- - -
Nagising ako sa isang nakakasilaw na liwanag, at sa sobrang lamig ng hinihigaan ko. I roam my eyes to the empty icy room. Napagtanto kong nasa sahig pala ako kaya bumangon na ako.
Whoa, ang gara naman ng lugar! Sigurado akong mayaman ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Tumayo ako para hanapin si Kamatayan at may naaninag akong isang malaking kama. Dumeretso ako doon at mahimbing nang natutulog ang lalaking iyan.
Hinayaan niya akong matulog sa maginaw na sahig samantalang ang sarap ng tulog niya sa malambot na kama! Gagong psychopath!
Psychopathy is the inability to feel remorse or guilt, and also the lack of ability to establish relationship. A psychopath do not feel love at all! Kulang sila sa hormones na maaaring magparamdam sa kanila ng pagmamahal o pag-ibig. Bakit ko alam iyon? Dahil matalino ako, ano pa ba?
Bagay na bagay ang salitang 'psychopath' sa Kamatayan na ito! Teka, ngayon ko lang naisip iyon, psychopath pala lahat ng shinigami. Makes sense. According to my calculation, I'm 98 percent right. May two percent na pag-asa pa ang mokong na ito para maging mabait!
Oh well, I have enough problems on my own. Hindi ko kailangan ng karagdagang problema sa katauhan ng nilalang na ito! Pero giniginaw talaga ako kaya sumiksik na lang ako sa tabi niya at nakikumot. Nakatulog ako pagkalaunan.
Nagising na lang ako nang mahulog ako dito sa sahig! Pagmulat ko ng mata ay nakatingin nang masama sa'kin si psycho! Bumangon na ako at naisip ko na lang na umuwi.
"Maka-uwi na nga!", kako habang pinagmasdan ko ang paligid. May liwanag na ng araw na sumisilip galing sa kurtina. Tumayo na iyong lalaki at hindi niya ako pinansin.
Sinundan ko siya, curious lang ako. Uuwi rin ako maya maya!
Nagtungo kami sa kusina at inumpisahan niyang magpakulo ng tubig. Umupo na lang ako dito sa dining area at pinanuod ko siya.
Nang matapos ay umupo rin siya sa kaharap ko at inumpisahan niyang sumipsip sa kape niya. Naamoy ko ang masarap na amoy americano latte.
"Anong pangalan mo?", umpisa ko habang nakatitig ako sa kanya. His irises resemble the color of sunset. Golden brown. Parang sinasalo niya ang liwanag ng araw sa tuwing kumukurap siya. Ang haba pa ng pilik mata.
"Kala ko uuwi ka na?", masungit niyang saad.
"Pangalan mo muna."
"Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Bree. Adira Bree Maya.", pagsasabi ko ng totoo. Iyan ang totoo kong pangalan, iba sa pangalang binigay ng mga nag-ampon sa'kin.
"Okey Bree... makaka-uwi ka na. Doon ang daan patungong labas!", at tinuro pa niya ang dulo ng bahay sa may pintuan.
"Anong pangalan mo?", ulit ko.
"Rant.", malamig ang tono niyang tukoy.
"Rant? Rant lang?"
Kumunot noo siya. "Umalis ka na."
"Bakit mo ako dinala dito?", nagtatakang tanong ko.
"Nahimatay ka..."
"Ano naman sa'yo kung nahimatay ako?"
"Bakit andami mong tanong?", walang emosyon niyang turan.
"May gusto ka sa'kin?", deretsahang maangas na tanong ko.
Nabilaukan ata siya sa kape kaya umubo-ubo siya. Sabi na e! Gusto ako ni Kamatayan! Sa wakas! May nagkagusto na sa'kin! Ang saya ko bigla! Mamamatay na ako!
"Oo, gusto kitang patayin!", bulalas niya.
"Iyon nga!", pagsang-ayon ko. "Pwes ano pang hinihintay mo? Kill me.", hamon ko sa kanya.
"Ayo'ko.", maikling sagot niya.
"Bakit?"
"Dahil mas gusto kong tino-torture ang mga tao hanggang sa mahugutan sila ng hininga. Wala naman talaga akong balak patayin sila, torture lang sana. Pero mahina sila e!", paliwanag niya na parang matagal na kaming magkaibigan. "Namamatay na lang sila bigla."
"Ahh...", kako na parang may natutunang solusyon sa isang Math problem. "Pwes i-torture mo na ako."
Tumawa siya bigla, 'yong nakakainis na tawa. "Hindi ba't ang pamumuhay mo dito sa lupa ay torture na para sa'yo?"
Natahimik ako. Tama siya. Kaya ko lang naman hinihiling mamatay dahil gusto ko nang takasan ang walang kwentang mundong ito! Gusto ko nang umuwi! See? Isa akong anghel!
Suicidal people are angels who want to go home! Kaya naniniwala akong anghel ako... Kaya iyon rin ang nasagot ko kay Kamatayan kagabi, na ngayon ay pinaniniwalaan niya na.
"Uwi na ako.", kako na lang at tumayo na ako, paalis sa pag-asa ko kay Kamatayan...
Nakalabas na ako ng lungga niya at isang abandonadong gusali pala ang lugar... Napagtanto kong lumang hospital ang gusali dahil sa mga hile-hilerang kwarto at mga kama at mga kung anumang kagamitan sa hospital. Sira sira na ang paligid. Pero doon sa lungga ni Kamatayan, mukhang bago naman lahat tapos ang gara pa! May mga computers pa siya doon, tsaka kompletong kitchenwares. Mas maganda pa doon kaysa sa condo ko!
Nawawala ako! My goodness! Siguro nasa parking lot na ako ng hospital dahil walang kahit na anong mga kagamitan dito, as in cleared out ang lugar! Ibig sabihin, malapit na ako sa labasan ng building na ito...
Nang biglang may kung sinong tao ang sumulpot sa harapan ko!
"Siya 'yon Master!", biglang sigaw ng kung sinuman at nilibot ko ang paningin, natigil akong maglakad dahil... pinalibutan na ako ng mga kalalakihang may hawak hawak na kung anuman - martilyo, pako, lagare, at iba pa. Nakatingin silang lahat sa'kin nang masama!
"Siya iyong pumatay kay Perguson!", sigaw muli ng isa na hindi ko man lang nakita kung sino.
At bigla na lang kumirot ang batok ko, humalindusay ako sa sahig, may naaninag akong baseball bat. Bago nandilim ang paningin ko ay may sumabunot sa'kin.
"Revenge is so sweet!", nangingiting saad pa niya...
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...