The Psychopath_24: Tie the Monkey

3.2K 101 2
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Hinanda ko ang sarili. Kapag isang beses na hakbang na lang ang layo ng kumag na iyan, susunggaban ko na siyang parang tigre na nakahuli ng unggoy!

Psh, apat lang naman sila. Kayang kaya ko naman. At kung maglabas man sila ng baril, papatayin ko na lang sila kaagad. Babasagin ko ang mga bungo nila! Lalo na ang kumag na may apat na mata, pananalita pa lang niya, sadyang ayo'ko na!

Tatlong hakbang...

Dalawa...

Isa!

"Ayo'ko na!"

Pinigilan ko ang sariling magpakita. Tumigil din ang kumag at tumalikod mula sa amin. Narinig ko pa ang anghel ko na bumuga ng hininga. Kinabahan siguro siya.

"Ha? Pinag-sasabi mo Kent?", 'yong kumag ang nagtanong.

"Wala naman tayong mapapala rito! Itigil na natin ito!"

"Anong wala? Malapit na nga natin silang mahanap!"

Tanging ang dalawa nilang kasama ang hindi umiimik.

"Palagi mo na lang sinasabi iyan! Tama na nga! Ilang gabi na akong walang tulog, hinahanap na ako sa amin! Hindi ko na alam kung anong idadahilan ko!"

"Kapag natapos natin ito, maiintindihan din nila."

"Ah basta, ayo'ko na. Pagod na ako. Ayo'ko nang magpaka-detective. OJT lang naman tayo ah. Bahala na nga kayo diyan!"

Nakarinig ako ng padabog na mga yapak.

"Kent, 'wag mo naman kaming iwan!"

Saglit na nanahimik sa pagitan nila.

"Ano? Kayo rin?", naiinis na bulalas ng kumag.

Walang sumagot.

"Kung gusto niyong sumama sa kanya, sumama kayo!"

"Izak, wala na kasing daan dito eh."

"Parang pinipilit mo na lang."

"Hindi niyo ba nakita? 'Yong sasakyan na nakaparada doon kanina, at 'yong nagsabing nanakaw ang kanyang sasakyan doon sa parking lot, tumutugma siya. Sigurado akong dito nagtungo 'yong pumatay kay Congressman!"

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon