The Depressed_26: Meet the Monkey

2.7K 84 3
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Gumilid lang kami ni Rant. Dito mismo sa ilalim ng puno. Pilit ko pa ring binabalik ang aking lakas, naka-akbay siya sa'kin at nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat, habang pinapanuod namin sina Father Gomez at Yelloe na pinapatahan ang mga umiiyak na bata. Gusto ko mang tumulong pero sadyang nanghihina pa rin ako. Wala akong magawa kundi manuod lang.

Naaninagan ko ang isang pamilyar na lalaki na lumabas mula sa nag-aapoy na bahay. May buhat siyang dalawang bata. Halos hindi ko siya nakilala dahil tila naging uling na ang kanyang kutis, at mukhang nasira na rin ang kanyang salamin, pero napagtanto kong si Izak iyon.

Dagling lumapit si Father Gomez sa kanila. Hindi namin marinig ni Rant ang kanilang mga boses, dahil na rin medyo malayo kami at sa lakas na rin ng iyakan ng mga bata, at ang huni ng nagliliyab na apoy at narurupok na mga kagamitan.

Tingin ko naman ay tumawag na sila ng bombero, at paparating na sila.

"Rant, tulungan mo si Izak.", paubu-ubo kong utos sa kanya.

"Hindi kita iiwan dito."

"Mas kailangan ka nila doon.", pinilit kong tumayo para lapitan ang wala pa ring malay na si Sister Hendra. Nakasandal siya sa 'di kalayuan. Walang nag-aasikaso sa kanya dahil marami ring iba ang nangangailangan ng paunang lunas.

Hinila lang ako ni Rant dahilan para mahulog ako sa bisig niya, "What the hell?"

"Si Sister Hendra. 'Yong mga bata. Rant please. Help them.", pagmamaka-awa ko.

Kumunot noo lang siya. Alam kong hindi ito ginagawa ni Rant. Alam kong siya si Kamatayan, and helping people is not on his vocabulary. Pero... mahalaga sa'kin ang bahay ampunan. Dito nangyari lahat ng ala-ala namin ni Neomi. At ang mga bata, nakikita ko ang sarili sa kanila. May dalawang bata pa nga doon na nagyayakapan at iyak nang iyak dahil malamang sa takot.

"Help them Rant."

Umiwas siya ng tingin. At lalo lang akong idiniin sa kanyang bisig. Nanahimik muna siya, kaya naman pinilit kong kumawala. Kung ayaw niya, ako na lang. Kailangan kong tumulong...

"Sige na nga. Dito ka muna. Huwag kang aalis diyan!", saad ni Rant bago siya nagtungo sa tabi nina Izak at Father Gomez.

Ilang saglit pa ay sabay nang pumasok sa loob ng apoy sina Rant at Izak. Kinabahan ako para sa kanila, paano kung hindi na sila makalabas? Napailing ako, ibig sabihin lang din niyon ay may mga bata pa sa loob, mas lalo lang akong nanlulumo para sa mga bata.

Walang lakas kong nilapitan si Sister Hendra. Niyugyog ko siya. Pinakinggan ko ang kanyang dibdib, buhay pa naman siya. Pero kapansin pansin ang sunog sa kanyang braso hanggang hita, sunog na balat at kumukulong dugo, napapapikit na lang ako dahil halos masuka ako sa kanyang sinapit. Magkasama lang kami pero bakit mas malala ang sunog sa kanya? Sa katunayan ay wala pa nga sa'kin.

Rant must have been just in time to save me.

May dalawang babae na ang nakahalata sa amin at tumulong kay Sister Hendra. Wala naman akong maitutulong, kaya lumapit na lang ako sa ibang mga bata na wala ring malay. Pero hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Maraming mga nasunog sa kanila, sa iba't ibang parte ng kanilang katawan, nakahalindusay lang sila dito sa bermuda grass. Ang dating hardin ng mga bulaklak ay tila naging hardin na ng mga walang malay at sunog na mga bata.

Bakit ba antagal ng mga bombero, lalo na ang mga ambulansya?!

Niyakap ako bigla ni Yelloe, napagtanto kong nanginginig pala ako dahil sa pag-iyak. "It's ok Bree~ huhu~ I can not look at them like this ~ huhu~ they were so masigla at masaya lang na naglalaro kanina~ and then this happened~ huhu.", umiiyak din talaga siya.

"T-tumawag na b-ba kayo ng - "

"Father Gomez already did but it's been almost an hour and no one is here yet!"

"A-anong n-nagyayari?", nagagalit na ako, bakit antagal ng mga inaasahan naming tutulong?

Natigil kami ni Yelloe nang narinig naming sumigaw si Izak, may tatlong bata na siyang buhat, habang dalawa ang kay Rant. Ibinaba nila sila sa damuhan habang agad silang inasikaso ni Father Gomez at ilang mga matatanda.

"Ilan pa? Ilan pa ang kulang sa kanila?!", tarantang bulalas ni Izak.

"Hindi ko alam. Pero siguradong marami pa sila sa loob.", sagot ng isang babae.

Saglit na nagkatitigan kami ni Rant, hinihingal na siya, at mukhang pagod. Pagkatapos ay tumalikod na siya at muling sinuong ang apoy.

Ilang beses din nilang ginawa iyon. Labas pasok sa apoy.

Makalipas ang ilan pang oras ay tsaka dumating ang mga bombero at ambulansya. Inumpisahan nilang sabuyan ng tubig ang apoy, at ang mga galing ambulansya ay mabilis na binigyang lunas ang mga sugatan at walang malay. Nakikitulong na rin kami ni Yelloe kung mayroon man kaming maitutulong.

Hanggang sa nakarinig ulit kami ng malakas na wangwang. Pero... kinabahan ako dahil mga sasakyan ng pulis ang nagsipagdatingan!

Agad kong hinanap si Rant sa gitna ng mga tao... Pero hindi ko siya mahanap, baka nasa loob pa siya ng apoy?

Hindi pwede!

Kailangan na niyang lumabas...

Natatarantang lumapit ako kay Father Gomez, "Nasaan po si Rant? 'Yong kasama naming lalaki? "

"Nasa loob pa sila. Kanina pa sila doon pero hindi pa sila lumalabas!"

No! Masyado akong nabahala sa mga bata na hindi ko namalayan...

"Kanina pa?", hindi ako naniniwala. Baka limang minuto lang naman.

"Oo! Mag-iisang oras na silang hindi lumalabas! Nag-aalala na rin ako!"

Napa-iling na ako, namimilog ang aking mga mata dahil sa kaba... Nandito na ang mga pulis, nasa loob pa si Rant at hindi ko alam kung ligtas pa ba siya o hindi. Anong nangyari sa kanya? Kailangan na niyang lumabas!

Napapikit ako. Everything is in chaos. My heartbeat is in a race. I don't know what to do!

"Raaaaant!", hindi ko napigilang tawag sa kanya.



- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon