The Psychopath_26: Meet the Monkey

2.8K 92 6
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -



CPR. First aid. Kailangan niya ng hangin. Kaya ko siya binugahan ng hangin sa bunganga.

Pero nang pangatlong beses ko na siyang salinan ng hangin ay bigla niya akong hinatak sa batok, dahilan para lalong maidiin ang bibig ko sa kanya. Ipinasok niya rin ang dila sa loob ng aking bibig. Namimilog ang mata ko sa ginawa niya. Pinilit kong kumawala tsaka tumitig sa kanya.

Halatang wala na siyang lakas.

"Rant...", lumuluha ang anghel ko.

"Bree...", mapaklang nginitian ko na siya at binuhat. Nakita ko rin ang madre na nakahalindusay sa sahig. Hindi ko na siya pinansin. Kailangan na naming maka-alis mula rito sa gitna ng apoy...

Niyakap ako ni Bree sa batok habang buhat ko siya, "Rant, huwag mo akong hayaang kunin ni Neomi. Please.", dinig kong saad niya habang pilit akong umiiwas sa mga nagliliyab na apoy. Ang init! Taena, ilang beses na rin akong napaso.

Nang biglang may nakasalubong ako. Dagli siyang lumapit, si Unggoy naman 'to? Anong ginagawa niya rito?

"Anong nangyari? May tao pa ba sa loob?"

"Naroon 'yong madre.", hinihingal kong saad at nilagpasan na niya kami paloob.

Hindi na kumikibo si Bree, dahilan para lalo akong kabahan. Wala na akong makitang daanan palabas, pero kung nakapasok ang Unggoy, siguradong makaka-labas din kami.

Sinubukan ko. Kahit pa kalahati na ng pantalon ko ay nag-uumpisa nang masunog. Ramdam ko pa rin naman sa aking dibdib ang pagtibok ng puso ni Bree. Doon ako kumuha ng lakas sa kabila na rin ng naghihingalo kong hininga.

Nang biglang muntikan na kaming matabunan ng nag-aapoy na kahoy, buti na lang at naka-ilag ako. Pero wala na. Wala na talagang daanan!

"Rant please.", bulong ni Bree.

"Wala nang daanan, anong gagawin ko?", natataranta na ako. Putspa!

"S-si Neomi..."

"Tahan na.", nanginginig ang kanyang katawan, "Nasa kalagitnaan tayo ng apoy pwede ba?!", saway ko sa kanya.

"Gusto niya akong sumama sa kanya..."

"Tsk.", inumpisahan kong sipain ang isang bookshelf na hindi pa naman tuluyang nilamon ng apoy. Hindi iyon gumagalaw.

"I betrayed her..."

Hindi talaga gumagalaw ang bookshelf.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon