- - -
Kumikirot ang buo kong katawan nang magising ako, at lalo pang kumirot ang pintig ng aking puso nang makita ko ang katawan ni Kamatayan...
Kinagat ko ang labi para pigilin ang pagtulo ng laway ko! Geez! Hindi ko alam kung pawis o tubig iyang tumutulo sa visible na 6-pack abs niya!
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pataas ang direksyon ng pagtulo ng kanyang pawis?...
"Ba't gising ka na? Tulog ka ulit!", saad ni Kamatayan dahilan para maalimpungatan ako.
Saglit nga lang... bakit parang...
"WAAAAAHHH!", hindi magkandamayaw na sigaw ko dahil napagtanto kong nakagapos pala kami nang pabaliktad! Nakatali ang mga braso at paa ko, nakabitin ako sa isang kahoy, at pag-angat ko ng ulo ay ang sahig!
Nilibot ko pa ang paningin at baliktad nga ang tingin ko sa mundo! At... pati si Kamatayan ay ganoon din ang sitwasyon gaya sa'kin!
Natataranta na ako... "Anong nangyayari?!", sigaw ko sa kanya.
"Nabihag nila tayo.", maikling paliwanag niya na kasabay naman niyon ay ang pagka-alala ko sa mga humarang sa'kin na kalalakihan bago ako nahimatay.
"Bakit nila tayo binihag?!", naguguluhang bulalas ko.
"Kasi nga pinatay ko si Perguson, isa sa mga kasamahan nila.", walang emosyon pa rin niyang paliwanag.
"Bakit mo kasi pinatay?"
"Hindi ko na maalala. Mahalaga pa ba 'yon?"
"Eh bakit ako nasama?", hindi ako makahinga sa sobrang gulo, "Busy akong mag-isip kung paano mamatay! Wala akong panahon para dito!", naiinis kong reklamo sa kanya.
"Wow. Tindi ng problema mo a! Petmalu!", sarkastiko niyang tukoy.
"Geez!", inirapan ko na lang siya.
Tumahimik sa pagitan namin, at pinakalma ko na lang din ang sarili. Tsk, nag-iisip pa kasi ako ng mga creative ways to die, tapos mapupurnada na naman? Palagi na lang ganito! Ayaw na nga sa'kin ng mundo, pati ba naman kamatayan ayaw sa'kin?
"Ayaw mo ba talaga sa'kin?", deretsahang tanong ko kay Kamatayan. Ano na ngang pangalan niya? Rat? Ral? Basta!
"Pinagsasabi mo?"
"Tumingin ka sa aking mga mata, at magsabi ka ng totoo... Gusto mo ako, o ayaw?", sinsero kong pagtatanong.
Kumurap kurap siya na tila ba may pumasok na langaw sa kanyang mata! Tapos mukhang napa-isip siya nang malalim.
"Anlalim naman ng sagot mo! 'Di ko mahugot!", sarkastiko kong tukoy sa pananahimik niya.
Huminga siya nang malalim bago, "Kung anu-ano tinatanong mo! Malapit na nga tayong mamatay sa kamay nila!", iritado niyang sagot.
Namilog ang mga mata ko! Totoo ba ang narinig ko? Mamamatay na ako?!
"I-ibig s-sabihin, this is it? This is finally it?", hindi makapaniwalang turan ko, kumalam ang aking sikmura, at hindi ko napigilang ngumiti nang abot langit! Makikita ko na rin sa wakas ang tunay kong tirahan, heaven!
"Bakit ka nangingiti diyan?", nakakunot noong tanong ni Kamatayan.
"Kasi mamama-alam na ako sa walang kwentang mundong ito! Goodbye world! Whooh!", sabik na bulalas ko.
"Sira ulo ka talaga kahit kailan!"
"Ano na ngang pangalan mo?", baling ko.
Hindi na siya sumagot.
"Rat? O Ral? Kasi at least 'di ba, sa mga huling sandali ng buhay ko, hindi ako mag-isa! Kasama kita Rat!"
"Rant!", naiinis niyang pagtatama sa'kin. "R. A. N. T. May 'N' doon!"
"Psh, ano ba kasing totoo mong name ha, Rat? Ah, Rannntth?", diniin ko talaga iyong pangalan niya sa parteng may 'N.T'. Ang sarap niyang asarin bigla.
"Tumahimik ka na nga! Ang ingay mo!"
"Kung hindi ako magsasalita, boring. Tsaka huling sandali na natin ito 'noh. Sinusulit ko lang."
"Nag-iisip ako ng paraan para makatakas. So shut up!", pagalit na niyang saad.
"Ok lang ako rito. Kahit hindi na ako tatakas.", nginitian ko siya. Nang may naisip ako bigla. "Teka nga, 'di ba ikaw si Kamatayan? Paanong nangyaring nabihag ka ng mga taong iyon? Dapat isang pitik mo lang, patay na sila. 'Di ba?"
Hindi siya sumagot at nanatili siyang gumewang gewang. "Anong ginagawa mo?", nagtatakang tanong ko.
Nang bigla na lang siyang yumuko pataas sa may kahoy kung saan siya nakasabit, tsaka niya isinabit ang taling nakagapos sa mga kamay niya. "Wow. Gymnast, flexible.", sarkastiko kong pamuri sa kanya. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa dating pwesto. Tapos ay inulit ulit niya ang ganoong taktika.
Hanggang sa nahulog siya! Nagitla pa ako sa tunog ng katawan niyang bumagsak sa sahig! Pakiramdam ko nabali bali ang mga buto niya.
Tumayo na siya, at dahil nakatali ang mga paa niya ay palundag lundag siyang nagtungo sa kung saan. Sa jacket pala niya, at may hinugot siya doon sa bulsa na maliit na kutsilyo. Ginamit niya iyon para tanggalin ang mga nakagapos sa kanya. Nang matapos siya ay isiunot niya iyong jacket tsaka binalikan ako.
"Ah, no! Ok na ako rito!", pagpupumiglas ko mula sa panghuhuli niya sa'kin. "No! Huwag mo akong pake-alaman! Just go! Leave me!", depensa ko pero hindi ako nagtatagumpay. Geez! Bakit ba hindi makaintindi ang gagong 'to?
Pero nabuhat niya na ako, hindi niya tinanggal ang mga tali sa'kin, at basta na lang niya akong binuhat na parang sako ng kamatis! "Sabing iwanan mo na ako e!", patuloy kong pagpalag mula sa kanya.
"Huwag kang maingay! Maririnig ka nila!"
"Tulong! Tulong! Kidnapping! Tulong!", pagsisisigaw ko.
"I said, shut the fuck up!"
"No! You stop! Bakit mo ba ako kini-kidnap! Dito na ako mamamatay e! Tulooong!"
Nang bigla siyang tumigil maglakad, tsaka dagling lumiko pabalik sa direksyon ng pinanggalingan namin, tsaka siya tumakbong mabilis!
"Nakatakas ang mga bihag!", sigaw ng kung sino, paglingon ko ay may mga kalalakihang humahabol na sa amin!
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...