- - -
Nagising ako dahil sa pamimilipit ng sakit sa aking balikat, pati na rin sa ulo!
Nilingon ko ang paligid. Alam kong palagi akong nahihimatay kaya hindi na bago sa'kin ang magising sa mga kakaibang lugar. Pero...
Hindi kakaiba ang lugar na ito.
Napansin ko na rin ang naka-tusok sa'kin na IV fluid, at pati na rin ang oxygen tank kung saan ako humihinga...
Pinilit kong bumangon habang tinanggal ko ang breathing mask sa mukha ko...
Lumingon ako sa glassdoor patungo sa balcony ng kwarto. Masinag na ang araw... Ilang oras kaya akong tulog?
Who cares now? Kailangan kong makatakas mula sa lugar na 'to!
Walang lakas akong tumayo sa sahig, agad kong tinanggal ang nakatusok sa'kin, at dumugo pa... Tsaka ako naglakad palabas. Mabagal ang paglakad ko dahil sa umiikot ang aking paningin!
Nahirapan akong buksan ang pintuan ng kwarto dahil tingin ko gawa pa ito sa gold, o, narra... kung alinman ang mas mabigat!
Isang hakbang akong naka-labas at nawalan ako ng balanse... Nadapa ako! Nag-ingay pa sa buong pasilyo ang pagbagsak ko!
Kaya naman pag-angat ko ng ulo ay inalalayan na ako ni manang Pinky, ang headmaid ng mansyon...
"Miss Sofie, hindi ka pa po magaling...", inakay niya ako. "Hindi pa lubusang naglulunas ang mga sugat mo.", naglakad kami na halos hila-hila niya ako pabalik.
Inupo niya ako sa gilid ng kama.
"Magpahinga na po muna kayo..."
Hinabol ko muna ang aking hininga dahil sa kaonting galaw ko na iyon ay sobrang napagod ako.
"Bakit niyo po tinanggal ito? Naku naman o.", may kinuha siyang walkie talkie sa bulsa ng kanyang uniporme. "Tawagin mo ang doktor, sabihin mo nagising na si Miss Sofie!", utos niya sa nag-iisang butler ng bahay. Puro kasi sila mga maid.
Sunod siyang ngumiti sa'kin. "Miss, mahiga ka na po muna at hintayin natin si Dok Ferrer, ha?", at mainhin niya akong itinulak upang mahiga. Nagpa-tianod na lang ako sa mga utos niya... Wala rin lang naman akong lakas!
"Miss, ano pong gusto niyong kainin ngayon?", malambing niyang tanong habang inaayos ang higaan ko.
Natahimik sa pagitan namin dahil hindi ako sumagot pero... agad din lang kaming naabala dahil sa malakas na bangga ng pintuan sa dingding...
"Sophia Marie.", maalumanay na bulalas ni Julius, ang tatay-tatayan ko. Hindi ko siya magawang tawaging Daddy, o, Papa... Tinatawag ko lang siyang Daddy bilang publicity, showmanship sa mga business allies niya, at bilang panlilinlang sa mga tao na kunwari may perpekto siyang pamilya... Tatakbo siya bilang Senator sa susunod na election. Sakali man, siya ang kauna-unahang Senator na mang-gagaling dito sa Hemetria City, palibhasa siya rin ang Mayor dito.
Bumangon ulit ako nang nasa gilid na siya ng kama.
"Anong pumasok sa isip mo para tumakas ka?!", walang emosyon niyang sambit sa'kin. Maalumanay siyang magsalita pero ang mga mata niya ay naghuhudyat ng isang demonyo. May awra siyang nakakatakot sa kabila ng mainhin niyang galawan. "Wala kang karapatang takasan ako, Sofie.", walang kaemo-emosyon pa rin niyang tukoy, pero ramdam ko ang nag-aapoy na tensyon sa pagitan namin.
Sanay na ako. Noong una ay takot na takot talaga ako sa kanya, kahit na ilang beses na sinabihan akong mabait siya, hindi ko maiwasang matakot sa mga nakakamatay niyang mga mata!
"Alam mong kahit anong gawin mo ay akin ka na! Akin ang kaluluwa mo, Sofie. The sooner you realize that, the better."
Huminga siyang malalim. Alam kong nagpipigil siya ng galit kapag bumu-buntong hininga siya.
"Tingin mo talaga, kaya mo akong takasan?", ngumisi siya. "Pinag-bigyan lang kita ng ilang buwan para malaman mong kailangan mo ako."
"Mas kailangan mo yata ako.", walang takot na depensa ko. Naka-tuon lang ang aking tingin sa kumot.
"Mmh...", singhal niya. "Tama ka. Kailangan ko ang utak mo para manalo ako sa election. Kailangan ko ang utak mo para manalo ako sa lahat ng laban ko. Ang utak mo ang kailangan ko, Sofie. Pero huwag mo kalilimutang kailangan mo rin ako para mabuhay sila. Isang beses pang lumabas ka sa kulungan mo, lahat ng bata sa St. Louis Orphanage ay mamamatay. Syempre, pahihirapan ko muna sila bago ko sila i-massacre. Gaya ng nangyari kay... ano na ngang pangalan niyon?", he paused, not even a single hint of emotion is in his tone.
Nagngitngit na ako ng galit, kapag naa-alala ko ang mga nangyari kay Neomi ay hindi ko mapigilang umiyak! Binato ko na siya ng isang matalim na tingin habang nag-uunahang dumaloy ang aking mga luha... "Pwes mas mabuti pa ngang mamatay na ako!"
"Ah, yes.", naka-ngisi pa rin niyang sagot. "Yes, that would be an easy way out. Pero sisiguraduhin kong isusunod-"
"What made you think may pake-alam pa ako sa kanila? Sige... patayin mo na silang lahat! Wala akong pake!", mariin kong banta sa kanya.
Umigting ang kanyang panga. Natigil siya sa sinabi ko. Naka-kunot noo na siya, at nawala na ang maalumanay niyang postura.
Mabilis niyang hinablot ang panga ko, dahilan para maibaon ang kuko at daliri niya sa aking pisngi. Hindi ako nagpa-tinag at patuloy pa rin ang matalim kong tingin sa kanya.
"You really get it this time! Hinding hindi ka na makakalabas sa kulungan mo! At sisiguraduhin ko ring hindi ka mamamatay! Akin lang ang kaluluwa mo!", pagalit niyang bulalas tsaka niya ako malakas na binitawan.
Tumalikod siya sa'kin at tinukoy si manang Pinky na naka-yuko at takot tumingin. "Siguraduhin mong kumain si Sofie! Dalhin mo siya sa Box pagkatapos."
- - -
▪▪▪
➡️
BINABASA MO ANG
The Psychopath and the Depressed [HCS1]
Mystery / ThrillerA serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live? Or will they be the reason of each other's death? ▪️P l a c e : Hemetria City ▪️T i m e: 20XX_Befor...