The Depressed_21: Challenging Rant

3.3K 98 3
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -




Nagpatuloy lang akong kumain sa ice cream samantalang kanina pa pabalik-lakad si Rant na parang bang natataranta. "Problema mo?", inis na bato ko.

"May nakahanap sa katawan na pinatay ko!", namimilog ang mata niyang bulalas sa'kin.

"Oh tapos? Not like they'll find out who did it.", sumubo ulit ako ng ice cream.

Naka-sabunot siya sa ulo na umupo.

"Kain ka na lang. Gutom lang iyan."

Hindi pa rin niya ako kinibo kaya naisip kong subuan na lang ulit siya. Hindi niya tinugon ang kutsarang may ice cream kahit nasa gilid na ng kanyang labi. Nainis ako kaya ibinangga ko ang kutsara sa pisngi niya. May kaonting ice cream ang dumumi doon. Natawa ako. Sinubo ko na lang 'yong kutsara. Dahil hindi pa rin siya kumikibo ay inulit ko iyon. Lalong dumumi 'yong mukha niya ng chocolate. Natatawa talaga ako sa hindi maipaliwanag na dahilan kaya 'yong sunod kong ginawa ay kinamay ko na ang ice cream tsaka ipinunas sa kanyang pisngi...

Sobrang tawang tawa ako sa ginawa pero...

Inagaw bigla ni Rant ang kamay kong may ice cream tsaka dinilaan ang isa kong daliri, sobrang nagulat ako at... hindi ko rin alam kung bakit kinabahan ako, tila naku-kuryente ako sa tuwing dumarampi ang dila niya sa mga daliri ko! Geez! At lalo pa akong nagitla nang tumitig siya sa'kin, ang mga mata niya ay nag-aapoy, habang sinipsip niya ang dulo ng aking hintuturo... Nakarating din ang dila niya sa may gitna ng aking palad! Oh geezy cheese. Tumatalon ang traydor kong puso!

"Geh, tawa ka pa!", saad niya nang matapos siya.

Napa-maang na lang ako. Binitawan niya ang kamay ko at muli siyang sumabunot sa sarili, "Damn, anong gagawin ko?!", bulalas niya.

Hindi pala magandang binibiro si Rant kapag seryoso siya. Ibang klase siyang gumanti e. Puso ko ay halos malaglag na!

Nasapo ko ang dibdib at sobrang lakas nga ng kabog nito, "Anong gagawin ko?"

"Right Bree. Anong gagawin ko?!", tarantang saad pa rin ni Rant dahilan para magitla ako sa kakaisip ng paraan para matigil ang pintig nito. Nagkatinginan kami.

Bumuntong hininga lang ako at hindi ko siya nasagot.

"Nakalagay doon sa maletang iyon ang mga bagay na nilinis ko! Baka may dugo rin ako doon dahil hinayaan ko siyang lumaban. Nagasgasan ako! Sigurado akong nasa maleta ang mga iyon!", bakas sa kanya ang kaba at pagka-taranta.

Doon ko na siya binigyan ng paliwanag, "Malalaman nila ang DNA ng killer kung may ibang dugo nga doon maliban sa dugo ng bangkay, o kahit may kakaibang bagay doon gaya ng buhok at laway. Pero imposibleng mahanap pa rin nila ang killer, dahil wala naman silang hawak na record mo. Relax."

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon