The Depressed_15: Exit with a Bang!

3.6K 119 4
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


"Ikaw fafa Rant, kanina ka pa ah. Baka sumabog na puso ni ateng Angel niyan! Hihihi...", saad ni Dilaw dahilan para maalala kong huminga!


Napa-iling iling din si Rant tsaka inayos ang pagkaka-buhat sa'kin. Nayakap ko pa siya lalo.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, kapag iniisip kong mabuti ay lalo naman akong naguguluhan. For all I know, hindi na naman siya nag-iisip. Kailan pa kasi siya nag-isip? Kailan pa niya pinag-isipan ang mga salitang lumabas sa bibig niya? Tsk, tsaka lang naman siya tumatalino kapag nakaka-patay siya!

Hindi ko na lang pinansin at winaglit sa aking kaisipan ang kanyang mga mapanindig-balahibong kataga. Nanatili na akong tahimik. May binubuo pa man din akong tula.

Kasi, hindi ko talaga maiwasang isipin ang sitwasyon namin ngayon. Nasa pagitan kami ng dagat at ng matayog na batong nasa kanan namin. Parang talaga kaming nasa dulo ng mundo, takot na mahulog sa tubig-dagat. At pati ang mga tala ay nakiki-sabay sa hangarin namin... Ang makarating sa kabilang mundo...

Ang sarap gawan ng isang tula...

Bang!

"Tigil!"

Nagitla kaming napalingon sa biglang sumabog at sumigaw... Namimilog ang mga mata ko nang sumilay sa may tunnel ang mga tauhan ni Julius! Apat ulit sila. Isa na ang nasa mga batuhan sa ibaba at hinahabol kami, dalawa ang bumababa mula sa bangin, at isa ang nasa tuktok!

"Waaaahh! 'Yaw ko na sa Earth!", bulalas ni Minion at dagli siyang tumakbo. "Mauna na ako sa inyo mga babes, ayo'ko nang mahuli!", nilagpasan niya kami ni Rant, na dagli namang sumunod sa pagtakbo.

"Shit!", bulalas pa niya.

Lumingon pa ako sa aking likod at hinahabol na talaga nila kami!

"Rant, bilisan mong tumakbo!", pananaranta ko sa kanya.

Naramdaman ko sa aking dibdib ang pagtaas at baba ng kanyang baga, hinihingal na siya! Wala akong magawa, kapag sinabi kong ibaba niya ako, siguradong mahuhuli naman ako dahil sa namimilay kong paa. Ayo'ko namang mahuli! "Rant, bilis!"

"Sabing tigil!", at nagpa-putok ulit ng baril ang may pinaka-malapit. Pero sa kalangitan siya nagpa-putok. He can't take the risk, he knows he might kill me. Kaya hindi rin lang niya kami babarilin. Geez!

Lumingon ako sa tinatakbuhan ni Rant at may kagubatan na sa dulo nitong daan! Lalo niyang binilisang tumakbo! Nauna nang naglaho sa loob ng gubat si Dilaw...

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon