▶️Now Playing: Sa'yo by Munimuni
Flashback...
(10 years old Bree)"Bree! Gising!"
Nagising ako dahil sa pagyugyog sa'kin. Pagmulat ko ng mata ay ang nag-aalalang itsura ni Neomi ang sumalubong.
"Ano na naman?", walang gana kong tanong at kumubli pa ako sa sa ilalim ng kumot ko.
"Ano ka ba? Akala ko ba gusto mong makakita ng shooting star?", mariing bulong niya sa tainga ko na nakiliti pa ako.
"Ikaw lang ang may gusto niyon.", kunwaring inaantok ko pang saad.
"Akala ko ba gusto mo ring mag-wish... Halika na! Tara na!", palakas na palakas ang bulong niya.
"Kapag nahuli tayo ni Sister Hendra, ikaw bahala!", naiinis kong bulong pabalik sa kanya.
"Hindi tayo mahuhuli. Dadaan tayo sa secret passage!", nasisiyahan niyang pagpupumilit.
Wala akong nagawa kundi ang magpati-anod sa kanya. Dumaan nga kami sa isang madilim na pasilyo, kung saan hindi gaanong nadaraanan ng mga tao. Tingin ko, si Sister Hendra lang ang dumadaan dito. Nakakatakot kasi siya, lalo na kapag gabi. Iyong belo niyang puti na kumikinang sa ilalim ng sinag ng buwan na sumisilip sa bintana - malalaki kasi ang mga bintana dito sa bahay ampunan, masyadong maka-luma at mukhang panahon pa ng mga Espanyol ang disenyo - ay sadyang nakakatakot tingnan! Minsan, nahuli na kami ni Neomi sa mga kababalaghan na ginagawa namin tuwing gabi kaya takot ako sa belo niya! Takot na akong mahuli, kami kaya ang pinaglinis niya sa maduming abandonadong swimming pool! Ayo'ko nang ulitin iyon. Pero nabalitang may meteor shower na magaganap ngayong gabi, kaya heto na naman kami. Hindi ko naman matiis ang bestfriend ko!
Pareho kami mag-isip e. Pareho kaming hindi makatulog tuwing gabi kaya kung anu-ano ginagawa namin. Minsan tinakot namin iyong bisitang Pari na galing Malaysia, nakakatawa iyon!
Nakarating kami dito sa bubong, at gaya ng inaasahan namin, nakangiti ang buwan at sobrang daming stars! Ngayon lang kami nakakita ng ganito kadaming bitwin!
"Sabi sa'yo e! Napakaganda 'di ba? Pinagsisihan mo sana ito kung hindi tayo pumunta!", masayang tukoy ni Neomi habang nakatingala sa langit.
"Sobrang ganda nga!", pag-amin ko.
"Kailan kaya magaganap ang meteor shower?"
"Dito na lang tayo hanggang umaga para hindi natin makaligtaan...", sagot ko naman sabay humiga ako. Yari sa bricks ang bubong ng bahay, iyong parang bubong noong unang panahon. Humiga rin si Neomi sa tabi ko, malapit lang sa'kin na nagka-banggaan ang mga braso namin.
"Dito na lang tayo habang buhay...", bulong niya na saktong sumabay sa pag-ihip bigla ng malamig na hangin. "Ang lamig!", reklamo niya.
Tumawa lang ako. "Giniginaw ka na nga, tapos habang buhay?"
"Pwede rin namang, sana habang buhay tayong ganito...", maalumanay niyang sambit.
"Ano naman? Habang buhay na giniginaw?", sarkastiko kong pag-kontra.
"Habang buhay na magkasama!"
Nilingon ko siya pero nakatingin na pala siya sa'kin kaya nagtama ang mga mata namin. Uminit ang pakiramdam ko. Sa kabila ng malamig na hangin ay sapat nang pampa-init ang mga mata niya. Nakangiti siyang lumingon muli sa mga bitwin.
"Oh!", pansin ko. "Shooting star!", hindi ko makapaniwalang bulalas.
"Oo nga! Pikit ka at mag-wish!", utos niya.
"Pero nasabi mo na ang wish ko.", nakatawang tukoy ko.
"Oh sige, meteor shower naman e, madami pang susunod..."
"Ikaw a, mag-wish ka!", paalala ko.
"Iyon din ang wish ko...", nginitian niya ako.
At nagtawanan lang kami. Hinintay namin ang mga susunod pang mga shooting stars habang kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, kadalasan ay iyong mga pangarap naming dalawa - iyong isang masaya at mabait na pamilya ang mag-aampon sa aming dalawa.
Iyon nga sana ang isusunod naming iwi-wish pero... wala na kaming nahintay. Isang shooting star lang ang nagpakita. Pero masaya pa rin kami, at kontento noong gabing iyon... dahil punung puno kami ng tiwalang matutupad ang tangi naming hiling...
Hindi ko namalayang natapos na pala ang kanta at tanging ang patak ng ulan na lang ang namayaning tugtog. Nakatulala lang ako sa kawalan, gaya ng dati. Nakalimutan ko pansamantala ang kalagayan ko. Ang una kong naisip na hablutin ay isang matulis na bagay, iyong sobrang matulis na kayang kaya akong saktan, at gisingin...
Hindi ako makaka-alis sa kawalan na nararamdaman kong ito hangga't hindi ko naibabaling sa pisikal na sakit! Inikot ko ang paningin para baka sakaling makahagilap ako ng aking hinahanap. Nakita ko si Rant na nakatulala rin. Wala... walang kutsilyo rito...
Kaya sunod kong pinag-uuntog ang ulo ko sa bintana! Papalakas nang papalaks sa bawat pagbangga!
Nakaramdam na ako ng pagka-hilo nang pigilan ako ng katabi ko... Hinila niya ako!
"Stop! You're killing your-"
"That's the point, idiot!", at tumigil na ako. Hawak na kasi niya ang buo kong ulo...
"I now forbid you to listen to that song!", bulalas niya kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin, habang salukap pa rin niya ang magkabila kong tainga, at titig na titig siya sa'kin.
Gustung gusto ko ang mga mata ni Rant. Ganyan na ganyan ang mga mata ni Neomi.
"You can't forbid me! Iyon na lang ang tanging ala-alang meron ako na gusto kong maala-ala!", depensa ko.
Kumunot ang kanyang noo.
"Iyon na lang ang tanging paraan ko para matigil akong mag-self harm.", dagdag na paliwanag ko.
"Para matigil? E as soon as matapos ang kanta, sinasaktan mo ang sarili mo!"
"Natapos e!", reklamo ko.
"Edi sige! Paulit-ulit mong pakinggan hanggang sa magsawa ka!", naiinis na naman niyang sabi.
Hindi ako nagkamali. May anger management issue ang Kamatayan na 'to!
"Whatever!", at pilit akong kumawala mula sa kanya...
Nang bigla na lang na may kumatok sa may bintana. Nagitlang napalingon kami ni Rant!
Pulis!
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?! Pambihira naman o!"
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...