The Depressed_37: Red Riding Hood and the Wolf

1.6K 66 3
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- - -

Niyakap ko si Rant.

Hindi ko rin mapigilang maiyak dahil sa pagluha niya. It was hard seeing him pleading. Pero wala akong magawa, nanalangin akong sapat na ang yakap ko para mapatahan ko siya.

I know what a normal life means, at gusto ko rin iyon. Minsan na akong nangarap, si Neomi ang kasama ko noong huli akong nangarap at humiling... Humiling sa mga tala na sana magkasama kami hanggang sa pagtanda, na ganoon kasaya!

Pero noong nawala siya, gumuho ang lahat sa akin. Wala akong makitang buhay sa'king hinaharap.

But then...

I met Rant...

Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng ambon, nagmumula ang mga patak sa mga dahon, tila ba nakiki-dalamhati rin ang mundo sa aming nararamdaman.

We're desperate. At kung hindi ko lang iisipin ngayon sina Izak at Yelloe sa kamay nina Julius, hindi ako magdadalawang isip na tuparin ang kahilingan ni Rant, at kahit sabihin pa niyang hindi siya si Kamatayan, naniniwala pa rin akong siya ang Kamatayan ko. Dahil hindi ako mabubuhay nang wala siya.

At kung pipiliin ko mang bumalik, alam kong sasamahan niya ako, but this time it will all be different. Because going back means suicide.

I had suicide attempts, I wasn't afraid...

I'm not afraid of death. Pero takot akong maihiwalay kay Rant...

That thought made the clouds lonelier that they decided to cry more raindrops. Agad kaming humiwalay mula sa isa't isa ni Rant at palihim na sumilong sa ilalim ng gilid ng bahay-ampunan. Magkahawak kami ng kamay habang nakatingin sa ulan. Nababasa pa rin kami sa pwesto namin, pero wala na kaming ibang mapupuntahan.

Hindi pa rin natitigil ang luha sa'king mga mata, at humahalo na ang mga ito sa tubig ulan. Alam kong kahit hindi ako tumingin kay Rant ay ganoon din siya... Palihim na humihikbi.

Dinig namin ang pagbuhos nito, pati ang hangin na dinuduyan ang kakahuyan, pero walang umiimik sa aming dalawa.

Alam kong sinasabi lang ni Rant na gusto niya nang lumayo, pero deep inside he cares... He cares for Yelloe and Izak. I've seen that for the past few weeks, kung paano unti-unting lumalambot ang puso niya sa dalawa naming kaibigan, ayaw niyang aminin pero alam ko. Parehas kami ng nararamdaman. Kitang kita ko sa mga mata niya.

"Tama ka Bree...", ito ang hinihintay kong sabihin niya. Napa-upo siya, nabitawan niya ang aking kamay, at kinusot niya ang kanyang buhok. "Tama ka. Kailangan natin silang tulungan."

Hindi ako umimik nang ganoon katagal, because I know he will figure it all out and say those words. I know him too well.

Umupo na rin ako, habang nakatingala pa rin sa ulan. "Pagkatapos nito Rant, pangako, magpapaka-layo tayo. Sa isang lugar na tayong dalawa lang. Kung saan masaya tayo. Kung saan hindi na tayo magtatago at tatakbo mula kaninuman."

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon