- - -
Nagka-titigan kami ni Rant. Alam ko ang mga mata niyang ganyan. Iyan ang mga nakita ko noong inilibing niya iyong maleta sa sementeryo, pati noong sinaksak niya sa mata si Moss-head, tsaka noong tinatadyakan niya ang bangkay ng tauhan ni Julius, at pati iyong lalaki sa sasakyan na walang awa niyang basta na lang binaril.
His eyes have never been this deadly!
Maswerte si Yelloe. Sana ako na lang ang nakapag-pa-galit kay Rant nang ganyan. Para mamatay na ako!
Sunod akong pumwesto sa may harapan ng kama. Tsaka pumikit...
"Anong ginagawa mo?", dinig kong tanong ni Rant.
"Getting out of here.", walang anumang sagot ko.
"Wow, magic?", sarkastiko niyang saad.
Tiningnan ko siyang masama. "Paganahin mo rin kaya iyang utak mo? Nang hindi ka natutulad sa libog ni Yelloe!", inis kong bulalas.
Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa panonood niya ng porn! Naiinis ako sa kanya dahil muntikan niya na akong... ahem... I mean, ayo'ko pa! Ayo'ko pang mawala ang pagka-inosente ko!
"Hindi ako malibog ah!", matinis na bulalas niya pabalik. Halatang defensive.
"Yeah right.", I can't help but roll my eyes at him. "Wag kang mag-alala, naiintindihan ko.", sarkastiko ko pa ring tukoy.
"Pft, as if namang ayaw mo akong halikan!", halos bulong niya lang iyon pero parang kidlat na pumasok sa aking tainga deretso ng puso ko ang kanyang boses!
"Hindi ah!", malakas at nataranta kong depensa. "Bakit ko naman hahalikan ang isang Kamatayan?"
"Hindi? Talaga? Hindi? Ayaw mo?"
"At ikaw? Bakit mo naman ako gustong halikan?"
"Gusto nga kasi kita."
"Gusto mo ako? Talaga?"
"Oo nga! Gusto kita."
"Edi wow! Thanks!"
Natigil ako sabay inis na bumuntong hininga...
Teka...
"What?", naguluhan kong tanong. Mali ata ako ng dinig?
"Wala. Sige na, mag-magic ka na diyan...", masungit niyang sagot.
"Ewan ko sa'yo!", saad ko na lang.
Sinubukan kong isipin ulit kung ano nang ginagawa ko kanina. Pero... pabalik-bakik sa utak ko ang biglaang sambit ni Rant... Gusto niya ako?
Ah, gusto niya akong patayin...
"Good. Dapat lang na gusto mo ako.", saad ko pabalik sa kanya.
Nakita ko lang siyang ngumisi bilang sagot.
Mabuti naman. Naroon pa rin ang kasunduan naming dalawa. Sa kanya ako hanggang sa maisipan niyang patayin ako.
Pumikit na lang ulit ako at inalalang mabuti ang setting sa video.
Kung ang nagpapa-kita sa screen ay sa harap ng kama, mayroon din sa gilid nila, at sa tuktok ng likod niyong lalaki habang naka-ibabaw sa babae... Don't get me wrong, saglit na nasulyapan ko lang ang video kanina. Pero tanda ko pa rin...
Base sa calculations ko, kung tama nga ang galaw ng video na tila mula kanan hanggang kaliwa... ang totoo ay baliktad kapag naka-anggulo, kaya... Mula kaliwa patungong kanan ang paraan ng camera. Kung isang beses na umikot ang video mula kanilang gilid-gilid at nagpa-kita ang kanilang hubad na katawan sa may kama habang naka-patong iyong lalaki sa babae, may camera din na malapit-lapit sa gilid ng kama...
Minulat ko ang aking mga mata at kinilatis ang paligid. May lampshade sa kanan. May kung anong artifact sa kaliwa.
Nilibot ko ang kama para hanapin ang naka-tago... Sa ilalim ng kama, sa ibabaw, at... Mayroong isang built-in-camera ang nasa headboard ng kama. Tama lang. Kung ganoon, dapat mayroon din sa kisame para makita ang on-top na galawan. Tumingala ako at may isang maliit na kumislap na kakaibang bagay sa may chandelier. May isa roon.
Dalawa na.
Kinilatis ko ang mga dingding sa kanan at kaliwang side ng kama. Sa mga iba't ibang hugis ng vase ko nakita ang apat na maliliit na camera.
Ang mga camera ay hindi parang CCTV, kundi mga high-tech at advanced technology na naka-built-in sa mga bagay. Kailangang basagin ang bagay upang masira ang camera.
Pinagpa-tuloy ko ang paghahanap. Hindi ko pinapansin si Rant dahil tahimik lang naman siya...
At pagkalaunan, natuklasan kong ang kabuuan ng kwarto ay may eksaktong fifteen na tagong camera!
On to my next step...
Hinanap ng mga mata ko si Rant at kalalabas niya lang mula sa closet kung saan ko nakuha ang laruang metal na katana. Pansin kong naka-pantalon na siya ngayon.
Muka pa siyang maaliwalas sa kanyang suot na polo.
Kailangan ko na rin yatang maligo...
"Rant, may ipapa-kita ako sa'yo.", umpisa ko.
"Ano na naman?", kunot-noo niyang sagot.
Hindi ako nagpa-halatang tinuro sa kanya isa-isa ang pinagtataguan ng mga camera. Hindi pwedeng malaman ni Yelloe ang plano ko.
"Sirain mo lahat ng tinukoy ko.", mariing bulong ko.
Nagka-tinginan kami.
Nginitian ko siya.
"Mamaya mo na gawin. Maliligo muna ako para...", sinulyapan ko lang saglit ang isang camera tsaka ko sinadyang lakasan ang aking boses. "Para makapag-sex na tayo! Ha? Gusto mo 'yon 'di ba? Babe? Ang cute-cute mo mahal~", mapanuyo kong saad at pinisil-pisil ko pa ang magkabilang pisngi niya sabay ngiting-ngiti.
Malalim na kunot-noo lang ang kanyang sagot at nanlilisik pa ang mga mata. Tila naguguluhan.
"I love you babe ~ Mahal mo rin ako 'di ba?", dagdag ko pa.
Nang bigla na lang niya akong hatakin sa baywang...
Nagdikit ang katawan namin at...
Halos lumuwa ang aking mga mata sa sobrang gulat, lumundag nang milyong beses ang pintig ng aking puso, nakiliti ang buo kong diwa, marahas na sinisipsip niya ang aking mga labi...
Hinalikan niya ako!
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...