The Psychopath_09: Missing Angel, Missed Death

3.9K 140 5
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Nakalusot ako mula sa mga humabol sa'kin na mga pulis. Madali lang namang lamangan sila. Kinailangan ko lang magtago sa mga shadows at hindi na nila ako nahanap. I'm good at this!

Sunod akong nagtungo sa aking lungga, minadali ko pa ang paglalakad dahil mukhang madaling araw na at malapit nang sumikat ang araw.

Pagkarating ko roon ay may mga inaabangan na akong mga naka-motor bike na mga gangsters. Siguradong mga kasamahan ni Perper, tawag ni Bree kay Perguson. Natatawa ako sa kanya, nakakatuwa ang anghel ko! Gusto ko na ulit siya makita, kaya binilisan ko ang pakay...

Nakalusot din ako sa kanila, nagtago ako sa mga anino, at isa pa, wala nang mas nakaka-alam sa pasikut-sikot ng gusaling ito kudi ako lang.

Nakarating ako sa lungga ko. Agad kong in-open ang mga computers tsaka tumipa...

Google map.

Location: Hemetria General Hospital, Hemetria City.

Destination: 49 Zoneville Appartments.

Nagpakita naman agad ang mapa patungo roon. Mabilis kong kinabisado ang mapa, ang mga karatig na gusali, at mga landmark. Nang maalala kong nakarating na rin pala ako sa lugar na iyon. Doon kadalasang naninirahan ang mga iskwater.

May pinatay na akong isa na galing doon. 'Yong lalaking palaging sinasaktan ang kanyang asawa, at nire-rape ang babaeng anak. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, pero ika-pito siya sa mga walang awa kong pinatay at sinunog. That mother fucker is surely burning in hell now. Pinasalamatan pa ako ni Lucifer sa ginawa ko, sigurado. If Lucifer is real...

Well, naniniwala na ako sa mga anghel dahil kay Bree, kaya malay ko 'di ba?

Patago ulit akong lumabas ng aking lungga dahil sa mga nagkalat na gangsters. Tsk, mukhang hindi na ako malayang makakabalik sa lugar na ito. Makikisiksik na muna siguro ako sa lugar ni Bree...

Shit! 'Di na siya natanggal sa isip ko! Putspa!

Nasasabik na ako sa katawan niya!

Andami kong pwedeng gawin sa katawan niya!

Isasako ko siya! Papaluin ng baseball bat habang nasa sako, o, pupugutan ko na lang kaya para may gawin akong bola! Teka... magaganda ang mga mata ng anghel na iyon! Shit! Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang mga mata! Patay na patay ang itsura ng mga mata niya. Walang kahit na anong buhay. Gusto kong ilagay ang mga iyon sa jar at itatabi ko sa pagtulog. Damn, me and my dark desires!

Pasikat na ang araw. Lalo kong itinalukbong ang aking hood sa ulo. Ayo'ko sa araw! Galit ako sa araw! Kainis!

Sumakay na lang ako ng bus para mabilis akong makarating sa Zoneville. Ini-snatch ko 'yong pitaka ng matandang naka-salubong ko. Kinuha ko 'yong pera roon, putspa, da-dalawang libo? Ang kuripot naman ng matandang iyon!

Nang may isang bata ang tumabi sa'kin, naka-bagpack siya ng malaking Barbie, at naka-pigtails. Naka-uniporme pa siya. Mag-isa kaya niya? Maswerte siya. Naisip ko ulit si Red. Kung buhay ang kakambal ko, baka hindi ako naging serial killer ngayon.

"Crush mo ako?", saad niyong bata.

Pinagmamasdan ko pala kasi siya kaya agad akong dumungaw sa bintana, na naiinis.

"May tanong ako kuya...", bulalas niya palapit sa'kin kaya napatingin ulit ako. "Bakit ang sama sama mong makatingin? May problema ka ba kay Mother Earth?", inosente niyang tanong.

"Marami, bata!", walang gana kong sagot.

"Sabi ni Cinderella, 'be kind and have courage', at lahat ng dreams mo, matutupad. At magkakaroon ka rin ng Fairy God Mother!", nakangiti na siya sa'kin.

"Huwag ka maniwala kay Cinderella, nililinlang ka lang niya...", bagot kong sagot.

"Pero noong sinunod ko siya, gumaling ang kuya ko sa cancer... Kaya ikaw kuya, just be kind and have courage. Mawawala lahat ng problema mo.", masaya niyang turan na napa-kunot noo lang ako. "I'm Briana by the way. Bye!", tsaka saktong tumigil ang bus. Tumayo na siya at naglakad kasabay ng mga ibang bababa rin. Nang naka-tatlong hakbang na siya ay bigla siyang humarap ulit at nginitian ako. "Makikilala mo rin ang guardian angel mo, kuya! Sabi mo hindi totoo si Fairy God Mother e. Kaya Guardian Angel na lang..."

At tuluyan na siyang umalis.

Weirdong bata! Kung anu-ano sinasabi!

Nakilala ko na ang anghel ko, kaya hindi ko na kailangan ng guardian angel... Ah, kung tutuusin, hindi ko na kailangan ng kahit ano pa! Basta nasa akin ang anghel ko! Tsk!

Bumaba na rin ako ng bus nang nasa Zoneville na ako. Hinanap ko ang appartment na tinutukoy ni Bree... May mga naka-salubong pa akong mga nag-aaway at nag-rarambulan sa maliit na eskinita... Tsk!

Nakarating ako sa gusali at agad kong hinanap ang number 49 na naka-paskil sa bawat door. Masikip ang lugar, hindi gaya sa lungga ko. May mga bata pang nagsisitakbuhan na lalo pang nagpa-sikip sa pasilyo. Ang ingay ng gusali, umagang umaga!

Pumasok na ako, hindi naman siya naka-lock... damn! Sobrang gulo ng kwarto! Parang dito dumaan si Yolanda! Andaming nagkalat na mga walang lamang cup noodles at water bottles. Walang araw na sumisikat. Madilim. 'Yong totoo? Paano siya nabuhay sa ganitong lugar? May mga nakita rin akong mga bakas ng dugo sa kanyang higaan, kung matatawag pa bang higaan iyan! Taena naman! Masangsang na rin ang amoy ng paligid, hindi ko maipaliwanag, parang basurahan! Nalalantang basurahan...

Wala si Bree... Walang kahit na anong anino niya! Kahit sa banyo, wala!

Shit! Anong nangyari? Akala ko ba siya ang maghihintay sa'kin?

Humiga na lang ako sa kama, at tingin ko, ako na ang maghihintay sa kanya... Kapag wala pa siya hanggang tanghali, iisipin ko nang nahuli siya ng mga pulis...

And then what?

Anong gagawin ko kapag nahuli nga siya?

Shit! Napa-balingkwas ako mula sa pagkakahiga...

Kailangan kong bumalik ng Police Station!...

- - -
▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon