The Psychopath_28: Between the Bars

2.5K 75 2
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


"Nakita mo ang mukha ko? Pwes kailangan mong mamatay. Kayong dalawa."

Nakatutok sa aking noo ang dulo ng baril. Akala siguro niya natatakot ako. Kaya nginisian ko lang siya. Nakita ko ang pagbaluktot ng kanyang mukha nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko alintana ang dugong dumadaloy sa aking tagiliran, at mabilis kong ipinulupot ang aking braso sa kanyang braso, hanggang sa maagaw ko ang baril mula sa kanya! Natawa na lang ako nang pinilit pa niyang makipag-agawan sa'kin, habang nakita ko sa gilid ng aking mata na nag-ra-rambulan na rin sina Unggoy at ang kasama nitong gagong ang sarap patayin!

Isang putok ng baril ang umalingawngaw nang hindi ko sinadyang makalabit ang hawak namin nitong kaagaw ko. Hindi na ako nagulat nang napaluhod sa aking harapan ang aking kalaban at bumubulwak na ang dugo mula kanyang hita, hingal na siya nang hingal!

Sinikmura ko siya!

Kailangan niyang magbayad sa pananaksak sa'kin! Gusto ko rin siyang saksakin nang paulit-ulit hanggang sa hindi na mamukhaan ang kanyang walang kwentang pagmumukha. Pero baril ang hawak ko kaya itinutok ko sa kanya at... Kakalabitin ko na sana para tagos sa kanyang bungo pero nabitawan ko na lang ito at...

"Don't kill him!", sigaw ni Unggoy sabay tulak sa'kin. Dahil nanghihina na rin talaga ako ay nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa damuhan. Binigyan ko ng masamang tingin ang Unggoy at bumaling siya sa kalaban. Kwinelyuhan niya iyon at, "Bakit mo sinimulan ang sunog?!", pagbabanta niya.

Konting katahimikan ang namayani bago tumawa nang pagkalakas ang lalaki. Tang ina niya!

Nandidilim na ang aking paningin!

"Sigurado ka bang ako ang nagpaliyab? Hindi kaya iyang kasama mo ang dahilan ng lahat?", halos hindi ko na narinig iyon. Sobrang hilung hilo na ako na wala na akong masyadong maintindihan.

"Sabihin mo sa'kin ang totoo!", hindi ko na alam kung sino ang sumisigaw pero mukhang nagtatalo ang dalawang kumag.

"Sinong nag-utos sa inyo? Ha?!"

"Patayin mo na lang kami!"

"Sino?!"

Fuck, ang ingay nila, bakit hindi na lang kasi magpatayan?!

Hinanap ko ang baril sa damuhan, at nagtagumpay naman ako. Pinilit kong tumayo at itinutok ko baril sa iaang lalaki na kasama niyong sinisigawan ni Unggoy. Umiiyak pa siya sa takot nang mapansin niya ako, pero anong pake-alam ko?! Patay kayong lahat sa'kin, mga gago kayo! Kinalabit ko ang baril, dalawang beses, tatlo... Hanggang sa...

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon