- - -
"Madali lang naman makuha ang pass codes mula sa inyo. Pahihirapan lang naman namin kayo hanggang sa isa sa inyo ay kumanta."Bad breath ampota! Tsaka linya ko ata iyan.
"Sino ang uunahin naming i-torture sa inyo? Ha?"
Torture? Trabaho ko 'yon ah. Saglit nga, sino ba psychopath dito? 'Di ba ako? Putspa, sa tagal ng pakikisama ko kina Bree, Saging at Unggoy, nalaman ko na hindi lang ako ang serial killer sa mundo! Madami pa kami, at mayroon pa palang mas malala sa'kin. Iyong Celegriña na iyon, mas malala 'yon, at iyang mga bugok na iyan na akala mo kung sinong pumorma, pang-action movie ang datingan akala mo naman mukhang tao. Mga hinayupak namang mga pota! Ang sarap patayin!
"Unahin na kaya natin itong lalaki? Ang sama na makatingin eh!", tinadyakan ako ng bugok sa sikmura. Lalo ko lang siyang tinapunan ng tingin.
"Gago, papatayin kita, humanda ka!", I murmured angrily. Sunud-sunod na mga tadyak tuloy ang natamo ko.
Hindi ako makalaban dahil nakabitin ako. Ang mga paa ko ang nasa taas, tila isa akong baboy na kinatay, at nakatali rin ang buo kong katawan sa lubid. Baliktad ang tingin ko sa mundo dahil dito. Maliban na lang kina Bree at Saging na pinagitnaan ako, pare-parehas kaming nakabitin sa paa. Putspa! Wala nang kawala ito!
Basta huwag lang nilang sasaktan ang anghel ko. Isang dapo lang ng daliri sa kanya, magtatawag ako ng bawat demonyo sa impyerno para katayin silang lahat!
"Sinabing huwag kang makatingin ng gayan dahil baka matuluyan kitang gago ka!", bulalas pa rin ng bugok habang ginawa na akong punching bag. Naramdaman ko na rin ang likidong hinala ko ay sarili kong dugo sa aking buong mukha. Nalalasahan ko na rin ang metal sa'king bibig. Nasusuka na rin ako ng dugo!
Okay lang, basta huwag lang talaga ang aking anghel. Huwag lang siya.
"Tama na~~~ kuya manong naman~~ stop turturing fafa Rant! I'm here naman oh~ ugh~ ugh~ torture me na lang with love~ bibigay ko rin virginity ko sa'yo~ mmhh~ aah~"
"Hahahaha! Sex daw kayo oh. Bigay mo kaya itong babaeng ito sa bata?"
Nakita ko ang paghaplos ng isa sa kanila sa katawan ng Saging.
"Ahm~ aahh~~ yes~ that's it baby~ massage my breasts~"
Potek! Huwag lang talaga ang anghel ko!
"Pero mas masarap naman itong isa! Tahimik lang eh. Mahilig pa man din ako sa mga tahimik. Wahahaha!"
Lumapit ang may bigote sa katawan ni Bree at hinaplos nito ang pisngi niya sabay suminghot na parang bang nasasarapan. I can't blame him, masarap talaga ang amoy ng aking anghel... Pero pota, akin lang 'yan!
"Magsitigil ka kung ayaw mong mamatay pota ka!"
Pero pawang mga suntok ang natamo ko mula sa bugok na kanina pa ako pinagdi-diskitahan. Hindi tumigil ang may bigote sa kakahaplos kay Bree.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...