- - -
Hinihingal kong siniko-siko ang nasa gilid ko kung nasaan nagmumula ang kaonting liwanag. Pagkatapos kong sikuin ay inilalagare ko sa bawat sulok nito ang kutsilyong kanina ko pa hawak, iyong ginamit ko rin lang kanina. Paulit ulit kong ginawa ang proseso...
Sobrang naghahabol ako ng hangin. Lalong nagpapa-bigat ng aking paghinga ang paulit ulit kong pagsiko! Ni hindi man lang ito gumagalaw!
Ilang minuto rin siguro akong ganito, lalo na at naninigas na ang buo kong katawan dahil sa sobrang lamig. Pakiramdam ko ay nag-ye-yelo na talaga ako.
Sunud-sunod kong siniku-siko ito, at matapos ang pang-sampu siguro na pagsiko ay nagalaw ito nang kaonti...
Inulit ulit kong muli ang proseso...
Hanggang sa matapos ang milyong oras ay sa wakas bumagsak sa sahig ang mala-plastik, iyong parang nasa Box rin lang na sinira ko.
Dumungaw ako sa butas...
Nasa kabilang parte na ako ng mansyon. Kumbaga kung sa Box ay sakop ng building 1, itong karugtong ng tubo ay nasa building 2 na. Dito kadalasan nagaganap ang mga business meetings at gatherings ng mga Celegriña. Parang isang bahay din lang ito na nasa loob ng malaking bahay. At sa mismong office-library ni Julius ang lugar na ito. Gee!
Mataas ang kinaroroonan ko, kapag babagsak ako sa sahig mula rito, baka may isa o dalawang buto akong mababali...
Dahan dahan ko na lang na ibinabang nauna ang aking mga paa, hanggang sa kalahati ng aking katawan ang nakalabas. At nagpadausdos akong nahulog!
Bumagsak ako sa aking braso at sobrang napadaing ako sa sakit! Nahihingal at nahihilo... Malamig nga kanina pero lalo lang naging dahilan ng lamig ang nag-aapoy kong baga dahil sa sobrang paghingalo ko ng hangin! Tila mahuhugutan ako ng hininga anumang segundo...
Pero pinilit kong bumangon...
Namimilay at pasuray-suray akong naglakad... Nakalabas ako mula sa office-library.
Gabi na kaya siguradong tulog na ang lahat ng katulong... Pero kailangan ko pa ring magtago sa mga sulok, mahirap na. Baka makasalubong ko si Heather. Dito sa parte ng mansyon ang kwarto niya. Pero siguradong tulog na rin siya...
Dahan dahan pa rin akong naglakad dahil na rin sa lahat ng mga sugat ko! Lalo na ang nadaplisan ng baril sa aking kabilang braso.
Parang bang ilang kilometro ang layo ng piitan dahil sa sobrang hilung-hilo ako... Pero kailangan kong gawin ito... Kailangan kong makarating doon. Kailangan kong iligtas si Rant!
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...