- - -
"Rant!", paulit ulit kong sigaw. "Si Manang Pinky! Kailangan mo siya para mabuksan ang lagusan!", pagsisigaw ko. Pero sadyang makapal ang dingding na namamagitan sa amin, sigurado akong hindi niya ako naririnig. At sa totoo lang, mahinang 'Bree' lang ang naririnig ko sa mga sigaw ni Rant.
Anong gagawin ko para marinig niya ako?
Natatarantang nilibot ng aking paningin ang bawat sulok ng Box, nagba-baka sakali na may makita akong ni hindi ko alam! Puro libro lang... Nahihilo na naman ako sa kaka-isip! Kailangan kong makalabas dito bago pa man din mahuli si Rant!
Anong ginagawa kasi niya rito? Hindi man lang ba siya nag-isip ng plano? Papatayin siya ni Julius kapag nahuli siya!
Hindi!
Hindi ako papayag!
Hindi ako papayag na may mamatay na naman nang dahil sa'kin!
Ayo'ko na! Ayo'ko nang maalala si Neomi!
Humalindusay ako sa sahig dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko, hindi ko matigil alalahanin ang lahat ng nangyari kay Neomi... Kapag ginawa ulit ni Julius ang mga iyon kay Rant...? Hindi... Please, huwag naman!
Hindi ako makahinga...
Nanatili akong nakatunganga hanggang sa tumigil ang siren at ang pulang alarma.
Agad akong tumayo at idinikit ang aking tainga sa dingding... Anong nangyayari sa labas? Wala akong marinig!
Rant, please, mabuhay ka! Please...
Matagal...
Sobrang tagal ang lumipas na saglit na nakatunganga lang ako, hinihiling na malaman ang nangyari kay Rant...
Paano kung namatay si Rant? Wala dapat akong pake-alam, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko mapigil umiyak... Hindi ko mapigil ang kakaisip kay Neomi!
Nang biglang magitla ako dahil nagbukas ang dingding...
Agad akong nag-angat ng ulo, inaasahang makita si Rant... pero, si Heather ang bumungad. Ang kunwaring 'Mom' ko.
Tumayo ako at nagmamaka-awang kumalambitin sa mga braso niya. "A-anong nangyari sa kanya?"
Walang emosyon niyang winaglit ang mga kamay ko... "Sa kanya?", naka-taas ang isa niyang kilay at naniningkit ang kanyang mga mata. Karaniwang ekspresyon niya kapag nakikita ako.
"Iyong lalaki...?", nag-aalalang tanong ko. Hindi ko pa rin mapigil ang lumuha.
Sumilay ang ngiti ni Heather. Pero kung mayroon man akong natutunan sa pinaka-masakit na paraan, iyon ay hindi siya totoo. Hindi totoo ang kanyang mga ngiti sa akin. Kasuklam-suklam ang mga tingin at ngiti niya sa'kin. Nalinlang na ako minsan sa kanya, akala ko ay siya ang kakampi ko sa mansyon na ito. Pero hindi, may natatago siyang poot sa akin. I must remind her of her dead daughter, that's maybe why.
Hinawakan niya ako at inalalayan paupo sa kama. "Don't worry, darling. He is fine. May kasama siyang babae. Kaya mabuti ang kanyang kalagayan.", malamyos niyang saad habang hinaplos-haplos ang aking likod. Batid kong hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Kailangan ko siyang makita."
"You don't have to. Kaanu-ano mo ba sila?", tinitigan niya ako sa mata na parang nambabanta.
"Kaibigan ko siya. 'Yong lalaki."
Ngumiti na naman siya, abot hanggang kanyang tainga. Hinaplos niya ang aking buhok, inayos niya palikod sa tainga ko.
"Sophia Marie don't have friends.", maalumanay pa rin niyang tukoy. "Hindi kailanman magkakaroon ng kaibigan ang aking anak...", animo'y nag-aalala ang kanyang mga mata.
Gusto kong isigaw sa kanya na hindi ako si Sophia Marie. Pero kung nakakatakot si Julius, mas nakakatakot si Heather. Siya ang tipong bawat kausap niya ay mananahimik lang. Hindi ako nakapag-salita.
"Anak ko, Sofie, walang maitutulong ang mga kaibigan. Isang konsepto lang iyon ng mga taong hindi kayang mapag-isa. You're stronger than any person, darling. Tandaan mo iyan. Hindi mo kailangan ng kaibigan. You're fine alone. Ako lang ang kailangan mo.", at hinawakan niyang mahigpit ang aking mga kamay habang titig na titig sa akin. Umiwas ako ng tingin at halos mapudpod ang aking ngipin sa pagtitimpi.
"Sofie? Anong masasabi mo?"
"T-tama po k-kayo Madame.", ganitong sagot ang gusto niya. Kung hindi ko babanggitin ay magagalit siya.
"Oo, Sofie, makinig ka sa'kin. Mothers know best."
Tumango ako.
"May isa ka pang hindi sinasabi..."
Nagtatakang nilingon ko siya.
"Napatawad na kita sa ginawa mo. Pero you still have to say it."
"A-ano po iyon?"
Nandilim ang kanyang mga mata. "Hindi mo alam?"
Pilit kong inalala... Pero nang hindi siya nakapag-hintay ay malakas na dumampi ang kanyang palad sa pisngi ko. Gaya ng dati kapag may nagagawa akong mali...
"S-sorry po...", agad na bulalas ko. "Hindi na po ako tatakas. Sorry po Madame."
Huminga muna siyang malalim. Hinila niya ako para yakapin at hinaplos-haplos niya ako sa likod. "Ako lang ang kakampi mo Sofie, kaya dapat sumunod ka sa lahat ng sabihin ko. Walang hindi kayang gawin ang isang ina para sa kanyang anak. Napatawad na kita sa mga kasalanan mo. Mahal na mahal kita Sofie, anak.", malamyos muli niyang sambit.
Kahit alam kong hindi totoo ay nasiyahan ako. Ang saya sigurong magkaroon ng ina na ganito. Isa ring dahilan kaya sinusunod ko ang gusto niya. Kahit kaonting pagmamahal lang, baka pwedeng umangkin.
Pero ano nang nangyari kay Rant?
Humiwalay sa'kin si Heather at mabilis na tumayo. Hindi niya ako nilingon paglabas niya ng Box. Sunod na dumating si Manang Pinky dala ang pagkain ko.
Agad akong lumapit sa kanya. Sinigurado ko munang malayo na si Heather. Tanaw ko siya mula sa nakabukas na lagusan hanggang sa nawala na.
"Manang, 'yong lalaking nagpunta rito? Anong nangyari sa kanya?", natatarantang sa wakas ay tanong ko.
Hindi muna siya sumagot at inayos ang mga pagkain, tsaka kama.
"Manang Pinky please... Sabihin mong buhay siya."
Hinarap ako ni Manang Pinky at panay ang iwas niya ng tingin.
"Nasa piitan sila ngayon Miss.", garalgal ang boses niya.
"Buhay siya? Buhay si Rant?"
"Narinig kong papatayin daw sila bukas pagkadating ni Sir Julius."
Kumabog nang milyong beses ang aking dibdib. Kailangan kong makatakas sa lalong madaling panahon!
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...