The Depressed_14: Fire, Water, Seashells

3.5K 115 4
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

"Siguradong may kung sinong nagpaliyab ng apoy dito sa may kusina.", saad ng isa sa kanila.

Nagtatago kami dito sa loob ng isang malaking cabinet kung saan pilit na nagkasya kaming tatlo.

Lalo lang na kumakabog ang dibdib ko dahil nasa harapan ko mismo si Rant at halos magdikit ang labi namin sa sobrang sikip ng espasyo. Ramdam ko tuloy ang kanyang hininga na amoy metal, amoy sariwang dugo, malamig, pero kapag dumarampi sa pisngi ko ay tila napapaso ako. Minty.

"Tumigil ka nga sa pagtulak sa'kin!", mahinang bulalas niya kay Minion na nasa kanyang likod.

"Kiss her, kiss her, kiss her!", paulit ulit naman na bulong niya na parang cheerleader.

Naka-kunot noo si Rant na talagang hindi na maitago ang pagka-inis. Ang dalawang braso niya ay kinukulong ako, naka-hawak ang palad niya sa may likuran ko, upang kahit anong panunulak ni Dilaw sa kanya ay hindi siya bumabagsak sa'kin.

Siya si Kamatayan, kaya siguro ganito ang aking pakiramdam. Hindi ko mapigil ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Paulit-ulit akong napapalunok sa tuwing hindi ko sinasadyang mapatitig sa mga labi niya. Iniiwas ko ang paningin sa kanya.

"Bree?"

Nagitla ako! Kaya napatingin ulit ako sa kanya. Kumurap-kurap siya nang magtama ang mga mata namin.

"B-bakit?"

"Papatayin-"

At bigla na lang na dumampi ang labi niya sa gilid ng labi ko!

Hindi ako nakagalaw...

"Shit, ano ba Saging?!", pabulong na bulalas niya nang agad siyang lumayo.

Napakurap-kurap na lang ako, at napahawak pa ako sa aking dibdib, baka sakaling mapaki-samahan ko ang bagyo sa loob.

Nang biglang may kung sinong sumigaw mula sa labas ng cabinet...

"Kailangan namin ang tulong ninyo! Nawawala ang mga bihag, at pati na rin si Miss Sophia! Kailangang halug-hugin ang mansion! Patay tayong lahat nito kay Sir Julius kapag hindi natin sila nahanap!", natataranta ang sigaw ng lalaking iyon.

Kumaliskis ang kanilang mga yapak sa sahig, natataranta, at nagsisitakbuhan...

Ilang saglit pa ay namayani ang katahimikan...

"Ayiieeh~", biglang basag ni Dilaw. "May naghalikan, first kiss, ayiieeh~"

"Papatayin ko na ba 'to?", bulong ni Rant sa'kin.

"Babe naman, mami-miss mo ako niyan, huwag mo akong patayin ha?", nasulayapan ko ang kamay niyang pumulupot sa baywang ni Rant.

"Patayin mo na siya!", hindi ko napigilang bulalas. Mejo nainis ako.

"No! Please don't!", bulalas din niya sabay labas ng cabinet.

Sumunod na lumabas si Rant, at gumapang din ako palabas...

Tumayo akong namimilay, at hinahabol na ni Rant si Dilaw sa buong sulok ng kusina. Wala na ang mga katulong, at hindi ko rin alam kung bakit natatawa akong pinapanuod sila. Para silang mga bata...

Naalala ko si Neomi. Kapag gabi ay ganyan kami magtakbuhan...

Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa painting.

"Tama na 'yan!", baling ko sa kanila dahil hindi ko maigalaw man lang painting.

Hawak hawak na ni Rant si Minion...

"Don't kill her!", agad na saad ko.

Lumingon sa'kin si Rant na nagtataka... "Bakit?"

"Kailangan pa natin siya."

Binitawan naman siya ni Rant at sunod na lumapit sa'kin. Ang painting ang sunod niyang pinag-diskitahan...

"Thanks uniiee~", sambit ni Minion sa'kin sabay yakap pa. "You're such an angel, but you're a demon kaninang sabi mo patayin niya ako. But I forgive easily, because, I want to make love love lang to all the people here on Earth...", sabay ikiniskis niya ang ulo sa dibdib ko. "You're flat, but this is soft too...", nakatawa niyang saad. Geez!

Si Rant na ang humablot sa kanya at inilayo sa'kin, paglingon ko ay wala na ang painting at isang butas na ang naroon. Pagdungaw ko sa loob ay parang amoy maalat ang humahampas na hangin, amoy dagat.

"Wag mo ngang harasin si Bree. Akin lang siya!", pinandilatan niya si Dilaw.

"Bahala kayo diyan.", kako na lang sabay akyat sa may butas. Tinulungan ako ni Rant nang paulit-ulit akong nahuhulog. Binuhat niya ako sa baywang at itinaas. Naka-akyat ako.

"Tsk, weak.", he commented.

"Buhatin mo rin ako!", sunod ni Dilaw. Mas maliit siya sa'kin kaya siguradong mas magaan siya. Binuhat din siya ni Rant habang hinila ko siya sa kamay.

"Thanks babe, thanks Angel!", nakangiti niyang titig sa'kin.

Nauna na siyang maglakad, at hinintay ko lang si Rant bago ako sumunod sa kanya.

Nag-umpisa kaming luminyang naglakad dito sa tunnel...

Malayo-layo pa pala ang labasan nito, at sobrang dilim pa. Tanging ang palad ko sa gilid ang paraan ko para mapakiramdaman ang daanan.

"Dapat pala ilaw ang dinala natin.", si Minion.

Nag-echo pa ang boses niya sa buong tunnel...

"Gaano ba kalayo ang tunnel?", tanong ko.

"Malapit lang ang alam ko..."

Ilang hakbang pa ay may naririnig na akong tubig na humahampas...

At hindi nga nagkamali si Minion, ilang hakbang pa ulit ay may kaonting liwanag nang sumilay sa dulo ng tunnel...

Kumabog na naman nang maraming beses ang dibdib ko, excited na akong makalabas!

"Opz, watch yourself, madulas ang daan..."

Minion warned too late, kasi nadulas na nga ako at lumanding ang likod ko sa katawan ni Rant.

Kaonting liwanag lang pero naaninag ko ang mga malalalim niyang kulay gintong mga mata na tumitig sa'kin, na ngayon ay tila nandilim lalo...

"Kanina ka pa ah!", reklamo niya.

"Pfft...", singhal ko lang at nagpatuloy akong maglakad pero...

Bigla akong binuhat ni Rant. Pang bridal-style!

"Waaah! Bitawan mo ako!", pagpupumiglas ko.

"Ahy grabe sila, gusto ko na rin talaga ng boyfriend! Huhu...", mangiyak-ngiyak na sambit ni Dilaw nang lingonin niya kami.

Hindi na ako naka-angal pa dahil aminado akong wala na rin akong lakas at kanina pa umiikot ang aking paningin...

Hawak hawak ko na lang ulit ang dibdib ko, baka kasi sa sobrang pagtibok nito ay biglang mahulog... Geez!

Nakalabas kami mula sa tunnel.

At sumilay ang napaka-daming tala sa kalangitan, mga nahuhulog at nagsasayaw na dahon, at ang kulay asul na dagat...

Nasa isang matayog na bangin kami...

- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon