The Psychopath_11: One More Wall

3.8K 132 4
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


Hinintay kong makarating si Pervert! Kanina pa ako naka-upo rito sa may bench. Naka-yuko lang ako, nakatingin sa sapatos, inaantok. Wala pa akong ni isang oras na tulog simula noong madakip kami ni Bree ng mga gangsters.

Naiinis na ako sa kakahintay. Susunugin ko nang buhay ang manyak na iyon kapag hindi niya ako sinipot!

Nang biglang may sumulpot na kulay dilaw sa aking tinitingnang sahig, pag-angat ko ay isang saging ang pocha!

Yellow ang buhok, yellow ang kulay ng bibig, may yellow pang kulay sa kanyang pilik mata, kulay yellow din ang suot niya... Kulay fuckin' yellow siya mula taas hanggang baba! Tang ina, bakit andaming weirdong mga nilalang akong nakaka-salamuha ngayon?

"Hi!", kaway niya sa'kin na nakangiti. "Ikaw ba si Rant? Ako nga pala si NotPervert0258. But you can call me, Sexy.", tsaka siya kumindat.

Nasuka ata ako. Wala akong ibang maisip kundi sakalin ang saging na iyan!

"Nasaan ang blueprint?", agad na tanong ko.

"Wala.", ngiti niya.

Tumayo na ako at inumpisahan ko na siyang sakalin...

Napa-ubu ubo siya... "S-saglit, n-nasa u-utak ko! B-bitawan mo ako!", mahinang hinampas hampas niya ako sa braso.

"Wag mo akong pinaglolokong Saging ka, akala mo ba nagbibiro ako? Papatayin talaga kita!", patuloy kong pananakal sa kanya. Nakaka-irita e!

"Weh, h-hindi ka makaka-pasok 'p-pag p-pinatay mo a-ako, weh!"

"Nasaan nga ang blueprint?!", madiin kong banta sa kanya.

"N-nasa utak ko nga!"

"Gusto mo pang hugutin ko mula sa bungo mo ang utak mo?", at mabilis ko siyang hinila sa buhok tsaka ihahampas ko na sana siya sa upuan pero...

"Memorized ko!", taranta niyang sigaw.

Tumigil ako at binitawan ko siya.

"Sigurado ka?", agad kong pagkilatis.

Inayos niya ang sarili, napagtanto kong wig ang buhok niya dahil tumagilid ito. Tsaka niya ako hinarap. Nakangiti ulit siya. "Syempre, alam kong hindi ka nagbibirong papatayin mo ako, kaya mi-ne-morize ko ang blueprint. Kung wala ako, hindi ka makakapasok sa bahay ng mga Celegriña. Yeah, you can try killing me.", ngiting ngiti at papilantik niyang saad.

Nagtimpi ako ng galit...

"Ugh, 'wag mo akong tingnan nang masama, papangit ka niyan.", at kumurap kurap pa siya.

"Tara na!", agad na utos ko at hinila siya sa braso...

"Wait, may sasakyan ako, nandoon o!", saad niya kaya binitawan ko siya. Patungo na ako doon nang mabilis niyang ipinulupot ang braso sa baywang ko. "Grabe ka naman fafa Rant...", tsaka niya mabilis pa sa segundong ipinasok ang kamay niya sa loob ng pantalon ko! Damn, fuck!

Agad ko siyang tinulak, "Wag mo nga akong manyakin!"

Tumawa siya. "Ang cool! I think I'm falling in love!", kilig na bulalas niya. Tsaka niya kinagat ang pang-ibabang labi habang mapanuyong naka-titig sa'kin. Taena naman!

Tinulak ko siya at nagtungo na sa kulay dilaw niyang sasakyan. Sumunod siya. Mabuting hindi siya umangal na ako ang magmaneho.

Pero hindi siya tumigil magsalita na naririndi na ako, minamanyak pa ako ng mga tingin niya... May mga pagkakataon pang bigla na lang dumadako ang kamay niya sa batok, braso, at hita ko. Putang inang saging! Tinutulak ko lang siya sa tuwing ginagawa niya iyon pero tatawa lang siya at sasabihan pang ang astig ko daw. Gago.

"Saan tayo?", agad na tanong ko nang makarating kami sa may gate ng mga Celegriña.

"Ipasok mo itong sasakyan. O gusto mo, ipasok na lang sa'kin?", nang-aakit na tukoy niya.

Tinapunan ko siya nang masamang tingin. "May mga guard."

"Don't worry, kilala nila ako."

"Pft, mapagkaka-tiwalaan ba talaga kita?"

"Subukan mo kasi.", natatawang saad niya.

Kaya nagtungo kami hanggang doon, hinarang kami ng mga guard.

"Hi kuya, me again, gusto ko sanang pumasok sa loob, please.", maarteng saad niya.

Napakunot-noo lang ang guard. Tila ba inaalala niya kung saan siya huling nakakita ng saging.

"Ah, nasa akin pa 'yong video mo habang nagse-sex kayo ng kabit mo, feeling ko magugustuhan iyon ng mga netizens.", tumawa pa siyang nakakatakot. "Tingin mo rin ba babe?", baling niya sa'kin.

Hindi ko siya pinansin. Pero mukhang pansin na pansin na siya ng guard. Bumuntong hininga pa siya tsaka sinenyasan ang iba niyang kasamahan.

Nakapasok kami.

"May sex video din ako ng ilang katulong dito. Una hanapin natin kahit isa lang sa kanila para tulungan tayo. Ang galing ko ano, babe?", nasisiyahan niyang paliwanag.

"Wala ka talagang blueprint ano? Blackmail ang meron ka.", pagtanto ko.

"The same thing."

Ginawa nga namin ang sinabi niya. May nahanap kaming isang katulong, pagkatapos ay dinala niya kami sa isang mahabang puting pasilyo.

"Nasa loob po nito si Ma'am Sofie.", balita niya. Napansin kong Ma'am Sofie ang tawag nila sa babaeng dinala rito ng isang ambulansya, iyon ang description na alam nila tungkol sa anghel ko. Pero hindi ko maiwasang magduda, baka kasi ibang tao pala.

"Paano buksan ito?", tanong ko habang may kung anong pinindot pindot na si Saging sa isang teknolohiya.

"H-hindi ko po alam.", sagot ng katulong.

Tumabi ako kay Saging at pinagmasdan ko ang ginagawa niya, "Alam mo ba buksan iyan?"

"Mukhang kailangan nating maghanap ng kung sinong nakaka-alam.", naka-pa-maywang na saad niya.

"Si Ma'am Pinky lang ang alam kong nakaka-alam...", sabi ng katulong.

"Nasaan ang Pinky?"

Nagtaka ako dahil tarantang yumuko ang katulong. "S-sorry po!"

"Sino kayo?", biglang tanong ng isang matandang nakatayo sa dulo ng pasilyo. At may kung anong pinindot siya sa gilid niya, sa may dingding...

Sunod na tumunog ang sirena, at pumula pa ang pasilyo na parang red alert sa military!

Nataranta ako, ito 'yong mga panahong mahuhuli ang mga bida sa isang movie.

"Shit, Rant!", bulalas ni Saging na natataranta na rin...

Agad kong pinagha-hampas, sinapak-sapak, tsaka sinipa-sipa ang dingding, at sumigaw-sigaw ako, "Bree! Bree, nandiyan ka ba?! Breeeee!"

"Raaaaant!"



- - -
▪▪▪
➡️

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon