The Depressed_25: Necklace and Memory

2.7K 94 0
                                    

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -

Nagpahinga lang kami saglit ni Yelloe. Hanggang sa tawagin kami ng isang bata para kumain.

Nagtungo kami sa dining area, iba iyon sa malawak na silid kung saan kakain ang mga bata.

Kasama namin si Sister Hendra at Father Gomez, gaya ng pakilala niya sa'min, na kumain.

Casual lang ang dating ng aming usapan. Gaya ng dati ay madaldal pa rin si Yelloe. Hindi naman masyadong masalita si Father Gomez, kung magsasalita man siya, tungkol naman sa mga kwento sa Bible. Si Sister Hendra naman ay maya't maya nagbibigay ng sariling opinyon.

Wala rin naman akong tiwala kay Sister Hendra. Gaya ng sinabi ko, siya ang isa mga sinisisi ko kung bakit wala na ngayon sa tabi ko si Neomi.

Tama, iyon lang dapat ang plano ko. Gusto kong malaman kung totoong namatay nga si Neomi. At kung magsasabi siya ng sementeryo kung saan siya nilibing, ibig sabihin, patay na nga talaga siya.

Bumisita lang si Neomi noong mga panahong iyon sa mansyon ng mga Celegriña. Gaya ng pangarap naming dalawa, gusto naming sabay kaming ma-ampon ng iisang pamilya. Dahil likas na hindi ko pa lubusang kilala sina Julius at Heather, nagmatigas ako ng ulo na hindi ako magpapa-ampon hangga't hindi kasama si Neomi. Hindi ko susundin ang pinapagawa nila sa akin hangga't hindi kasama si Neomi.

Ang totoo niyan ay kasalanan ko rin naman.

Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Ako talaga ang may kasalanan!

Kaya kahit gusto ko mang ibaling ang paninisi ko kay Sister Hendra, mas sinisisi ko pa rin ang sarili. Dapat lang na mamatay na ako dahil sa ginawa kong iyon!

Gusto kong alamin ang pinagmulan ni Neomi. Kaya nagpati-anod ako sa malumanay na anyaya ni Sister Hendra.

Kapansin pansin ang pitong taong pagtanda niya. Noon ay kaonti lang ang wrinkles niya sa mukha. Pero ngayon ay hindi na maitagong tumanda siya. Kahit papano ay naging Ina namin siya. Hindi ko maiwasang manabik din sa kanyang pag-aaruga. At isa pa, pakiramdam ko ay bahay ko pa rin ang tirahan na ito.

Nais ko ring manatili muna rito.

Ang mga ala-ala namin ni Neomi ay mas malakas na bumabalik ngayon sa aking diwa. Sa bawat sulok ng bahay na ito ay tila nakikita ko ang kanyang kaluluwa. Nakangiti siya sa'kin. Tila sinasabi niyang kailangan kong mabuhay.

Kailangan mong mabuhay, para kahit papaano ay buhay pa rin ako sa iyong ala-ala.

Tila binubulong niya ang mga salitang iyan sa akin.

The Psychopath and the Depressed [HCS1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon