- - -
Hindi ko maiwasang tumingin sa hibla ng tela na nakapalibot sa noo ng Unggoy. Paanong nangyaring nabuhay pa ang kumag? Inalis ko na lang sa isip ang inis.Madaming mga bata ang na-trap sa loob ng isang silid. Dahil sa mga nagliliyab na apoy ay ni hindi ko na alam kung saang parte ng bahay ang lugar. Sobrang init. Sobrang nakakapaso. Pakiramdam ko, pati pawis ko ay kumukulo. Pati nga siguro dugo ko, kumukulo na, literally.
"Kailangan nating pumasok sa loob!", bulalas ng kasama kong unggoy.
Kumunot lang lalo ang noo ko sa kanya. Gusto ba niyang masunog? Kapag papasok kami diyan, walang kasiguraduhan na makakalabas pa kami! Taena, walang atubiling bigla siyang lumundag paloob! Hindi ko alam kung matapang siya o sadyang tanga lang.
Hindi ako papasok diyan!
Isang maliit na butas lang iyon paloob, napalibutan ng apoy.
Lalo akong napamura nang tumakbo pa paloob ang unggoy at hindi ko na siya makita! Taena naman! Seryoso? Susu-ungin niya ang apoy para lang sa mga bata? Magkakaroon pa naman ng maraming bata sa mundo ah! Anong pake-alam ko sa mga batang iyan?!
Nang hindi ko na lang namalayan na tila may kung sinong tumulak sa'kin. Nahulog ako sa loob ng butas, nauna pa ang mukha kong nasubsob sa sahig. Agad akong lumingon sa aking likod...
At sigurado akong kahit sa kabila ng nakapalibot na apoy ay mayroon talagang tumulak sa'kin! Anino ng tao. Lalo akong nataranta nang may kung anong nag-aapoy na bagay ang tila mahuhulog, agad akong napatakbo palayo, at... Fuck! Wala nang butas! Tanging apoy na ang tumakip!
Inikot ko ang paningin. Hindi pa naman gaanong nagliliyab dito sa loob ng silid. Tanging iyong butas lang, at mangilan-ngilan sa mga pader. Agad kong hinanap si Unggoy.
"Tahan na mga bata. Makakalabas din tayo rito.", hinihingal niyang sambit sa mga umiiyak na bata. Pitong paslit. Damn it, paano namin ilalabas lahat iyan?
"Wala na 'yong butas doon. Kailangan nating maghanap ng ibang lalabasan.", hinihingal ko ring salubong.
Halatang konti na lang ang hangin dito. Hindi kami magtatagal sa nipis ng hangin!
Luminga-linga si Unggoy sa paligid. At nag-umpisa siyang maglakad. Wala akong magagawa kundi sumunod sa kanya. Nasa gitna namin ang mga bata.
"Hindi na tayo makakalabas sa may harapan ng bahay. Sa likod na tayo.", paliwanag ng unggoy.
Wala akong alam sa bahay ampunan na ito kaya malamang, pagkakatiwalaan ko na muna siya.
Natigil kami nang wala na kaming madadaanan dahil sa apoy. Maliban na lang sa may gilid, nakahanap siya ng kaonting butas, kinakailangang dumapa upang makapag-patuloy.
"Dito muna kayo, titingnan ko kung may madadaanan sa kabila nito.", saad niya at naghintay nga kami.
Habang wala akong magawa kundi ang mairita sa kakaiyak ng mga bata!
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...