The Depressed_10: One Wall Away

3.9K 132 3
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Kumain ako.

Sa unang pagkakataon, sa loob ng tatlong buwan ay kumain ako ng mga totoong pagkain. Kanin at ulam.

Napagtanto kong kailangan ko ngang ibalik ang lakas para makapag-plano ulit ako, at maisagawa ang pagtakas.

Nang matapos akong kumain ay saktong dumating si Dok Ferrer para sa check up. Salita siya nang salita tungkol sa sakit ko, pero hindi ko na siya pinakinggan. Siya rin ang doktor sa aking MDD.

Hindi niya alam na minamaltrato ako ng mga nag-ampon sa'kin. Wala siyang alam sa totoong kalagayan ko. Wala akong sinasabi sa kanya dahil pinagbawalan ako.

Ang pagkaka-alam ni Dok Ferrer ay ako si Sophia Marie Celegriña. Ang anak nina Julius Benedict at Maria Heather Celegriña. Ang isa sa mga pinaka-tanyag at pinaka-kilalang pamilya sa Hemetria City.

Totoong tao si Sophia Marie, pero namatay na siya. Narito ako para maging si Sofie. Iyon lang ang dahilan kaya ako inampon ng mga Celegriña. Ipinaliwanag nila sa akin ang lahat na kailangan kong mamuhay bilang si Sophia Marie.

Ang lahat ng mga maid at trabahador dito sa mansyon bago namatay si Sofie ay pinatanggal ni Julius, binayaran at tinakot niya sila upang hindi magsalita tungkol sa pangyayari. Kaya walang nakaka-alam sa munti naming sikreto.

"Iha? Makakatulong sa'yo kapag inilabas mo ang mga nararamdaman mo.", nag-aalalang tugon ni Dok Ferrer.

Hindi ko siya sinagot. Nakatunganga lang ako sa kawalan.

Kaya naman nang mabagot na siya sa katahimikan ko ay bigo siyang umalis.

"Dalhin na kita sa Box, Miss.", agad na sulpot ni Manang Pinky.

Box. Iyon ang tawag sa kulungan ko. Isang box, as the word implies. Walang bintana, walang pintuan. Ang tanging paraan para lumabas at pumasok ay ang high-tech na sliding wall. Kailangang i-scan ang mata ni Manang Pinky, ni Julius, at ni Heather para magbukas ang lagusan. Sabi ko nga, advanced technology.

Walang lakas akong naglakad patungo roon. Minsan ko nang natakasan ang Box na ito, the second time will be sweeter. Sinisigurado kong tatakas ako mula rito!

Dahil na rin sa MDD ko, walang kahit na anong bagay sa loob upang mag-udyok sa'kin na magpaka-matay. Ang mayroon lang doon ay mga libro, at isang kama kung saan ako matutulog. Wala ring computer dahil baka raw kung ano pang gawin ko. Basta puro lang mga libro ang karamay ko.

Noong una ay pumasok pa ako sa paaralan, dahil isang test iyon. Social skills ang test na iyon. Ako nga ang nagta-top sa klase. Ako pa ang naging President ng student council. Pero matapos ang dalawang taon na iyon bilang Grade 7 at 8, dito na ako nabuhay. Tatlong dahilan na lang para lumabas. Una ay ang pa-contest sa Game of the Generals. Pangalawa, kapag tutor time. May nagtu-tutor sa'kin. Masasabing home-schooled ako. Pangatlo, kapag may press-con at family interview ang mga Celegriña. Public show, kailangang maging mabait at perpekto sila sa mata ng mga tao.

Ginagamit niya ako sa lahat. Dahil kapag lumabas sa madla na patay na ang totoong Sophia Marie at may investigation sa kung paano siya namatay, siguradong iyon ang magiging dahilan ng pagbagsak niya.

Hindi ko nga lang alam kung paano ko malalaman ang dahilan ng pagkamatay ni Sofie.

Naiwan na akong mag-isa rito sa Box. Nagmuni-muni ako habang nakahiga at nakatulala sa kisame. This could be a perfect life for someone else. Walang ibang gagawin kundi ganito lang. May pagkain na, bahay, at libro. Bakit ba ako nag-re-reklamo?

Simple lang.

Wala sa tabi ko si Neomi.

Bring Neomi back to me and everything in this world will be tolerable. Kahit pa siguro nagpa-lutang lutang ako sa gitna ng bumabagyong karagatan ay ok lang. Basta kasama ko si Neomi.

I hate my life. I hate my fuckin' life! I hate everything!

Gusto ko nang mamatay!

Nasaan na ba si Rant?

Alam kaya niyang nandito ako?

Alam kaya niyang hinihintay ko pa rin siya?

Dadating ba siya?

Nang bigla na lamang may tumunog na siren, at naging red ang kulay ng aking kulungan!

Napabalingkwas ako mula sa pagkakahiga dahil ganito ang nangyari noong tumakas ako. Parang emergency warning, parang fire alarm, parang red alert sa military!

Anong nangyayari? Nasusunog ba ang mansyon? Hindi ko mapagtanto dahil walang pumapasok na usok dito, na wala naman talaga dapat. Bakit ganito?

Natataranta akong nagtungo sa may sliding wall, kung nasaan ang lagusan. Sinubukan kong hampasin ang dingding gamit ang palad ko. Baka ma-trap ako rito habang may kung anong nangyayari sa labas! Paano kung nagpapatayan na sila roon, tapos mamatay silang lahat? Paano ang pagkain ko? Kung walang pagkain, paano ako magkakaroon ng lakas para makatakas? Paano kung may mga zombies doon?

Ahy teka, nice thinking Bree! Tama lang pala, dahil mamamatay naman ako sa gutom! Tama lang.

Tinigil ko na ang paghampas sa dingding at tatalikod na sana ako para hayaan na lang, nang biglang may kumalabog sa kabilaan!

Nagitla ako!

Kaya naman itinapat ko ang aking tainga sa dingding upang dinggin ang nangyayari...

"Bree!", mahinang dinig ko, pero ang tono ng boses niya ay parang sumisigaw!

Sino iyon?

Dalawang tao lang ang pwedeng tawagin akong Bree, maliban kay Sister Hendra at mga bata sa orphanage na pitong taon ko nang hindi nakikita at nakaka-usap! Dalawang tao lang - si Neomi at si Rant!

Pero boses lalaki...

"Rant?", hindi makapaniwalang bulalas ko.

Paano niya nalaman kung nasaan ako? He is risking his life! Siguradong patay siya kapag nahuli siya!

"Raaaaaant!!!"

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon