nightsight, Earshot, TransVission, o kahit ano pang katulad ng mga ito. Maging ang Telebisyon at mga bus sa Circa. Ang mga bumbilya. Lahat.

Ngayon, ang lubos na bumabagabag sa amin ay: paano nagkaroon ng bagay na ito rito?

"Lubos iyang mapanganib," may tensyon at kung ano pa sa boses ni Commander Willston. "Sabihan ninyo ang lahat na lumayo sa bomba at hayaan itong manatili sa kinaroroonan." Sa kabila ng kanyang pagpipigil sa tinatagong emosyon, rinig ko sa kanyang boses ang pagiging balisa.

Ilan sa aming mga may Earshot ay muling binalahan ang lahat na huwag lalapit sa bomba. Nagpatuloy ang Commander matapos niyon. "Hindi mainam na resulta ang pagkawala ng inyong koneksyon sanhi ng E-Type Bomb. Kung sakaling ito ay sumabog, maging ang inyong Tracker na hinulma upang hindi maapektuhan ay maari pa ring hindi gumana."

"Commander."

"Sige," payag nito.

Lumingon ako kay Taran bago ako magsalita. "Mayroon kaming isang kasama na nagboboluntaryo upang tingnan ang bomba kung ito ba ay maayos at ligtas."

Sandaling natahimik ang Commander. "Marka?" tanong nito sa wakas.

0Slave Mark." Sa puntong iyon, naramdaman ko ang lubos na paglayo ng distansya sa linyang nagkokonekta sa amin ng Commander. Alam ko ang iniisip niya. Slave Mark. Malabong ang isang tulad niya ay may sapat na kaalaman patungkol sa ganoong uri ng pampasabog.

Hindi ako lumingon kay Taran at sinambit ang mga salitang babago sa pag-iisip ng Commander. "Dating Elite. Ipinanganak na Elite."

Hindi ako nagkamali. Sa oras na binanggit ko iyon ay sunod na nagpahayag ng konsiderasyon ang Commander. "Ano ang kanyang ngalan?"

"Taran." Sinambit ko ito ng walang alinlangan. Hindi ko marahil ganoon kakilala si Taran, subalit alam kong mapagkakatiwalaan siya sa mga ganitong sitwasyon—tulad na lamang ng ginawa niya noong may natagpuan kami sa Dead City.

Sandaling katahimikan ang namalagi, tila may mga inaalam pa ang Commander patungkol kay Taran, at mayamaya . . . "Ipaalam mo sa kanya ang aking pag-sang ayon," tugon ng Commander. Binatuhan ko si Taran ng mapag-punyaging tingin. "Hindi magiging mapanganib ang E-type Bomb kung mayroong sapat na kaalaman ang gagalaw dito," tuloy ng Commander.

Humarap ako sa lahat. May mga bala sa kani-kanilang tungkulin, ang ilay naka-upo at hinihintay ang mga susunod na anunsyo. "Sandali munang maglaan ng atensyon ang lahat sa akin." Sunod-sunod na dumako ang lahat ng tingin sa akin. "Hindi tayo makakaalis dito hangga't hindi nareresolba ang suliranin sa mga bomba. Hindi natin maaring iwan ang mga ito." Muli kong ibinaling ang aking tingin kay Taran ilang distansya sa aking kanan. "Hinihiniling ko ang lahat sa inyo na maglaan ng katahimikan sapagkat ang isa sa ating kasama ay sisikaping kilatisin ang mga bomba—kung ito'y ligtas ba o hindi—nang sa gayo'y magawa na nating magpatuloy."

Sumenyas ako kay Taran at agad siyang lumapit sa akin. At nagsalita. "Kailangan ninyong magtiwala at kailangan ko ang kooperayon ng bawat isa."

"May alam ka ba sa bagay na iyan?" kwestyon ng isang lalaki, subalit iyon ay mabilis na nawalan ng saysay nang biglang magsalita si Knox.

"Huwag na kayong magtanong. Dapat tayon magkaisa." Dumako ang aking tingin sa kanya, gulat at nagtatakang mga mata. Ngunit hindi na niya inintindi pang lumingon sa akin habang ang atensyon ay sunod niyang ibinaling kay Taran. "Sige na. Gawin mo na."

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon