The Psychopath_38: Angel of Death

1.7K 65 11
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- - -

"Ako ang anak ng Ares!", sigaw ko sa kanila. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Wala rin akong pake-alam sa anak ng Ares na kanilang tinutukoy. Pero alam kong kapag wala pa akong gawin, si Bree na naman ang magpapaka-bayani para kay Unggoy at sa madre!

This wasn't planned, but I have no choice.

Dalawang baril ang tumutok sa'kin habang papalapit ako sa kanila. Isang lalaki ang tuluyang nakalapit sa'kin at...

Agad kong inikot ang kanyang braso, nabitawan niya ang hawak na baril na dagli ko namang sinalo, ginawa kong human bulletproof ang kanyang katawan nang pagbabarilin nila ako, pero mabilis din akong bumaril sa kanila, isa sa malapit sa'kin, tapos sa may nakatutok ng baril sa madre, at isa sa sumipa kay Unggoy. Bumagsak silang tatlo sa putikan, at ang duguang hawak ko ay inikot ko pa ang leeg dahil sa sobrang pagkagalit ko sa kanila.

"Pumasok na kayo sa loob ng bahay dali!", sigaw ko sa kanila dahil marami pang mga lalaki ang mabilis na nagsisilabasan mula sa van. Pansin kong hindi lang pala iisang van ang naroon sa gate kundi tatlo!

Nakita ko si Bree na tumakbo patungo kay Unggoy, mabilis siyang kumilos para alalayan siya patungo sa loob ng bahay...

Pero...

Hindi na kami nakaligtas nang sunud-sunod na nila kaming pinaputukan ng baril.

Dagli nilang sinara ang pintuan.
Ang mga bata!", bulalas ng madre at agad siyang nagtungo sa kung saan.

Kay Bree ako tumingin, "Anong gagawin natin?"

Umiling lang siya. Dumeretso kaming nagtago sa isang hindi ko na matukoy na dingding.

"Ako na ang haharap sa kanila. Umalis na kayo dito."

"Hindi.", agad na pagtanggi ni Bree, "Hindi kita iiwan!"

"Susunod ako!"

Umiling iling pa rin siya. Doon na nabuksan ng mga kalaban ang mala-narra'ng pintuan ng bahay. Nagkalat na silang lahat. Kapag mananatili kaming magtago dito, pare-parehas lang kaming mabibihag. At baka deretso na nila kaming patayin.

Iniisip ko pa lang ang gagawin at isang lalaki na ang nakahanap sa pwesto namin, agad kong hinila ang kanyang braso at inagaw ang kanyang hawak na baril, pero narinig iyon ng mga kasamahan niya at sunud-sunod na silang nagpapa-putok sa aming direksyon. Humalindusay sa sahig ang katawan ng lalaki, duguan. Nakikipag-palitan na rin ako ng bala.

Potek! Ilang kalabit ko na lang ay siguradong mawawalan na ako ng bala!

"Kailangan na nating umalis!", bulalas ko.

At kumilos na nga kami, patagong lakad-takbong nagtungo sa kusina, palabas sa likod bahay. Habang nakikipag-palitan pa rin ako ng bala.

"Anong plano Bree?"

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon