- - -
Wala na akong lakas.
Hindi ko na alam kung ilang araw na nila akong bihag.
Hindi nila ako pinapakain.
Hayop ang trato nila sa akin.
Kaparusahan ko na rin ito bilang isang serial killer. This is how I treated my victims.
Okay lang. Lahat ng bugbog na natamo ko ay para masigurong hindi si Bree ang makasalo. Alam kong ligtas siya sa kamay ng mga nanligtas sa amin noong gabing iyon.
I'm chained in a cage.
I don't know what this place is.
I can't even see clearly because of the blood that's flowing from my head. Natutuyo na ang mga dugo sa katawan ko.
I don't know how long I will last.
Gusto kong magalit... pero wala na akong lakas.
Gusto kong makawala dito...
Gusto kong makita si Bree...
Pero wala na akong lakas.
Naalimpungatan ako nang buhusan nila ako ng tubig. Namamanhid na ako, hindi ko na alam kung malamig o kumukulong tubig iyon.
Mas masahol pa sila kaysa sa ginawa sa akin ni kuya Nito.
"Rant!"
Boses iyon ni Bree.
"Rant! Rant!"
Agad akong natingin sa paligid, nandito siya?, "Bree..."
"Rant..."
Nanginginig ang boses ng aking anghel. Kahit hindi ko siya makita, alam kong umiiyak na naman siya.
"Wag kang umiyak.", I barely heard my own voice. Sobrang nauuhaw na ako, my throat is so dry that the only thing I can do is vomit. Naduwal ako. But what I see is blood coming out.
"Stop. Please stop. Rant!"
Natigil ako, nilunok ko na lang. Pinapanuod ako ng aking anghel, dahilan kaya siya umiiyak.
"Hintayin mo ako. Huwag kang mamatay! Hintayin mo ako, ipangako mo, hintayin mo ako! Darating ako para iligtas ka!"
Tumango ako, pero hindi ko alam kung naigalaw ko nga ba ang aking ulo o guni-guni ko na lang.
May narinig akong matinis na pagtawa.
Tapos ay nawala na lang bigla ang iba pang mga ingay. Alam kong mag-isa na lang ulit ako sa silid.
Gumagawa na ng paraan si Bree upang magkasama kaming muli. Sapat na iyon para lumakas ang aking loob.
Magkikita ulit kami, kaya hindi ako pwedeng mamatay hanggang sa matupad ang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...