The Depressed_12: Print the Blue Plan

3.7K 117 2
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


📌•••

🔷Plan A🔷

🔹Step 1. Kunin ang kutsilyo mula sa tray ng pagkain na dinala ni Manang Pinky, huwag ipahalata.

🔹Step 2. Pagka-alis ni Manang Pinky, ayusin ang mga libro, pagpatung-patungin upang maabot ang kisame kung nasaan ang air-con. Para mas mabilis, maaaring isa-ayos ang kahit isang bookshelf, tumbahin sa tapat ng air-con, tapos ipatong muli ang mga libro.

🔹Step 3. Sirain ang air-con. Gamitin ang kutsilyo. Dito mahihirapan sapagkat dekalidad ang air-con at hindi basta-basta nasisira. Ilang oras ang gu-gugulin dito (kung tutuusin ay kinakailangan ng halos tatlong araw upang maisagawa ang paninira, if I consider the fact that someone might come in here, at matuklasan ang pakay).

🔹Step 4: Kapag nasira na, tanggalin ang buong kabuuan ng air-con. Sa likod nito ay ang masikip na tubo (hindi ko alam kung magkakasya ang aking katawan, bahala na). There's also a question as to where the tube leads or if there's a way out through the tube.

🔹Step 5. Kung mayroon ngang lalabasan ang tubo, dumeretso sa piitan, kay Rant...

📌•••

🔷Plan B🔷
(In case Plan A fails)

📍Padalhan ng sulat si Rant. Siguraduhing kahit basahin ni Manang Pinky ay hindi niya maiintindihan. Then, pray... Pray to all the gods out there that Rant gets the code. May pagka-timang pa man din iyon!📍

•~🔹~•




Iginuyod ko ang kutsilyo sa gilid at bawat sulok ng air-con.

Back-and-forth, back-and-forth...

Kahit papa-ano ay lumuluwang naman. Ang problema lang ay nakapatong ako sa dalawang stack ng mga libro, nawawalan ako ng balanse, at nangangawit. Ang sakit sa kili-kili at balikat, bawat segundong lumilipas na inaabot ko ang kisame ay pabigat nang pabigat ang aking katawan. Kapag kaonting magpapahinga at lilingon sa baba ay nahihilo akong parang umiikot ang sahig. Napapa-pikit na lang ako kapag ganoon, sabay hingang malalim. Tsaka ko uulitin ang proseso...

Back-and-forth, back-and-forth...

Nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking batok dahil sa naka-angat kong ulo, kung kaya ay natigil na naman ako. Naghahabol na ako ng hininga, nahihilo... Hanggang sa nawalan akong tuluyan ng balanse at bumagsak ako sa sahig, pati ang mga libro ay nagulo. Ang aking kaliwang tuhod ay tumama sa sahig, sobrang kumirot! Kaya napahiga muna ako, habang hawak hawak ang duguan kong tuhod. Impit akong napapadaing sa sakit, kinagat ko pa ang aking labi. Geez! The things I'd do to save Rant!

Kailangan niyang makatakas! Kapag dumating si Julius at hindi pa siya nakatakas, siguradong wala na siyang pag-asa. Imposible kasing maintindihan ni Rant ang sulat ko, kaya gagawin ko na lang ito na mag-isa...

Ipinadala ko ang sulat na iyon para humingi na rin ng tulong, at para iparating sa kanya na nandito ako. Maaari din kasing hindi niya narinig ang mga sigaw ko kanina. Kapag nalaman niyang nandito ako, at least, sigurado akong susubukan niyang tumakas. Sigurado ako, dahil may gusto siya sa'kin. Hindi naman siya pupunta rito kung wala siyang gusto sa'kin 'di ba?

Gusto niya akong patayin, I mean...

At isa pa, nagka-sundo na kami. Nakipag-kasundo na ako kay Kamatayan. Sa kanya ako! Kaya babalik ako sa kanya... Dapat!

Wala akong sinayang na segundo, tumayo ako at namimilay na isina-ayos muli ang mga libro. Dahan-dahan akong pumatong, kinukuha ang balanse. At nagbalik ako sa dating gawa, hindi na iniinda ang sakit...

Malapit ko na siyang masira, paubu-ubo na rin ako dahil kanina pang deretso sa aking mukha ang malamig na hangin...

Hanggang sa tuluyang lumuwag ang mga gilid. Namamanhid na ang mga kamay ko, may hibla na rin ng pasa at dugo ang aking palad... Pinilit kong hilain ang bagay kung saan lumalabas ang hangin, kinailangan ko ng lakas at paulit-ulit na panghihila!

Nang mahila ko nga ito ay siya namang nahulog muli ako, natabunan pa ako ng mga libro. Naramdaman ko ang mas malakas at mas malamig na hangin na lumalabas na ngayon sa butas... Mabilis kong inayos ang mga papatungan, tsaka ko sinilip ang nasa loob niyon...

Sobrang lamig na hanging lumalabas, parang kapag in-open ang freezer! Bahala na! Kapag namatay man ako habang nasa loob ng tubo na iyan, edi maganda...

Huminga akong malalim.

Pumunta ako sa closet at nag-suot ng makapal na itim na jacket, sinuot ko ang hood. Naka-damit pa rin ako ng puting hospital dress ('yong pang-pasyente, ito 'yong suot ko kanina pa). Inayos ko ang mga libro at dinagdagan pa ang tayog, ginawa kong hagdan ang mga iyon upang makapasok ako sa square na tubo. Dagling ang malamig na hangin ang humampas sa aking mukha... Masikip at madilim, waka akong makita... Pero susundin at pakikiramdaman ko lang naman ang direksyon ng tubo kaya hindi ko kailangan ng flashlight, wala rin naman ako niyon. Kinuha na rin nila ang cellphone ko na ninakaw ko lang naman dati.

Nakadapa akong sumukot sa kadiliman ng tubo, hindi ko alam kung saan patutungo, hindi ko alam kung may lalabasan, hindi ako sigurado sa mangyayari.

Padalas at papalakas din ang aking pag-ubo dahil sa bawat galaw ko paurong ay papalamig nang papalamig... At sa totoo lang, tingin ko ay numinipis din ang oxygen, dahil hinihingal na ako at naghahabol ng hininga. Parang akong nasa ilalim ng tubig at nalulunod! Even the beating of my heart became so loud and fast, alarming my whole body that I need to breathe oxygen!

Geez! Ito na marahil ang katapusan ko...

Maybe trying to save Rant is my death, after all...

Pero pwede bang humiling ng kaonti bago mamatay? Pwede bang hilingin kong makita ulit ang mga mata niya?

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon