- - -
"Ganyan pala ang itsura ni Kamatayan.", kako habang nakatingin pa rin ako doon sa spot kung saan niya nilibing 'yong maleta. Hindi ko maiwasang isipin na isang katawan ang naroon sa maletang iyon. Pero kinokontra ko lang...
May nagsasabi sa isang gilid ng utak ko na dapat akong matakot sa kanya. Pero may nagsasabi ring siya na ang pag-asa ko para mamatay... kung siya nga si Kamatayan...
At isa pa, may naramdaman ako kaninang nahulog kami sa bungkal - hindi ko alam kung dahil sa mata niya na mapupungay, sa ilong niyang tama lang ang hugis, sa labi niyang makapal na nagkasya lang ang mga maliliit niyang ngipin na mejo tabingi at lalo lang dumagdag sa manly dark figure niya, at ang panga niyang malapad na nagsasabing galit siya... kasabay ng pagsalubong ng kanyang kilay ang pag-igting ng kanyang panga kanina -naramdaman ko ang galit niya!
Napaisip ako kung kanino siya galit? Sa akin kaya? Dahil dinaganan ko siya? O sa sarili niya dahil nadulas siya? O 'di naman kaya sa madilim na mundo dahil wala naman talagang kakwenta-kwenta ang buhay!
Tumayo siya bigla at naglakad na papalayo... Agad ko siyang sinundan... Hindi ko na lang pinag-isipan. Basta tingin ko, kailangan ko siya.
Tumigil siya bigla at hinarap ako, "Bakit mo ako sinusundan?", madilim ang boses niyang tukoy.
"Dahil kailangan kita!", agad na sagot ko.
Ngumisi siya... sa nakakatakot na paraan na tila ba ay isang hakbang na lang ay tatagain na niya ako gamit ng hawak niyang itak! Ayo'ko sa ngiti niyang iyan! Nakakakilabot.
"Gusto mong mamatay?", tanong niya.
Ako naman ngayon ang sunod na ngumisi. "Tutulungan mo ba ako?"
"Hindi ako tumutulong sa kahit na sino."
"Pero papatayin mo ako 'di ba?"
Kumunot noo siya... "At bakit ko naman gagawin iyon?"
"Dahil ikaw si Kamatayan."
Tumawa na naman siya. Nakakatawa ba ang mga pinagsasabi ko? Seryoso ako! I'm starting to hate his laugh! Dapat nakakatakot din ang tawa ni Kamatayan 'di ba? Pero sa isang ito, naiinis ako! Ayo'ko rin sa tawa niya!
Nakakatakot ang pagngisi niya pero nakakainis ang pagtawa niya. I need to check my emotional qoutient. Mataas ang IQ ko - ako palagi ang nagta-top sa klase, national champion ako sa Game of the Generals, nakatanggap ako ng invitation ng Math Society galing China - pero EQ? Kung gaano kataas ang IQ ko, ganoon kababa ang EQ ko, kaya siguro hindi ko mapagtanto kung paano ko pakikisamahan ang Kamatayan na 'to. Naiinis ako na natatakot... but I can't stop that kind of feeling...
"I think I'm drawn to you!", bulalas ko sa gitna ng pagtawa niya.
Natigil siya bigla at tumitig sa'kin. Lalo lang lumalaki ang itim na usok na nakapalibot sa kanya!
"Sira ulo ka rin e!", maangas niyang saad. "Ni hindi nga kita kilala! And you're drawn to me? Stalker ba kita? Sino nagpadala sa'yo ha?"
"Dinala ako ng paa ko dito."
"Para ano? Parusahan ako sa mga kasalanan ko?", hindi ko na matukoy ang kanyang emosyon sa tono ng pananalita niya. Natatakot ba siya sa'kin?
"Ano bang kasalanan mo?"
"Serial killer ako...", at ngayon naman ay may diin na sa boses niya. Bakit ba siya pabago bago ng tono? Nireregla ba siya?
"Malamang...", maangas na sagot ko to prove my point. "Ano pa bang ginagawa ni Kamatayan kundi pumatay?"
"So nandito ka nga para parusahan ako?"
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya! 'Wag niya sabihing naniwala siya sa sinabi kong anghel ako? Natawa ako bigla! May sayad sa utak ang Kamatayan na 'to! Nakatagpo na nga ako ng isang 'god of death', 'yong sira sira pa ang utak!
Sige! Let's play along! Biruin mong mabibilog ko ang ulo ng isang shinigami?
"Hindi ako nandito para parusahan ka. Ginagawa mo lang ang trabaho mo bilang-"
"Kanina mo pa sinasabi iyan! Kamatayan, kamatayan! Tsk, hindi ko maintindihan!", naguguluhan nga ang facial expressions niya, "Huy! Bumalik ka na sa mental ha! Wala kang mapapala dito!"
At ngayon naman iniisip niyang baliw ako? Ibang klase rin! Tsk, tsk!
Bumuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili ko sa nagbabadyang galit...
Nagagalit na ako sa isang ito!
"Hindi ako baliw a! Baka ikaw ang baliw!", hindi ko napigilang sigaw sa kanya.
"Hindi ka baliw? Pero pinagkakamalan mo akong kung anuman iyan! Hindi ako Kamatayan!", depensa niya, then mumbled something that I barely heard, "Kitid ng utak ng anghel na 'to!"
"Wag mo nang ika-ila! Alam ko na kung ano ka!", pamimilit ko. Alam kong siya ang Kamatayan ko, hindi ako pwedeng magkamali! May 0.01 percent lang na nagkakamali ako sa isang Math problem, na kung tutuusin, it doesn't even count! Which means, I'm always right! I could never be wrong! Siya ang Kamatayan ko!
"Fine! Whatever!", ramdam ko ulit ang galit sa awra niya. "Pero huwag mo na akong susundan, lumayo ka na!", tumalikod na siya at nag-umpisang maglakad.
Pero kung kinakailangan ko mang magmaka-awa, gagawin ko...
"Please..."
Tumigil naman siya maglakad, kaso hindi niya ako hinarap...
I might have sounded so desperate, but I don't care!
"Take my life!"
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...