- - -
"Wag! 'Wag! Nagmamaka-awa ako!"
Palagi na lang!
Ganyan na lang palagi ang sigaw ng mga tao kapag papatayin ko na sila. Nakakasawa na. Wala bang mas magandang linya diyan?
Muli ay pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking iyan. Basag na basag, tumutulong dugo, wala nang ngipin, hindi ko alam kung paano pa siya nakakahinga sa nabaling buto ng kanyang ilong! Whoa, amazing!
Umupo ako sa harapan niya para magpantay ang mga mukha namin, tinitigan ko siya, pero takot siyang yumuko at pilit na hindi tumitingin sa'kin...
Nanginginig ang buo niyang katawan... Nakakatawa! Putik, nakakatawa ang itsura niya!Narinig ko pang umugong sa buong madilim na bulwagan ang pagtawa ko nang matapos ako... Ah, parang 'yong napanuod kong horror movie noong bata ako! Hindi ko sinasadyang maging nakakatakot! Nakakatawa lang talaga ang itsura niya!
Huminga ako nang malalim...
"Nah, ikaw!" Tawag ko sa kanya para sana tumitig din siya sa'kin, pero lalo lang siyang yumuko na ikigalit ko. Nasapak ko tuloy siya at tuluyan na siyang nasubsob sa sahig...
Sinabunutan ko siya para pilitin siyang tumitig sa'kin.
"Bingi ka ba? Tinawag kita pero yuyuko ka lang? Ha?!" Madiin na saad ko habang tumatawa. Sinisinok pa siya dahil sa kakaiyak. Kahapon lang ang tapang ng taong ito e. Tsk, iyakin pala!
"Sabihan mo naman ako ng isang linyang hindi nakakasawa! Sige na! Malay mo, magbago ang isip ko." Tsaka ko inginudngod ang pagmumukha niya sa sahig.
"T-t-ta-ta..."
"Ha? Ano 'yon?" Inangat ko ang ulo niya dahil mukhang may sasabihin na siya.
"Tama na." Nanginginig ang boses niya na hindi ko masyadong narinig.
Pota, nakakagalit na 'tong ganito! "Narinig ko na 'yan eh!" At inuntog ko ulit siya sa sahig. "Gusto ko lang naman, 'yong madrama ang linya mo kapag mamamatay ka na! Mahirap bang intindihin iyon? Pare-pareho kayong mga tao! Ghaaa!"
Napagtanto kong pinagsisipa ko pala siya habang sumisigaw. Tumigil ako dahil nahilo ako. Tumingin ulit ako sa kanya at hindi na siya gumagalaw...
Patay na kaya iyan?
Hindi ko pa dapat siya pinatay ngayon! Nakakainis!
Bakit ba palagi na lang ganyan! Sa tuwing nagagalit ako, namamatay nalang sila nang ganyan kadali! Ayo'ko nang magalit!
At pinagsisipa ko pa ang bangkay sa harapan ko na halos lumabas na ang lahat ng dugo sa katawan niya, 'yong tipong parang pinipiga ko siya! Gago 'to e! Wala siyang karapatang mamatay kapag galit ako! Ghaaa!
Nahihingal akong tumigil...
Ililibing ko pa siya...
Nagpahinga lang ako saglit at pinakalma ko ang sarili ko. Nang nahimasmasan ako ay inayos ko na ang bangkay. Sinako ko siya tsaka ko ipinagkasya sa maletang nakita ko lang sa basurahan. Narinig ko pa ang nabali-bali niyang buto habang parang mga damit ko lang siya na isinuksok.
Nilinis ko rin ang lugar. Shit naman e! Bakit ba ang daming dugo ng taong iyon? Abandonadong gusali naman ito kaya walang magkakamaling maligaw dito, isa pa, sa tabi lang nito ay ang sementeryo. Perfect place to kill, actually.
Inayos ko lang naman ang mga buhok, ngipin, kuko at natastas na mga damit na nagkalat para walang magkakamaling detective na banggahin ako sakali mang napatunayan niyang ako ang serial killer matapos ang DNA testing na gagawin niya. Syempre, naisip ko na ang lahat ng iyon. Pero hindi pa naman ako wanted, kaya wala pang detective o mga pulis o mga awtoridad na naghahanap sa'kin. Siguro ay dahil magaling lang talaga akong magtago.
Lahat ng mga napatay ko na ay nakalista lang as "Missing Person". Ibig sabihin, sa mga bangkay na tinago ko, wala pang nahahanap. 'Yong iba kasi sinunog ko hanggang sa naging abo, 'yong iba natunaw sa sulfuric acid na ninakaw ko sa isang laboratory. Tsk...
Pinagulong ko na ang maleta at tsaka ko na lang din ito susunugin sa susunod, baka bukas na lang, tinatamad na ako. Ililibing ko muna siya sa sementeryo...
Nagtungo nga ako doon kasama itong maleta. At inumpisahan kong bungkalin ang lupa...
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbubungkal nang may kung anong ugat ng halaman ang hindi ko matanggal. Kailangan ko ng itak...
Bumalik ako sa gusali para kumuha niyon...
Pero nang pagbalik ko...
May kung anong nilalang ang nakahiga doon sa baba ng binungkal kong lupa... Oo, nakahiga siya at sa kalangitan lang ang tingin, tipong parang isang taong humiga sa kama matapos ang isang nakakapagod na araw at pinagmumuni-munihan ang mga nangyari nang araw na iyon... Hindi ko makita ang mukha niya pero ganoon ang itsura niya...
Naka-jacket siya ng black at naka-hood, naka-itim na pantalon, at itim na sapatos...
Para akong nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ko siya... Pamahiin ba 'to? Nakikita ko ba ang doppelganger ko? Ako na ba ang susunod na mamamatay?
Pero nasagot ang pagtataka ko nang magsalita siya sa bagot na bagot na tono...
"Ilibing mo na ako!"
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...